Monday, April 6, 2009

Jollibee Anonas


Kapag naghihintay ka nga naman nang higit sa tatlong oras, at natalo ka na ng ilang libong dolyar, nakapagpalipad ng ilang daang pahina, nakabili ng sandamakmak na samalamig at narindi sa iisang bata, wala ka nang magawa...

kundi tumunganga.

*

Nothing

is more painful than to watch an old man,

shuffling on his feet--

late for his meeting

with his favorite granddaughter,

painstakingly taking

each

step.

And then looking back,

after a hundred miles

(or so he thought)

he never went as far

as a single,

youthful step.

*
Nagbabasa ako ngayon ng aklat ni Sir Egay na "Walong Diwata ng Pagkahulog" na binili ko sa sarili kong pera (oo, pulubi ako ngayon) at nakatagpo ako ng MARAMING mga linya na para bang ang sarap i-highlight, o di kaya kopyahin sa papel. Wala akong papel kaya sa cellphone nalang.

Narito ang dalawa::

"Lahat, may hinahanap. Pero iba ang natatagpuan sa huli. Pero masaya pa rin sila. Lagi pa rin silang masaya."

at,

"May nasasaktan tayo sa simpleng katotohanan na narito tayo, nabuhay tayo, kahit wala naman talaga tayong intensiyong manakit ng iba."

*

Ayun lang naman. Magandang gabi!

Saturday, April 4, 2009

UHM

I just realized,

sobrang iba ko na sa dating ako.

I mean I hang out with a completely different set of people,

although kasama ko pa rin ang mga ibang talaga namang classic kumbaga. haha

Pero grabe. Ewan. Ang iba ko na talaga.

And I'm not really bothered, really.

I like myself. I like the Koko now. And she's happy. :)

AND I MISS ALL THE PEOPLE! AND I'M BORED! hehe

Wednesday, April 1, 2009

A Something

To the one being
(yes, I can call you that)
that never tells
the tales behind the tears

Nor questions them,
nor remembers them
after the night,
after it all.

To the one
that is always there on my bed,
or just under it--
never farther than the mark on my door.

To the one that's ready to soak it all up,
and just dry them all off
tomorrow morning,
as if nothing happened.



To my pillow.

*

Wala lang. Nabuo ng lahat ng asin at tubig kagabi.

Monday, March 30, 2009

Meron o wala?

Hindi yung gameshow ang tinutukoy ko; dumating na kasi ang email ng SMU kay Justine...Wala pa'ko. Hindi ko alam kung hindi kami nanominate dahil dun sa Europe thing o hindi talaga ako natanggap. Eitherway, wala pa rin akong email, at wala pa rin akong school sa JTA. Dahil iyong Europe, sabi last week ibibgay. Pero wala e. This week daw. Anyway.

Naalala ko lang iyong sinasabi noon na wala naman talagang bagay na masasabinhg wala sa mundong ito--tipong never existed. Dahil the fact na nasabi mong wala iyon ay isang pruweba na minsa'y naranasan mong meron noon. Ayun lang naman. Sa ngayon ang bakasyon ay napuno ng pagbasketball kasama si Charles, panonood ng mga pelikula, pagkatakot sa gitna ng gabi, pagbabasa ng labing-apat na pahina ng Walong Diwata ng Pagkahulog, paglilinis ng kwarto, pagtapon ng mga papel, pagPlurk, at ngayon-ngayon lang, pagJam Legend.

Wala pa rin?:(

Saturday, March 28, 2009

Heights: Guilty Pleasures

Have you seen the latest release? It's good, really. Here's one that I think was really witty. I'd like to remind you that this is not my work, and I'm not claiming any of these. I am merely sharing with you what great piece Miss Yap made.

Eggshells
by Isabel Yap

Simon's bakery has a knack for attracting every female in town.

The smell of fresh bread, the candy-colored roofing, and Simon himself, sitting cozily at the bakeshop window, rolling his pin over an endless stretch of dough, an eerie smile on his face, brings an endless mass of giggles, frocks and fancy shoes stepping outside and pushing around inside and by the end of the day everything is sold out.

Simon takes his time choosing his ingredients. He picks out the purest, sweetest lamb in the throng of bleating sheep that approach him. He captures her by the hand, gestures to the kitchen. She is usually a-flutter and overwhelmed. She is not always the prettiest, and hardly ever is she the most shapely. Usually she is the youngest, but that's only coincidence--the one discriminating factor is that she is not hardened, that she does not wear a frown. He sees the right one and stands, sets the rolling pin aside, pushes through the crowd which parts like a wave over his charm, and touches her gently on the shoulder, or her cheek if position allows.

Her face bright red, she lets herself be led away, and other girls seethe with envy.

Maybe that why they don't realize--the chosen ones never come back.

The kitchen smells wonderful, and it has the dusted look of sweet bread. Simon himself, perhaps with a smidgen of flour on his nose or a thin crust of sugar on his lips, all toppings to the cream of his face and the indulgent chocolate of his eyes, is more than a treat for an already ravenous lady. He sits her down and tells her, very quietly, the importance of producing the finest baked goods in town, and the sacrifice it entails. She listens and nods. She doesn't notice how bare the back room is, and she doesn't wonder where his assistants are. She doesn't notice that his refrigerator is half-empty. There is a carton of milk on the table and a bowl and a stirring rod, and she muses, dreamlike, oh isn't he wonderful. All her mind can think is that he is heaven, and all their little children will be angels.

He tells her in a voice cold as frozen icing that she is special. He tells her he loves her.

The glare in his eyes shines somewhat when he says this.

It's a tried and tested speech. He is used to it, but he wishes sometimes there were easier ways to do things--simpler and less devious ways. Then his stomach rumbles and he forgets all this empathy. He squeezes her hands between his palms, kisses her forehead, and asks her to give him her heart.

And she does.

He takes it in its simple form, not the bleeding mass some other evils prefer.

The little apple-shape is delicate in his hand. She remains on the stool with closed eyes and protruding lips.

He holds her hear against the bowl and cracks it, lightly, and all the love inside flow out. It is a beautiful color, not like egg at all. The white is more pink, the yolk deep red.

He has stopped hoping long ago, but is a little disheartened just the same when he finds that this one won't fill him either. It's never enough.

He tosses the shell into the growing pile in the corner and whisks around the heart's contents a bit. He adds some milk. After some thought, he adds a dash of sugar as well. He dusts his hands on the clean apron around his waist, sighing. He doesn't want to be a villainm but that's just what he is. He doesn't want to be so gluttonous, but there is no way he'd willingly starve. He stands and piles the ingredients to a bowl, mixes in some flour and yeast, pops it into the oven and thinks that tomorrow, he might try marzipan squares or egg tarts. But today he'll make sponge cake.

He will be satisfied someday, surely. He will appease the hunger in time. Still, for now, he has to keep being patient.

Presently the oven lights stop burning yellow. He pulls the cake out and cuts himself a slice.

At least, he tells himself, with what might be a rum-bitter remorse, at least when I say it's made with love, I'm telling the truth.

*

Nice, right? Galing ng words and all. It kinda reminds me of Sweeney Todd but of a lighter, less dark version. And it's kinda sweet. HAH.

You can have my eggshell, and drink the yolk to the last drop even.


Eggshells


Friday, March 27, 2009

March 27, 2009

Was at first a bad day for me. For a number of reasons like
.
.
.
and
.
.
and
.
.
.
And then it got better. We went to Paranaque to go see Maki's lola's house there. It's huge, of course. And then we went to Town Center. Nothing new really, except for the fact that we got lost going there and we got lost going home. Plus the people I was with--Jour Dan, Roxy, Gine, and of course, Maki. Fun is an understatement. It was hilarious.

But my favorite part was when (parang Dora lang!)

Jour accidentally went inside that yellow box for the intersection nung stop, e bawal yun 'di ba. Haha di ko maipaliwanag nang maayos, wala akong alam sa tungkol sa mga kalsada. haha pero ayun. TAPOS may MMDA na malapit doon tas onti-onti siyang lumapit. Tapos nagffreak-out na kami sa loob ng car. Tapos di binuksan na ni Jour yung window. sabi itabi raw pagka-go dun sa kabila. Tas yun na nga. Hiningan ng lisensya, registration, mga ganun. Tas ineexplain na ni Manong Junior (that's what we call him now) kung anong violation, na baka raw mabangga kami kung saka-sakaling malasin dahil nakaprotrude yung harap nung car ni jour sa intersection. Tas ipinapaliwanag na niya kung paano babayaran ni Jour yung ticket niya sa office daw nila. 200 daw. Tas ineexplain niya ba't di pwede sa bangko and all, kailangan sa office sa Makati. Tapos sabi ni Jour hindi naman niya talaga sinasadya.

TAPOS.

Sabi niya, ang hirap naman daw ticket-an ni Jour kasi parang ang bait-bait daw niya tapos nakangit pa kaming lahat na kasama niya. WOOHOOO tapos sinabi na rin namin na nawawala kami tapos tinawanan pa niya kami na may MAPA kami tapos sabi ni Pinoy ba raw kami parang 'di kami taga-Maynila tapos pinayuhan pa niya kami na mag-aral daw kami mabuti.

TAPOS sabi niya,

Hindi lahat ng MMDA, masama.


AMEN. AMEN to that.

Thursday, March 26, 2009

To the Big Guy

Hi Sir,

Alam kong sobrang late na nito. And I am very aware of your REALLY big help in the past months of my humble life. I know that all I've been doing was ask for Your time, ask for more and even more. For every hour and ever plate number I wished and prayed to you. For the miracles. And that's almost all that I told you. I know that I never really got to talk to you properly and many of our conversations were more of small, quick talks--not because You were busy, of course, but because I thought I was too busy. Yes, Sir, I know no one is ever too busy for You. And I'm really sorry. But You stuck with me there. And thank You. And You gave me too many miracles. And I thank You for that. And You gave me people to help me. And I am very thankful for them. Sir, I know I am the most unworthy of Your time, but You gave me some. No, You gave me a lot. And even though I don't act like my younger brother right now when he got this big box of some Hotwheels cool thingamajig for his graduation, I am happy. And I'm thankful for that.

Sir, I know that there were LOTS of times I was just calling out to You and almost thinking You weren't there. But You were. Thank heavens You were.

A firm believer,

Koko

*

SUMMER IS HERE. Siguro 'di naman ako tatamaan ng kidlat dahil ngayon lang ako "nagkaoras" para gawin ito. Sorry po, Lord. Sorry talaga.

*

IT

It

is not like seeing a gas station
after travelling for so long
'cause you just HAVE to pee.

is not like that first drop of water
that you got after that jog.

is not like the toothpaste
you use to soothe the pain
'cause you stupidly didn't notice the fire.

IT

is not like anything in this world.

IT

is more than that.

Monday, March 23, 2009

Uhm

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.

some 4 hours before my last Acc LT!

What's

Hello?? Sabaw na'ko. Nawawala na naman index cards ko. Pakiramdam ko nag-adventure na naman mga gamit ko e. Alam ko, alam ko, astig magkaroon ng mga magical na gamit na sumasagip ng iba pang mga magical na gamit sa mga lugar na hindi tanaw ng mga walang magical na mata pero naman e, 'pag kailangan ko tsaka kayo uma-adventure! Asa'n na ba kayo? 'Di ako makagawa ng kahit ano e :( Nattempt tuloy akong gumuhit na naman ng magical index card parang yung kagila-gilalas kong ruler dito.

Labas tayo bukas pagkatapos ng LT mga kuya, mga ate! Naalala ko pa ang pakiramdam ko after ng Acc20 LT4...dumaan kaming Libis at makislap ang mga ilaw noon. Naiyak ako...swear! haha Wala nang paki kung anong kinalabasan. Basta tapos na. Looking forward to that tomorrow. But of course I will have to go through the aral first and then the test itself. There can be miracles, if you believe. THOUGH HOPE IS FRAIL, IT'S HARD TO KILL! WOOOHOOOO.

At oo nga pala. Sinabi ko bang sabaw na'ko?

Sabaw na'ko.


Saturday, March 21, 2009

Juan Kapalmuks

(para sa histo journal.)
Sa pagtalakay ng kasaysayan ng Tsina at Japan ay napansin ko ang isang nangingibabaw na tema--anumang ikot ang kanilang dinaanan, bumagsak ang dalawang bansa (at talaga namang lumagapak ang parehong bansa, lalo na ang Tsina) ngunit pagkatapos ng kanilang kahihiyan ay nakuha nilang bumangon muli at makabawi.

Nakakainggit lamang na bakit sa kaso nating mga Pilipino'y hindi pa yata natin iyon nagagawa. Madalas lumalabas ang mga usap-usapang ikinukumpara natin ang ating sarili sa mga katulad din nating bumagsak na bansa. Hindi ko na kailangan pang maglabas ng mga numero ngunit parati't parati na lamang tayong nahuhuli sa mga nasabing bansa. Hindi naman sa sinasabi kong kailangan nating lampasan ang mga bansang iyon pero ang bilis ng kanilang pagbangon ay talaga namang makapagpapahiya sa mala-pagong nating pag-unlad, at iyon ay kung mayroon man tayong pag-unlad.

Kung susuriing mabuti ang kultura ng dalawang bansa ay natatalakay ang kanilang pride. Para sa mga Hapon ay nariyan ang mga Samurai na karangalan ang pinakamahalagang bagay sa kanila. Sa kaso naman ng mga Tsino ay nariyan ang superiority notion nila sa kanilang sarili. Sa parehong kultura, ang mayroon sila ay ang pagmamalaki sa kanilang sarili't hindi pagpayag sa pag-apak sa kanilang dignidad. Oo, may mga panahong tumiklop sila ngunit hindi kailanman nawala sa kanilang mga diwa ang pagmamalaking iyon.

At ano naman ang mayroon tayong mga Pilipino? Konsepto ng hiya at pagpapakumbaba. Samahan mo pa ng utang na loob. Hindi naman sa sinasabi kong dapat nating palitan ang ating kultura; may mga ikinabubuti rin naman ang mga ito at mahirap naman talagang baguhin ang mga bagay na nakataga na sa bato. Pero hindi ba't mas masarap makita ang bansa nating bumabangon mula sa dumihan? Halimbawa, minsan kaakibat ng ating pagpapakumbaba ay iyong hindi na pagpapakitang-gilas at pagpapakita ng kung anong mayroon tayo. Marahil panahon na upang paminsa'y kapalan natin ang ating mukha and show them what we've got. Siguro pwede ring paminsa'y maniwala naman tayo sa kakayanan ng bansa nating maging magaling at anong malay natin, kapantay pa ng mga nasabing bansa. Don't even get me started with the issue of honor dahil talaga namang marami sa atin lalo na sa mga namumuno ang wala nito. Ang punto ko lang naman ay ganito--marami tayong matututunan sa mga bansang ito at marahil hindi tayo gaanong komportable sa mga ilang radikal nilang paniniwala pero sigurado akong mayroon somewhere in their teachings na makakatulong sa'ting makamit ang mismong kinaiinggitan natin sa kanila.

Bitter.

Sa mga taong may albums na ng summer nila,

mga stat na "wala bang pwedeng gawin?"

at kung anu-ano pa.

Onting konsiderasyon naman! Kami'y naghihingalo pa!

Haha joke lang :)

Summer summer summer! Tulog tulog tulog!

Tinatamad akong mag-aral~

Friday, March 20, 2009

Mag-iingat ka


Sana marunong akong lumipad--
iyan ang aking hiling noon.
Pero 'di ko lubos akalaing
sa pagtupad nito,
ako'y babarilin,
at hindi mararating
ang anumang naisin.

*

Ah the Distance that breaks my heart has come, once again, knocking at my doorstep.

*

Hindi ako makaaral...

Thursday, March 19, 2009

Reposts

from here.

i was on my way home when i saw this kid with a scab on his knee.

then it came to me:

i already forgot how painful it was to be wounded.

how hard i cry when i hurt myself;

how painful it is to treat the wound;

how itchy the wound would be when it is healing;

how awkward the scab would look--

how rough it would feel;

how pink the flesh is when the scab is gone;

how long before i forget that i even got one.

*

Dahil nasugatan ako ngayon. Gusto ko lang ilagay kung anong isinulat ko sa resiliency paper ko::

"...naisip ko na marahil ang resiliency ay may kaakibat na katapangan. Pagbigyan ang paggamit ko ng salitang Inggles dito upang maipinta ko nang maayos ang aking punto. May dalawang salita para sa katapangan sa Inggles—ang bravery at ang courage. Mula sa isang mensaheng ipinadala sa akin noon ay nalaman ko kung ano ang kaibahan ng dalawang salitang iyon. Bravery ay ang pagsabak sa isang bagay na alam mong delikado at wala kang paki sa kung anumang kalalabasan ng iyong mga kilos. Sa kabilang dako, ang courage ay ginagamit sa mga pagkakataong sasabak ka sa isang sitwasyong alam mong delikado at natatakot kang sumabak dito, ngunit sasabak ka pa rin. Gayon din sa resiliency ng mga tao. Sa pagbangon natin mula sa bawat pagkadapa ay tinatanggap natin ang katotohanang may posibilidad na matisod muli. Kaiba sa sitwasyon kung saan mananatili na lamang tayong lagapak sa lupa, ang resiliency ay ang courage na harapin ang susunod na pagkatisod dahil sigurado’t walang palya—muli tayong madadapa.
Gayon din sa’king napiling paraan ng pagbangon mula sa batuhan. Ang hayaan ang buhay na tumuloy lamang ay isang act of courage at pananampalataya na rin na sa susunod na beses ay may lakas pa tayong tumayo muli, gaano man kalakas ang ating pagbagsak."

*

Dahil ngayong araw na-realize kong ang dami kong mga pagkakamali't pagkukulang...gusto kong umiyak at sila'y pagsisihan ngunit wala na akong magawa kundi ang umasang hindi ko na sila mauuulit pa.

Wednesday, March 18, 2009

Struggle

Sobrang gusto kita e...

Parang isang tawag mo lang,

bibigay na'ko...

Parang sobrang kailangan kita

lalo na sa mga huling araw

(ayoko mang aminin).

Ang hirap iwasan 'tong pagnanasa ko para sa'yo...

lalo na sa taong asa harap ko ngayon.

Dahil nirerespeto ko siya,

at mahalaga siya.

Ano'ng gagawin ko sa nararamdaman ko para sa'yo?

Ang masasabi ko nalang ay mahirap din para sa'kin 'to.

Pero sorry,

tulog,

di kita kayang pagbigyan 'pag Accounting.

sabaw na... :D

Tuesday, March 17, 2009

A reminder


The Orange

by Benjamin Rosenbaum

An orange ruled the world.

It was an unexpected thing, the temporary abdication of Heavenly Providence, entrusting the whole matter to a simple orange.

The orange, in a grove in Florida, humbly accepted the honor. The other oranges, the birds, and the men in their tractors wept with joy; the tractors' motors rumbled hymns of praise.

Airplane pilots passing over would circle the grove and tell their passengers, "Below us is the grove where the orange who rules the world grows on a simple branch." And the passengers would be silent with awe.

The governor of Florida declared every day a holiday. On summer afternoons the Dalai Lama would come to the grove and sit with the orange, and talk about life.

When the time came for the orange to be picked, none of the migrant workers would do it: they went on strike. The foremen wept. The other oranges swore they would turn sour. But the orange who ruled the world said, "No, my friends; it is time."

Finally a man from Chicago, with a heart as windy and cold as Lake Michigan in wintertime, was brought in. He put down his briefcase, climbed up on a ladder, and picked the orange. The birds were silent and the clouds had gone away. The orange thanked the man from Chicago.

They say that when the orange went through the national produce processing and distribution system, certain machines turned to gold, truck drivers had epiphanies, aging rural store managers called their estranged lesbian daughters on Wall Street and all was forgiven.

I bought the orange who ruled the world for 39 cents at Safeway three days ago, and for three days he sat in my fruit basket and was my teacher. Today, he told me, "it is time," and I ate him.

Now we are on our own again.


Monday, March 16, 2009

So someone told me to ask for guidance.

Just this afternoon we were informed that scholars will have to confirm if they're gonna get the money from SOM for JTA.

So I went to check about Temasek (the one for Singapore.)

While waiting, (cause there was a line)

the secretary called me

and I had to go meet Dean Ang with Eduard and Jen daw.

So he has good news daw.

There's an offer of scholarship for Europe.

All expenses paid.

All.

Di ko lang alam what school

but sure na yung scholarship if we (eduard and i) say yes.

Singapore is great.

NakaSinga mindset na'ko e.

And then this.

Europe is really great din.

But the distance and shiz is scary.

What to do?

D:


Sorry I just had to take this off my chest. Will not check my multi until after my math test. Promise. I NEED PRAYERS. We all do. For all our tests and projects, and for this.

Saturday, March 14, 2009

The Last Piece

Sa pagbuo ng isang puzzle, may mga piraso tayong inuuna--iyong mga siguradong sulok. Madaling hulaan kung iyon ay sa taas o sa baba--asul para sa langit o minsa'y sa ilog; luntian para sa damo o mga bato para sa sahig.

At meron din namang iyong habang ipinagpapatuloy natin ang pagbuo ng puzzle ay iniiwanan muna natin. Magkakahalong kulay at hugis na ang meron ang mga ito. Magkakapatong na kulay, at walang straight edges na pwedeng isiping sa sulok o gilid sila lulugar. Matagal bago mailagay ang mga ganitong klaseng piraso, at sa paggawa pa nga ay mahirap.

Mahirap dahil may mga preconceived criteria na tayo sa mga puzzle pieces. Tulad nga ng sabi ko kanina, straight edges para sa mga sulok at gilid at mga kulay na nagsisilbing clues sa kung saan sila lulugar. Kaya naman kapag naharap na tayo sa mga puzzle piece na hindi nami-meet ang kahit ano sa mga criteria na binuo natin e nawiwindang na tayo.

Para solusyonan ito, binubuo natin ang gilid palabas. Inaayos muna ang iba pang mga bahagi para magkasya ang huling pirasong iyon. May mga pagkakamaling magagawa, frustrations at iba pa.

Pero kapag panahon na upang ilagay ang huling pirasong iyon, malalaman nating kaya ito, at swak na swak pa nga.

:)

Friday, March 13, 2009

Er

...

Thursday, March 12, 2009

Nahanap ko lang naman.

.
.
.
.
.
.
.
.
“Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan?"

Mula sa El Fili.

Wednesday, March 11, 2009

Call a friend

Hello.
Pagod na'ko, 'yun lang.
Pero 'di ako depressed.
'Di talaga.
Or 'di na.
Noon siguro.
Salamat po sa sinulat niyo,
I needed that.
And you're right.
I don't realize that.
At narealize ko lang kung ga'no na'ko ka-affected
by one part of my life
dahil noon,
(nung semi-depressed ako)
iyon lang naman ang problema--

pero hatak ang lahat.

Kung may isang nakatama talaga sa'kin kanina,
excessive crying na siguro yun.

Mag-isa ako?
Iiyak ako.

Pero wala na 'yon.

At kung may natutunan ako sa pag-iyak ko,
e kapag nahuhuli ako ng mga taong umiyak,
kapag may iba nang tao,
kapag may taong nandiyan,

tumitigil naman ang mga luha.

Kaya salamat sa mga taong nandiyan.

Sa mga taong alam na kailangan mo sila without even you asking.

Pero kalimutan na natin yan.

Okay na'ko.

Sinusulat ko lang 'to
siguro dahil na rin sa

ayokong maiwang mag-isa uli.

Wala lang. Yun lang naman.

Saturday, March 7, 2009

Woohoo!

Done cramming.

Bare was...intense. I wish I could recommend it to you guys, but last night was their last showing. Tanging reklamo :: ANG INIT!

Some lines that I liked::
Are you there?
Are you there? Are you there?
Do you watch me when I cry?
And if it's in your power,
How can you sit idly by?
I try so hard to please you
But you never seem to see
.
.
.
Are you there? Are you there?
Can you make some time for me?
They tell me that you're out there
And they tell me that you see
I try to find the meaning
God, you know how hard I've tried
But I don't know where I'm going
And I don't have any guide

Confession
We're doing time in confession
It's a sacrament of oppression
We have no need for forgiveness
Because our shit's none of his business

Absolution
Father, we were so in love!
And that's what I find so odd
Our love was pure and nothing else
Brought me closer to God :)

One upon a time
Once upon a time
I first held your hand
And love was not a crime
In a private world where
You said "don't look down"
But then I did and now you're lost above me

So much left to say
Trapped alone here
With my best laid plans astray
Standing scared outside a cold church
Soul search, seeking some lost answer
From a God who loves me

Can I turn to You in my need?
Would You take me back or watch me bleed?
Are You there? There at all?
And as I fall from the person that I tried to be
Could You really love someone like me?

Once upon a time
All I needed was Your hand in mine
Then I lost my way and
Now I know not what I do
I bow my head and turn to You

Touch my soul
But then came your kiss and all I was missing
Was there in your eyes, your lonely blue eyes
So please say you'll stay, say you'll never go away
My discarded heart has finally found a home
I know it's love, you've touched my soul
.
.
.
I need your kiss 'cause all I was missing
Was there in your eyes, your lonely blue eyes
So please take my hand, let me help you understand
Two searching hearts can rest and be made whole
I know its love, please let me touch your soul
Please let me touch your soul

*onti nalang makakatulog na'ko nang tuloy-tuloy for at least 8 hours. onti nalang!

Friday, March 6, 2009

Bato bato sa langit

May mga bagay lang talaga na ang hirap-hirap sabihin nang harap-harapan.
  • Ang bigat kaya ng dala ko.
  • Sana 'di mo sinabi 'yan kasi ngayon iniisip ko na bakit wala ka ngang ginawa.
  • Sukdulan po ang test na binigay niyo kagabi.
  • Aba, lampas dalawang buwan lamang kitang kilala at hindi ko akalaing may kakayanan kang magbunga.
  • Ang ingay niyo.
  • E sa ganu'n ako e. Naiirita ako sa tuwing sasabihan mo 'ko ng ganu'n.
  • Kung gusto ko. E kung gusto mo?
  • Bakit naman lahat na ng hirap buhat ko?
  • Kahit onti lang po, please. Kahit onti lang.
  • Pwede may Round 3 kayo?
  • Lahat na ng tao nakamove-on. Parang ikaw na lang ang hindi.
  • Alam mo pasensya na a. Pero naiirita ako sa tuwing magkasama kayo.
  • Ikaw ang nakita ko, at sabi mo mahal mo ako.
  • May tinanong ako sa rods ni Teacher Pia at...
  • Pwede pahatid sa school?
  • Hay.
Imposible rin naman sigurong mahulaan niyo kung sinu-sino 'yang mga yan. Ngunit sakali man, alam niyo na ang kasabihan.

Sinong sabaw?

Si Koko ay sabaw!

Yun lang ;)

Joke. Uhm nalungkot ako as in 3 seconds ago lang kasi tumugtog na naman yung Eheads song na malamang ay isang ad ng para bukas. But then 3 seconds after, I'm over it na rin.

Pero mas malungkot din yung pagkamatay ni Francis M. Isang malaking icon ka ho sa musikang Pilipino. Nawa'y ipagpatuloy mo ang iyong musika sa kung nasaan ka man ngayon. Try niyo ng mga angel ang rap+angelic voices. haha

Accounting LT3 kanina at sana 'wag nalang natin siyang pag-usapan. Buti nalang pala nagdasal ako para sa isang milagro bago magtest. Tignan lang natin kung hanggang saan ang naimilagro ng mga sagot ko :| :))

Bukas gagawa pa'ko ng Psych pero interview rin ng JTA scholarship. Wala akong kasama. 'Di pa nag-o-online sina Roxy or Jour man lang. Asan sila? Gusto ko na matulog :(

Wednesday, March 4, 2009

Ay oo nga pala.

Minsan gusto ko nang maniwala kina Roxy na kapag tumatagilid ako, nawawala ako.

Dahil shit. Naalala ko lang, may nag-eexist palang Koko.

Tuesday, March 3, 2009

Mm..alam niyo yung

Kapag nakagat mo iyong loob ng iyong pisngi,

masakit

tapos siya pa iyong paulit-ulit mong makakagat?

Wala lang.

Masakit lang.

Sabaw na. 'Di ako makagawa ng para sa psych. Sorry, groupmates! 'Di rin ako makaaral sa Accounting. Ano ba naman 'to. Inaantok na naman ako.

Nauto nga ba tayo ng mga rebultong 'yon?

(para sa histo journal. pakibasa kung may oras.)
Background para sa mga hindi nakakaalam:

Talamak sa kasaysayan ng Tsina ang mga bumabagsak sa Civil Service Exam--ang tanging paraan para umangat ng estado ang karamihan sa kanila. Sa pagpasa ng mga nasabing pagsusulit, ay nakabibili ng ticket patungo sa mas magandang buhay hindi lamang ang taong pumasa kundi ang kanilang buong pamilya.

At tulad ng lahat ng iba pang mga pagsusulit, may bumabagsak.

Dahil sa kahalagahan ng mga nasabing pagsusulit sa buhay ng mga kumukuha nito, lalung-lalo na sa mga bahagi ng middle-class at pababa, ang epekto ng pagbagsak sa isang bagay na buong buhay nilang pinaghandaan ay talaga namang matindi. Marami sa kanila ang naging depressed sa situation--uminom, nagpariwawa at kung anu-ano pa. Mula sa mga naging lasinggerong ito ay makikilala ang marami sa mga nag-udyok ng mga pesanteng rebelyon sa Tsina. Ang mga unang pesanteng rebelyon ng Tsina ay pinamunuan ng mga nabigong nakapag-aral na may pansariling dahilan kung bakit sila nagtipon ng mga iba pang may pansarili ring intensyon upang maghanap ng pagbabago.

Simula na talaga:
Naisip ko lang, paano kung ang lahat ng ating mga bayani ay gayon? Hindi naman sa sinasabi kong wala tayong mga ganun sa kasaysayan ng Pilipinas, (patawarin kung aki'y nakalimutan ngunit) may isa sa kanila kung tama ang aking alala na nagsimula ng himagsikan dahil hindi nailibing nang tama ang kanyang kamag-anak. At paano nga kung ganoon nga silang lahat? Paano kung katulad ng mga bumagsak sa Civil Service Exam ang mga taong pinagtayo natin ng mga rebulto sa bawat kalyeng nakapangalan din sa kanila ay mga makasariling mga gagong inuto lang ang iba upang makamtan ang mga pansariling mithi o plano sa paghiganti. At ano nalang ang pagiging bayani? Kung totoo ngang ang mga nasabing bayani ay may pansariling hangarin lamang kaya nila nagawang manghikayat ng iba, tila bagang hinubaran ng magarang damit ang pagkabayani.

O ganun nga ba?

Marahil magandang bisitahing muli ang kahulugan ng pagkabayani. Matatawag bang bayani ang mga may pansariling hangarin lamang? O di kaya ang mga taong biktima lamang ng pagkakataon kung kaya't nagawa nila ang mga iyon? Sa'king pagsusulat nitong entry na'to ay napatigil ako sa mga pangungusap na iyon; iniwanan ko muna ito dahil hindi ko pa talaga alam kung anong isasagot. Nakakalito nga namang isipin na halimbawa ang taong sumagip sa'yo ay ang taong nakasakit din ng iba. At mahirap isipin kung dapat nga bang pasalamatan ang mga ganoong tao.

Hanggang sa nakausap ko ang isang kaibigan tungkol sa kanilang proyekto (Hello Cocoy). Hiniram niya kasi ang mga CD ko ng Eraserheads at kamakailan lamang niya ipinaliwanag na gumawa raw sila ng dokyu tungkol sa Eraserheads at pagkabayani.

Natawa na lang ako. Fan ako ng Eheads, pero pagkabayani? Sabi ko sa sarili ko, sa mga tao siguro, oo. Pero dun sa mga taong nasa loob nito, walang halaga gaano ang Eheads; hindi na ako magbabanggit pa ng kung sino sa kanila. At habang inirereklamo ko ito sa kapwa fan ko, habang binobomba ko rin siya ng mga tanong na gumugulo sa isipan ko, ay nasagot ko rin ang mga sariling tanong. Para sa fans, oo. Para sa Eheads, hindi. Naintindihan ko na ang pagiging dakila ng pakay o ng mga bayaning ito mismo ay hindi na mahalaga. Mga simpleng tao lang din ang mga ipinagtayo natin ng rebulto. Katulad lang natin sila at kung tutuusin may posibilidad na mas mabuti(very relative and subjective) pa tayo sa kanila.

Pero wala sa tao ang pagkabayani kundi sa gawa. Ang mga rebultong itinayo natin ay bahagyang pag-alala sa mga taong gumawa ng pagkabayani pero higit pa riyan, itinayo ang mga rebultong iyon upang paalalahanan tayo at gunitain natin ang pagkabayaning ginawa nila--sa pag-asang mauulit din natin ang mga iyon, bagamat hindi tayo ang inaakala nating matatawag na dakila.

Sunday, March 1, 2009

Pahapyaw lamang

(na pagsulat?)

May mga bagay na 'di mo aakalaing mangyayari pala. Ito 'yong mga bagay na pinagdarasal ng lahat pero ang thought na mangyayari nga iyon, ni dumaplis man lang sa isipan mo, hindi nangyari kailanman. Haggang sa andiyan na ngang talaga. At ano nga naman ang gagawin mo kundi magitla't matuwa.

Pero anong mangyayari kapag hindi ka magiging bahagi ng kung anumang pangmalakihang pangarap na iyon? Hindi ba durog ang puso mo na parang alikabok?

O babalik ka lang sa dati, dahil hindi mo naman talaga inakalang mangyayari?

Na-gets niyo ba?

Thursday, February 26, 2009

Anong kwento mo?

Mabuti rin naman at nangyari ang pagkakatulak sa'kin ni Juan sa bangin.

Malakas ang hangin noon, at nangangatog ang aking mga tuhod. Bagong salta lamang ako sa komunidad; maikli pa ang mga balahibo't patayo-tayo pa ang mga ito.

Aba't sino nga naman ang hindi mababakla sa tirik ng bangin sa aming bahay? Nakasisilaw ang sikat ng araw 'pagkat nakaharap sa silangan ang aming kinalalagyan. Sa tinagal-tagal ko rin sa loob ng aking itlog, aba'y hindi pa ako sanay sa ganitong liwanag.

Nakakailang hakbang pa lang ako mula nang hanapin ng aking tuka ang daan palabas ng aking mumunting mundo ay panay na ang tawag ng mga nakatatanda sa'king pagtalon sa sobrang taas naming bangin. Paano mo naman aasahan ang isang tulad ko na tahakin ang tatlong dipang bangin na iyon? Halos kumawala na ang aking puso sa aking dibdib sa kanilang pag-uudyok.

Lumipas din ang mga araw at nakatatayo na ako nang ayos. Naglalaro kaming mga bata ng habulan nang napalapit ako nang kaunti sa'king kinatatakutan. 'Wag niyo 'kong masamain; hindi naman sa ayaw kong subukan. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sisimulan. Tumatakbo ako papalayo kay Juan. Natural, takbuhan e. Bigla akong natigilan dahil talaga namang kagimbal-gimbal ang kalawakan sa'king harapan. Hindi ko nabatid ang paparating nang si Juan.

"Taya!"

Sabay tapik na napalakas nang onti, at ako'y naiharap sa banging kinatatakutan. Kumaripas nang takbo ang aking mga paa ngunit wala nga palang lupa. Pinilit maghanap ng kakapitan ngunit tumatakas lang din ang hangin sa'king tangan. At ano pa ba ang natitirang magagawa ng isang ibong tulad ko? Hampas--hampasin ang hangin sa ilalim ng aking mga pakpak; wagwag--iwagwag ang aking mga balahibo sa hangi'y sumasayaw na; gising--gisingin ang diwang ibon sa'king kalooban; at maging--maging kung ano ang pakay sa'king pamamalagi.

*

NSTP story. Bandang dulo ko na lamang naalala na sa Ateneo nga pala ako nag-aaral at naging tacky dahil parang naging from eaglet to eagle ang dating bagamat wala sa intensyon kong isama ang ideya ng pagiging blue eagle na'tin talaga.

Tuesday, February 24, 2009

Ah! Ah! Ah!!

(Matagal-tagal na rin akong 'di nakakapag-bulletize)

  • Ang daming kailangang gawin, yun lang. Pero kakayanin.
  • Hello, wala lang :D
  • Nagpapasalamat sa maraming mga milagrong nagaganap sa buhay ko :) Tulad ng Acc LT, JTA, iyong pag-uusap natin, nakasabay pa'ko kay Marvin, at marami pang iba
  • Ang init ng panahon.
  • Panahon muli ng pag-aayuno...Sabi ko kanina 'di na'ko magmumura. Grabe, isang pangungusap lang matapos ko yun sabihin nagmura na'ko :(
  • Sobrang init ng panahon.
  • March 6, hell day. HELL DAY.
  • Ang sarap sobra ng Magnolia Vanilla ice cream.
  • Ang dami ring problema.
  • May bago na'kong wish sa mga tala (including airplanes...katamad magkwento, next time nalang), plate number (222, etc) at oras (22:22, etc)
(First time kong gagawin 'to...at hindi ko mai-emphasize enough kung ga'no katindi ang pangangailangan ko para rito.)

Lord, keep the fire burning in my heart.

Sunday, February 22, 2009

Two Points

Naalala ko nung bata pa'ko (bagamat bata pa rin naman ako hanggang ngayon), may paniniwala kami na may katumbas na puntos ang iba't ibang klase ng pagdarasal. May scoring system, kumbaga. 1point ang recited prayer lang, 2points kung ikanta mo at 3points kung ikanta't may pa-action-action ka pang nalalaman.

'Di ko alam kung yung 3points totoo, pero para sa'kin kaninang nagsimba kami, doble talaga ang nakukuhang benepisyo ng pagkanta ng dasal. Oo, kumakanta ako kanina sa misa. May papiyok-piyok man iyong kasama, alam ko sa sarili ko na nabababad ako sa ibig sabihin ng mga sinasabi ko.

At lagi, lagi talaga, nagkakaroon ng puntong saturated na'ko sa naaabsorb ko sa mga kanta.

Sa mga puntong iyon, umiiyak na lang ako sa simbahan. Mahirap-hirap din kasi magtatanong na naman ang mga magulang ko kung bakit ako umiiyak at gagawa pa'ko ng eksena do'n kaya onting pigil, ipikit na lang at tumingin sa taas para 'di tumulo.

Masakit sa lalamunan pigilan ang luha. Hindi ako nakakahinga 'pag ginagawa ko 'yon. (Kayo ba?) Pero masarap na sa hapong ito, umiyak ako dahil napuno ako ng pag-asa. Sa tanang buhay ko (at masasabi niyo na ring makasarili't mapagmataas ito) Diyos lang talaga ang nalalapitan ko 'pag may problema ako. Well minsan may mga taong nakakatulong din pero Diyos talaga e. Iba talaga 'pag Siya.

Masarap yung pakiramdam na iyong iyak mo dahil punung-puno ka ng pagpapasalamat at hindi iyong humahagulgol ka na't nagmamakaawang pansinin ka na Niya. For as long as I can remember I've been really sad this (acad) year. Don't ask me why; 'di ko rin alam. Pero yung pakiramdam na iba na yung pinag-uugatan ng mga luha mo, ayos e. Ayos na ayos. 'Di lang 2points ang nakuha ko sa pagkanta ngayong araw.

*

Mga naisip ko 'to kaninang nagsimba kami. Pero may mga bagay na nai-raise at isinulat ko pa rin 'to, umaasang maging masaya uli ako. Unfortunately...

**

Nabanggit na lang din na bata pa ako, ngayong araw na'to tatlong araw ang tanda sa'kin ni Odilon Mendoza Meneses Jr. Happy birthday.

Tuesday, February 17, 2009

Maski na

May mga araw lang talaga na maski sinlagkit ka na ng kutsinta sa init, maski ipakita ang sagot sa Accounting LT, maski nakakatakot ang English teacher nila Charles, maski masakit sa paa ang jive at talaga namang mapipiga na ang tshirt sa pawis, maski sindami na ng bituin sa langit ang kagat ng lamok, maski malalaglag na ang ulo mo sa antok, maski nagmadali ka para sa wala, maski masakit sa kamay magsulat ng math, maski walang tinta ang mga panulat, maski sobrang hilo na sa paikut-ikot na hindi rin maitama, maski nakakasuka ang pananghalian, maski parang pimple na tinubuan ng mukha na, maski ano pang mangyari,

masaya ka kung masaya.

Salamat love youuu :D :D :D

*

Random :: Nakita ko lang sa Fully Booked... =))
Patay naaaa =)) =))

Saturday, February 14, 2009

O para naman may magawa

The rule is to copy and paste this entire thingamabob onto your notes, remove my answers and fill in your own. The catch is, your answers all have to start with the first letter of your name. Then tag the sadistic person who sent this to you (in this case, it would be me) and a few others you want to be sadistic to...what goes around comes around. :)


Rules: It's harder than it looks! It really is, especially the Reason for Being Late.
Copy to your own note, erase my answers, enter yours, and tag at least 10 people including me.
Use the first letter of your name to answer each of the following.
They have to be real. . .nothing made up!
If the person before you had the same first initial, you must use different answers. You cannot use any word twice and you can't use your name for the boy/girl name question.



1. What is your name: Koko (pahirapan ang sarili.)

2. A four Letter Word: Koko

3. A boy's Name: Koko. HAHAHAHA

4. A girl's Name: Koko. pa'no ba yan..? sisiw lang pala 'to e. hahaha

5. An occupation: Karpintero :>

6. A color: Kahel. o ha o ha!

7. Something you wear: Knitted sweater? ehehehe unang pumasok sa isip e.

8. A food: Koko Krunch :D

9. Something found in the bathroom: Kleenex! hahaha

10. A place: Katipunan Ave.

11. A reason for being late: Katamaran. O akala ko ba mahirap 'to? Ano na! hahaha

12. Something you shout: Meron akong naisip pero bawal itype dito. Bad word. >.< Kaya ano nalang uhm...Kalayaan!!!!

13. A movie title: Kama Sutra: A Tale of Love hehehe

14. Something you drink: Kiwi juice? hahaha

15. A musical group: anak ng...uhm...ah alam ko na! Kjwan. o kaya Kenyo!

16. An animal: Kuwago

17. A street name: Katipunan uli

18. A type of car: Kia

19. A song title: Kailangan kita

20. A verb: Kees :-* :D


O bahala na kayo. Ninakaw kay Bam.


Siguraduhin mo lang dahil dumudulas muli ang kapit.

How C4 works

The explosion actually has two phases. The initial expansion inflicts most of the damage. It also creates a very low-pressure area around the explosion's origin -- the gases are moving outward so rapidly that they suck most of the gas out from the "middle" of the explosion. After the outward blast, gases rush back in to the partial vacuum, creating a second, less-destructive inward energy wave.

Don't you know the hardest part is over...I hope.

*

People have been writing about their Valentine's day. I spent the first half of it in NSTP. Pierre bought roses for the little girls and fortunately, there was an extra so he gave it to me. And then the took the Dolch test AGAIN and some of them got depressed AGAIN but it's a good thing I brought art materials so we made lots and lots of hearts and lots and lots of Valentine's day cards. Right now I have 5, I think? Although they're just some scraps of paper the kids worked hard on those. And then I went home. No one was there, nothing to watch, no one to talk to and then Jour texted and asked if we could still go out. And we did go out. And it was the first time I ever went out on such a short notice. And the first time I went home past 12 without any formal occasion. And hindi ako napagalitan. I had fun last night although we just went to Trinoma to eat at Burger King and then went to Eastwood to eat ice cream and then went home. We didn't want the night to end, but it did. And it ended on a weird note. But it was great. We missed Maki. Yep, that was Valentine's for me.

Thursday, February 12, 2009

Today.

Haha so today people were holding flowers already.

Pierre: Bakit ba ngayon? Bukas pa a.
Koko: Para iwas pila?
Pierre: Tss. I refuse to believe in such commercial...
Koko: Holidays?
Pierre: Yes. Those marketing tactics.
Koko: Mm...So you mean 'di kayo lalabas bukas?!
Pierre: Lalabas.

hahaha pero 'di yun ang punto ko e.

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur. Excepteur sint occaecat cupidatat non proident, sunt in culpa qui officia deserunt mollit anim id est laborum. Kung may pera ako, "manlilibre" na'ko. (Kaso wala so hindi. haha) Hindi na S.A.D. ang tawag ko bukas. Kami na. Yun lang ;) Mega!

(Sandali lang...)

wala pa'kong maisip na pamagat. Sinubukan kong mag-isip pero *kroo kroo* lang sabi ng isip ko. Or wait. Wala talaga as in empty as a...see I can't even complete the sentence.

Wala nang kulay.
nakasuko ang mga kamay sa kakahuyan.
nakapikit,
nakanganga,
Nakasampa ang ulo sa semento,
Isang lolong nakahandusay sa bangketa.

Sa isang umaga nakilala ko ang tao.

Isang lolong nakaluhod sa bangketa.
Nakasampa ang braso sa isang bato,
nakangiti,
nagsusulat,
ipinapasa ang sikreto ng nakatagong kayamanan.
Wala nang oras.

*

Ibinase sa sariling karanasan bagamat may mga detalyeng iniba. Sa totoo lang, isa lang ang detalyeng kaiba sa'king nakita. Basahin sa kung anong paraang naisin ngunit may natatangi akong intensyon na sana'y mahanap niyo sa pagbasa.

"...As a poet, what interests me about a hinge is its two defining qualities: a hinge—like other devices—connects objects; it serves as a point of connection, a joining, a joint. But so is glue, a screw, a nail, a hasp, a clasp, a knot, a lock. What distinguishes a hinge from most other forms of connecting is the fact that it allows relative movement between two (or more) solid objects that share an axis." mula sa A Brief Poetics of the Hinge ni Catherine Barnett ng University of Arizona Poetry Center


**
Kung may nalaglag sa iyong kamay na biyaya nang walang ginagawa man lamang (at malamang nais mong manatili ang nasabing biyaya), hindi ba't nararapat lamang na may gawin ka naman upang ito'y hindi mawala na parang bula?

Tuesday, February 10, 2009

Because I always am random.

Got from Lem. Tagged myself.

25 random things about me.

  1. Gusto ko ng something ngayon, pero hindi ko alam kung ano kaya wala rin.
  2. May hinihintay akong mangyari.
  3. Sa nunal sa kaliwang tuhod ko ako natuto kung ano ang kaliwa at ano ang kanan.
  4. Takot ako sa anumang hayop na ilapit mo sa'kin lalung-lalo na sa daga.
  5. Gusto ko sobrang pumunta sa Eraserheads reunion concert.
  6. Iniyakan ko ang number 5.
  7. At halata naman sa number 6, iyakin ako.
  8. Mahilig ako sa atensyon.
  9. Wala akong org na active ako. Ni isa.
  10. Miss ko nang magsulat.
  11. Mahalaga para sa'kin ang pagsusulat ko.
  12. Wala akong flip-flops o tsinelas na panlabas.
  13. Lahat na ata ng jug ko nung grade school, nawala 'ko.
  14. Umiyak ako sa hallway ng grade school namin dahil natapon ang juice ko at bumulyaw ng "juice ko!" nang ilang beses din.
  15. Malakas ang kiliti ko sa (hindi ko na sasabihin saan para 'di abusuhin.)
  16. Mataray ako.
  17. Masama ang pakiramdam ko kung wala akong ginagawang produktibo.
  18. Wala akong pulang tshirt.
  19. Madalas malakas ang memorya ko...Kaya minsan masama ang loob ko 'pag 'di tinutupad ng mga tao ang sinasabi nila.
  20. Iba na'kong tao sa kung sino ako nung high school.
  21. Gusto ko ang kulay dilaw.
  22. Nagagandahan ako sa wikang Filipino.
  23. Marami akong gustong gawin. at duwag akong gawin ang mga iyon.
  24. Tumuntong lang sa 90lbs. ang timbang ko sa kolehiyo. Pero ngayon, less than 90 uli.
  25. Madalas kong isinasabuhay ang SIR o smooth interpersonal relationship.
Kayo rin :)

Saturday, February 7, 2009

Alam mong masaya ka kung,

Sabi nila, alam mong masaya ka kung maski ang daming pangyayaring talaga namang dapat dumurog na sa bawat buto ng iyong pagkatao, e nakakayanan mo pa rin tumayo nang matuwid at ngumiti at gumawa ng iba't ibang bagay at makipag-usap at magsulat at mamuhay nang lubos.

Hindi naman nadurog ang mga buto ko sa katawan pero,
  • marami akong kabobohang nagawa sa math midterms,
  • MEGA hirap yung test sa accounting,
  • DAPAT PUPUNTA AKO SA BAND-AID NG HOLY DAHIL ANDUN ANG PUPIL AT MALAMANG SI ELY BUENDIA AT ILILIBRE PA DAPAT AKO NG TICKET PERO DI AKO PINAYAGAN at,
  • ASA ATENEO SI MARC NELSON KANINA HABANG AKO NANDITO SA BAHAY.
Pero ayos lang. Masaya pa rin ako. Or hindi masaya...hindi lang din malungkot. Sinulat ko 'to pero 'di pa rin nangyayari iyong hinihintay kong mangyari. 'Di ko lang kasi mapigilan.

Friday, February 6, 2009

Out of character

Because people are semi-relaxed this weekend, I'm hoping you guys have time to watch this video. The kid's super cute. And I know it's really not my personality to like kids, but hey I've changed and this kid's really an exception to all those annoying kids. Enjoy the weekend :) Petix-petix lang tayo! :D (This does not count as a blog entry; am still waiting for something to write about...specifically waiting for something to happen.)



Once upon a time... from Capucha on Vimeo.

Saturday, January 31, 2009

Slow me down

Rushing and racing and running in circles
Moving so fast I'm forgetting my purpose
Blur of the traffic is sending me spinning
Getting nowhere

My head and my heart are colliding chaotic
Pace of the world I just wish I could stop it
Try to appear like I've got it together
I'm falling apart

Save me
Somebody take my hand and lead me
Slow me down
Don't let love pass me by
Just show me how
Cause I'm ready to fall

Slow me down
Don't let me live a lie
Before my life flies by
I need you to slow me down

Sometimes I fear that I might disappear
In the blur of fast forward I falter again
Forgetting to breathe
I need to sleep
I'm getting nowhere

All that I've missed I see in the reflection
Pass me while I wasn't paying attention
Tired of rushing, racing and running
I'm falling apart

Tell me
Oh won't you take my hand and lead me
Slow me down
Don't let love pass me by
Just show me how
Cause I'm ready to fall

Slow me down
Don't let me live a lie
Before my life flies by
I need you to slow me down

Just show me
I need you to slow me down
Slow me down
Slow me down

The noise of the world is getting me caught up
Chasing the clock and I wish I could stop it
Just need to breathe
Somebody please
Slow me down

*

If only I could emphasize enough how this song pretty much encapsulates what I'm feeling, and most probably what many of us are feeling. Also, treat this as my last entry for now. School's really crazy I will have to withdraw from some of my addictions. I need you to slow me down.

Friday, January 30, 2009

Hala, sige, hanap.

Alam niyo, nung bata ako, maldita ako. Binabangga ko mga batang babaeng mas maganda ang damit kaysa sa'kin. Nakatiklop pa ang aking mga bisig at sabay irap. Maski sa simbahan, 'di ako makikinig sa misa. Titignan ko nang masama ang grupo ng mga bata sa likod ko--oo, tatlo sila't isa lang ako. At sa tuwing magsusumbong na sila sa kanilang ate, ay magkukunwari akong walang ginawa.

May panahon pa noong may isa akong busmate na ayaw nang sumakay sa school bus namin dahil laging masama ang tingin ko sa kanya. Imagine-in niyo na lang na kinailangang kaladkarin siya ng kanyang nanay papunta sa bus. Oo, literal na kaladkad.

Maski mga sanggol kinaiinisan ko.

Bakit ko ba sinasabi 'to? Dahil noon lagi kong hanap ang atensyon. At hindi pwedeng mahati iyon. Lahat ng bagay na meron ang ibang tao, kinaiinggitan ko.

Ngayon hinihingi ko sana atensyon mo; at kinaiinggitan ko siya.


I'm betting my ass you won't be able to read this. As usual.

Syempre ang taong mahal mo gusto mo masaya sa piling mo, 'di ba? Masakit makitang mas masaya siya sa company ng kahit sino kaysa sa'yo.

Wednesday, January 28, 2009

Lupang Hinarang

*Bago ako manood, nagmumura ako dahil pinagbayad kami (at wala na talaga akong pera) at pinagagawa pa kami ng papel at paniniwala kong hindi ko naman talaga kailangan magmake-up. Pagkatapos ng dokyu, nagmumura pa rin ako.

Sa unang tingin tinalakay ng dokyu na Lupang Hinarang ang pakikipagsapalaran ng labinwalong magsasaka at ang kanilang pakikipaglaban sa kanilang lupa sa Negros. Oo, nabasa mo nang tama; kanila ang lupa. Ilang punto na ipinaliwanag sa dokyu (at ilang artikulo na binasa ko):
  • 1996 nang igawad sa humigit-kumulang 120 magsasaka ang bahagi ng lupa sa Hacienda Velez-Malaga. Ang nasabing lupa ay pagmamay-ari ni Roberto Cuenca. Sumasailalim sa polisiyang CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program ang nasabing paghahati-hati ng mga magsasaka sa lupa.
  • Tinatantiyang ang mapupuntang lupa sa mga magsasaka ay 0.97 na hektarya--isang halagang masasabing kulang pa rin, sa kaalamang marami sa mga pamilyang ito ay may maraming tiyan na pupunuin.
  • Ilang taon na makalipas ang paggawad ng lupa sa mga magsasaka ay hindi pa rin sila nakakapagbungkal o makapagtayo man lamang ng titirhan sa sarili nilang lupa 'pagkat may mga pasikut-sikot sa batas na ginawa ang dating may-ari na si Cuenca upang magkaroon pa rin siya ng kontrol sa lupa. Ang kontrol na ito ay makikita sa mga armadong mga lalaking nagbabantay sa paligid ng nasabing lupain. Ang mga armas na ipinakita ay hindi lamang iyong mga handgun. Mahahabang mga baril na talaga namang mangangatog ka kung tutukan man lang.
  • Dahil sa naunang punto, minabuti ng ilang magsasaka na magpunta sa Maynila at maghunger strike sa harap ng Department of Agricultural Reform o DAR. Karamihan sa mga naghunger strike ay matatanda na't mukhang nanghihina na sa simula pa lang. Sa kanilang hunger strike ay hindi sila kumain nang kahit ano at uminom lamang sila ng tubig na may asin. Tumagal ang kanilang hunger strike nang dalawampu't siyam na araw. Marami sa kanila ay kinailangang dalhin sa ospital, ngunit pagkatapos mabigyan ng pangunang lunas sa ospital ay balik pa rin sila sa kanilang sakripisyo't pagpapahayag ng kanilang mensahe.
  • Pagkatapos ng halos isang buwan ay napagbigyan din ang mga magsasaka. Sinamahan ng gobyerno ang mga magsasaka sa lupa, kasama ang humigit-kumulang 200 na sundalo upang sila'y i-install o para sabihing kanila na talaga iyong lupa. Masaya na sana ang katapusan ng ating kwento, kung hindi lang dalawang buwan matapos ang kanilang installation, binaril ng mga armadong lalaki ang dalawa sa mga nag-hunger strike na magsasaka. Ang pinaghirapan nina Alejandro Garcesa (70) and Ely Tupas (52), ay nasayang lang ata.
Wala na atang mas sasakit pa sa dinanas ng mga magsasaka ng Velez-Malaga. Nagsimula ang kanilang pakikipagsapalaran sa pagkamatay ng isang kasamahan, at natapos din sa isa pang kamukhang pangyayari. Sa panonood ng nasabing dokyu hindi ko na talaga mapigilang magmura--una dahil hindi ko matanggap na matatanda na ang gagawa ng nasabing hunger strike. Pangalawa dahil umabot pa ng 29 days ang pagpapakagutom ng mga magsasaka. Kung 'di ka ba naman isa't kalahating walang kaluluwa na panoorin lang ang mga taong mamuhay (o mas angkop atang sabihing magpakamatay) sa loob ng isang araw e paaabutin mo pa ba nang ganoon katagal? Pangatlo ay ang tila pagtatraydor na ginawa sa mga magsasaka.

Pagkatapos manood parang ang sakit ding isiping pagmumura na lang ang magagawa ko sa'king upuan. Hanggang galit na lamang ba ang magagawa nating lahat sa bulok na sistemang umiiral sa lipunan? Sila mismong mga may hawak na sa pag-asa, hinahablutan pa't nilalapastangan, paano pa tayong mga humahabol pa lang at umaasang makahuhuli rin ng nasabing pag-asa? Hindi naman sa pagiging pesimistiko, pero ika nga ng kanta,

Hanggang dito na lang ba ang tao?

Sunday, January 25, 2009

Heto.

Sabi nila,
kapag ika'y nakipagkamay
gamit ang iyong kanan,
ay ibinababa mo ang iyong sable--
isang paniniguro sa iyong kakamayan:

Hindi kita sasaktan.

Muling sabi nila,
kapag ika'y makikipagkamay
gamitin ang iyong kaliwa,
upang ibaba ang iyong panangga--
isang pagpapahiwatig sa iyong kasamahan:

Pinagkakatiwalaan kita.

At mas malapit, ika nga,
sa puso ang kaliwa.

Pero hindi ba't mas magandang
ibigay ang parehong kamay,
tanggalin ang armas at ipakita ang kahinaan;

Hayaang ang sinag ng araw ay
tumambad sa mga mata--
at wala na'ng kasiguruhan sa kinatatayuan mo

Maliban na lamang
sa naglalagos na ilaw sa iyong mga talukap,
ang init ng araw sa iyong balat,
ang hampas ng damo't hangin sa iyong binti--

at ang mga kamay na iyong hawak,
nang walang pag-aatubili.

*

Para sa'yo.

Saturday, January 24, 2009

Gate C22

Asa Fullybooked kami kanina at dinedepress ang sarili sa kawalan namin ng pera. Nakita ko ang isang koleksyon ng mga tula, Ten Poems to Change Your Life Over and Over Again, at ito ang aking nakita. Gagawan kita ng tula. For now, ito muna. (Dahil nagkacram ako ng CV for JTA haha)


Gate C22
by Ellen Bass

At gate C22 in the Portland airport
a man in a broad-band leather hat kissed
a woman arriving from Orange County.
They kissed and kissed and kissed. Long after
the other passengers clicked the handles of their carry-ons
and wheeled briskly toward short-term parking,
the couple stood there, arms wrapped around each other
like he'd just staggered off the boat at Ellis Island,
like she'd been released at last from ICU, snapped
out of a coma, survived bone cancer, made it down
from Annapurna in only the clothes she was wearing.

Neither of them was young. His beard was gray.
She carried a few extra pounds you could imagine
her saying she had to lose. But they kissed lavish
kisses like the ocean in the early morning,
the way it gathers and swells, sucking
each rock under, swallowing it
again and again. We were all watching--
passengers waiting for the delayed flight
to San Jose, the stewardesses, the pilots,
the aproned woman icing Cinnabons, the man selling
sunglasses. We couldn't look away. We could
taste the kisses crushed in our mouths.

But the best part was his face. When he drew back
and looked at her, his smile soft with wonder, almost
as though he were a mother still open from giving birth,
as your mother must have looked at you, no matter
what happened after--if she beat you or left you or
you're lonely now--you once lay there, the vernix
not yet wiped off, and someone gazed at you
as if you were the first sunrise seen from the Earth.
The whole wing of the airport hushed,
all of us trying to slip into that woman's middle-aged body,
her plaid Bermuda shorts, sleeveless blouse, glasses,
little gold hoop earrings, tilting our heads up.

Of wet beds, roaches and professions of love

Most painful memory--hiningi sa'min para sa Psych. Para malaman kung alin ang pinakamasakit kinailangan kong maghanap ng yardstick. Ano nga ba ang basehan ko ng pagkamasakit ng isang bagay. At naisip ko, malamang sa iyak ko na iyon makikita. Kaya naman inalala ko kung gaano kabasa ang unan ko at kamaga ang mata ko para malaman kung alin ang pinakamasakit na alaala.

At naalala ko, may panahong basa ang kama ko na para bang umihi na'ko sa kama, at namaga ang mata ko na para na'kong kinagat ng isang batalyong ipis. Joke lang.

Pagpasensyahan na ang pagbibiro, pero nahihirapan talaga akong magpinpoint ng isang alaalang masasabi kong pinakamasakit. Dahil sa Psych, may dalawa akong dahilang maimumungkahi.

Una, ang pagkaiyakin ko. Madalas akong tawaging ganito ng aming pamilya, dahil oo nga naman iyakin ako. 'Pag 'di ko magawa ang isang bagay, iiyak ako. At alam naman nating marami akong bagay na hindi alam gawin. (Alas! I digress. Kung naalala, nabanggit kong isa lang ang alam kong gawin, at iyon ay ang mag-aral kaya naman nakakadepress lalo ang curriculum vitae ko para asa JTA.) Kung nakikita niyo ako bago matulog, malamang madedepress (Did you know that there isn't any Filipino word for depression? Goes to show how happy we are as a people. See? We learn a lot from our language. Let's advocate it. Woohoo!) kayo. Call it twisted or what, pero kapag 'di ako makatulog, umiiyak ako para mapagod at makatulog. Ganu'n ako katagal umiyak. At ang pagpapaliwanag ko rito ay inuulit-ulit ko kasi ang mga masasakit na bagay sa isip ko kaya naman iyak na naman ako nang iyak. Rehearsal of short-term memory, ika nga.

Mabalik tayo sa pinag-uusapan. Ang pagkaiyakin ko ay isang hadlang sa pagtukoy ng pinakamasakit na alaala dahil lahat sila, para sa'kin ay masakit. Sa kung anong antas, hindi ko maalala at iyon naman ay pangalawa kong dahilan kung bakit 'di ko pa rin matukoy hanggang ngayon ang pinakamasakit kong alaala.

Disuse of long term memory. Dahil nga sa tinatawag akong iyakin ng karamihan sa malapit sa akin, pagkatapos kong ulit-uliting saktan ang sarili ko sa mga pangyayari ay mangingibabaw na ang rasyonal kong pag-iisip at sasabihing wala namang kwenta ang kung anumang pinag-iiyakan ko kanina. Kaya naman itinutulak ko palabas ng Koko's Memory ang mga iyon at voila! Wala na'kong alalahanin.

*
Ang isinulat ko sa itaas ay produkto ng aking pag-iisip sa kung ano talaga ang pinakamasakit na alaala ko. Kung kinakailangan kong magbigay talaga ng isang nasasalat na pagkakataon, masasabi kong iyon ay noong hindi ako kinakausap ng dalawa sa mga kaibigan ko--sabay pang nangyari ito. Masasabi kong ang dalawa kong kaibigang iyon ay sumisimbulo sa dalawang panig ng aking pagkatao (HINDI PO AKO ISANG CASE ng SPLIT PERSONALITY,thankyouverymuch.). Ang isa kong kaibigan ay siyang tinatakbuhan kapag may problema, ang isa nama'y kasama ko sa lahat ng mga panahong malakas ako--masaya, gago, at iba pa. Hindi ako kinausap ng aking soft-side friend dahil may ipinagtapat ako sa kanya na *ehem* alam na nating lahat kung ano. *wink, wink.* At ang tough-side friend, nakaaway ko dahil napahiya ko siya sa harap ng maraming tao. Nanghina lang ako dahil noon ko napatunayang ang buhay ko, nakadepende sa mga kaibigan ko. Bati naman na kami ngayon, at ang ipinagtapat ko ay hindi na nag-aapply. ;) :)) :D

**Paper officially ends here.

Hi Ods. Hi Tets. hahahahahaha Lahat na ng sikreto ko naibubulgar ko na sa mundo. Ohwell. hahaha

Target time to finish paper: 0700 hours
Time now: 0702 hours

Not baaaad! Now, Eco.JTA CV will have to wait. Mangchicheat nalang ako, di ko alam anong ialalgay e :))

May magagawa ba'ko?

I'm up now.

I was jolted out of sleep by some unknown force, and I check my phone--it's 4.59 am. Oh great, I overslept again. Tinawagan naman ako ni Maki ng 10.19 pm para gumising, 'di ako nagising T_T Kaya naman tumayo ako agad, (okay, nagmura muna nang onti) kinuha ang charger ng laptop, chineck ang wifi at nagblog. Pagkatapos nito, gagawin ko na ang psych paper tapos tatapusin ang aral ng eco.

Sleep is like a gentle tyrant, ang sabi ng psych book. Man, mine's been bullying me these past few WEEKS. May magagawa ba'ko?

*

Karugtong ng huling sentence sa taas, naikwento uli ni itay kung ga'no ako ka-ewan nung bata. Oo na, ewan pa rin ako ngayon. Mga kwentong-bata::

Dad: Koko, umakyat ka na, matulog ka na! *pagalit, hanggang sa mga susunod na mga linya*
Koko: *umaakyat na*
Dad: Nagtoothbrush ka na ba?
Koko: Di pa po
Dad: Magtoothbrush ka muna. Halika bumaba ka rito.
Koko: Bukas nalang po...
Dad: Hindi. Bumaba ka rito.
Koko: May magagawa ba'ko... :o3

Hahahaha kupal. Eto pa.

Koko: Ma, nagugutom na'ko
Mom: *nagwawalis* Sandali, tapusin ko lang 'to
Koko: Ma, nagugutom na'ko.
Mom: Sandali lang. Tapusin ko lang 'to
Koko: Maaa, nagugutom na'ko.
Mom: *pagalit na*Sinabing sandali lang tatapusin lang 'to.
Koko: *paiyak na! :)) * Ba't ba ang supla-suplada mo?! Nagugutom na'ko!

Hahahaha sabaw. Okay, off to Psych paper.

P.S.

'Di ko pa rin nagagawa yung curriculum vitae para sa JTA :| Sobrang walang laman yun sa part ng college. >: Nakakadepress ang kawalan ko ng kwenta sa college.

Thursday, January 22, 2009

This is fiction.

As seen in the movies:

Running away in the rain
as the saline bites
the side of your lip

Being alone in the
dungeons
and echoes only you can hear

Seasons that change in the
blink
of an eye

A war waged the minute before,
all deaths and blood
forgotten the next

This is fiction,

supposedly.


Malinaw na

Kanina 'di ko alam kung anong gusto kong gawin...manood, matulog, o magsulat ng tungkol sa ANI school visit. Natataranta utak ko, at nanaig ang pagtulog. Isang oras lang--para makagawa ng mga para bukas. E kaso wala namang kailangan bukas. Sooooooo tulog uliiii :D :D :D :D


Mahal kita,
Pero miss na miss ko na

Ang aking kama
at ang malupit kong unan~


Ito lang ang nakayanan kong i-type. hahahaha

Sunday, January 18, 2009

Nagpapakasabaw

Damayan mo na rin ako. Alam mong sabaw na'ko 'pag nagsimula na'kong gumuhit. Hahahahahaha. Nawawala kasi ruler ko e.

(Oo na, di na'ko magaling gumuhit. Alam ko na yun, matagal na.)

Featuring::

My 2XS P.E. Shirt na papasa na bilang night shirt, my penguin boxer shorts :)) , my NSTP whiteboard
Ang mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nawawalang Reglador
(The Wonderful Adventures of the Lost Ruler)

Saturday, January 17, 2009

Laging handa

Napag-usapan kanina ang pagkamatay (actually, ang pagpapakamatay) at naalala ko lang na dumaplis sa utak kong handa na'kong mamatay. Hindi naman sa paraang gusto ko na kayong iwang lahat, naisip ko lang na wala na ngayon ang takot ko dating mawala sa mundong ibabaw nang walang naiiwang bakas. Patawarin ang pagkamahangin pero pakiramdam kong may naiwan naman na'ko sa mundong ito, maski pipiranggot. Pakiramdam ko may nahatak naman na'kong lubid sa kung saan na pwedeng makatulong na rin. At saka, may internet na...Nakasave na ang mga bagay-bagay at baka sakaling sa hinaharap may makabasa nito, maisip oo nga, at "buti nalang may nabuhay na Koko". Handa na'ko sa tingin ko. At may isa pa'kong dahilan pero akin na lang din iyon.

Ikaw, handa ka na?

*

Accounting case na sa Huwebes at papetixpetix lang ako. Natulog lang kagabi, nanood ng t.v. kanina. Pero ngayong araw na'to masasabi kong mas marami pa'kong natutunan kaysa pag-upo nang buong araw sa harap ng guro. Sira na naman multi ko, btw.

Friday, January 16, 2009

Group conformity

Sabi sa SA, likas sa tao ang sumunod, alinmang nasyonalidad pa 'yan. Pero mas madali nating sabihing pinakamadaling mauto mautusan ang mga bata. Ngayong araw, napaalalahanan ako rito.

Kanina, nag-NSTP insertion kami--una para sa taon. Kasali sa kwentong ito ang isang blockmate (itago nalang natin sa pangalang) Kuya P, ako at ilang mga bata.

Kuya P: O gusto niyo ng brownies? Sige. Bibigyan ko kayo kapag....
Ako: *Pupungay-pungay pa ang mga mata dahil inaantok*
Kuya P: ....Sinabunutan niyo siya!!!!
Ako: :-O :-O :-O
Mga bata: *Sugooood!!! Sabunooot!!!*
Ako: Araaaay.


Yun lang. hahahahaha

Tuesday, January 13, 2009

Magiging ayos lang ang lahat.

Kahapon sa pagcommute ko sa jeep, nakasabay ko ang isang bata. Taga-Miriam grade school siya at mukhang first time niyang magcommute. Kasama naman niya ang kanyang yaya pero halatang kabado siya. Pagkaupo niya sa jeep, humarap siya sa bintana't patagong nag-sign of the cross. Nakita niya atang nakita ko ang ginawa niya, at parang nag-alangan siya. Para bang nahiya sa ginawa.

Sa likod ng isip ko, binulong ko sa kanya. Ayos lang matakot. Ayos lang magdasal. Ayos lang kabahan. Ayos lang na makita ka nilang nagssign of the cross. 'Wag kang mahiya. Magiging okay rin ang lahat.

Pero 'di ko yun nasabi sa kanya, malamang.

Napag-isip-isip ko lang sana may nagsabi rin sa'kin ng mga salitang iyon noon. Sana 'di siya mag-end up katulad ko. Sana may magsabi rin sa'kin nito. ('Wag niyo nang sabin ngayon, dahil parang beats the purpose na dahil sinabi ko nang sana sinabi niyo 'yun.)

Baldado

Marami akong hindi alam gawin. Hindi ako marunong mag-bike, hindi ko kayang mag-serve man lang para sa badminton; hindi marunong gumuhit nang matino; hindi ko kayang umiwas sa bola kapag paparating na't sasapul siya sa'king mukha.

Marami rin naman akong kayang gawin. Kaya kong itaas ang kilay ko nang salit-salit; kaya kong igalaw ang toes ko sa mga paraang hindi kaya ng iba (or si Ate lang ata); kaya kong sumipol nang palabas at paloob bagamat walang tono. Lahat nga lang ng ito pinag-aralan ko, pinagsikapan at natutunang mag-isa. Kung 'di mo napapansin, lahat iyan kayang pag-ensayuhan mag-isa. Ito'y dahil ayoko 'yong nakikita ako ng mga taong hindi marunong, hindi magawa ang kailangang gawin, mahina.

At iyon na siguro ang pinakamalaki kong takot--ang makita ng mga taong baldado. Maraming aspeto itong takot ko sa pagkabaldado. Nabanggit na ang ilan kanina. Takot din akong magka-Alzheimer's. Para rito, kinakabisa ko ang mga numero ng mga kaibigan ko, pinsan, magulang maski ang mga telepono ng mga nakikita naming Contact Nos. para sa mga natatanging business. Kinakabisa ko rin ang mga plate number ng mga kaibigan ko, at ng mga kotseng madalas kong makita. Ayoko lang talaga na makita ng taong wala nang kwenta.

Hindi ko maalala kung bakit ayaw ko ng ganoong pakiramdam; may salita sa Inggles na talaga namang angkop para rito: vulnerable. Hindi kayang sikmurain ng ego ko ang makitang ako ang mahina. Hindi ko sigurado pero sa tingin ko nag-ugat ito sa mga panahon noong bata akong laging pinagtatawanan, pinagti-trip-an at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung talagang gano'n nga pero iyon ang pakiramdam ko noon. Madalas akong mapahiya, at ayaw ko nang napapahiya pa muli. Dahil dito iniiwasan ko ang mga bagay na lalo pang magpapahiya sa'kin. Ngayon ko lang 'to sasabihin--hindi talaga ako takot sa bola mismo (oo dahil nagwwince ako sa pagdaan sa mga bola, at ito rin ang palusot ko para sa mga paanyayang maglaro ng basketball, for example). Takot akong mapahiya sa paglalaro kaya ayoko ng mga ball games. Ayun lang naman.

Kaya rin ako masungit. Dahil pakiramdam ko sa ganoong paraan ko lang makukuha ang respeto ng ibang tao; so that they may take me seriously. (Pero di naman ako gano'n kasungit di ba? :o3 hahahaha)

Ngayong binabasa ko muli ang aking sinulat isa lang ang masasabi ko--na nabanggit din naman sa'ming pinanood nung isang araw sa klase (sa Psy101): ang mga takot ay nag-uugat sa ibang mga bagay. Dagdag pa riyan ay tumutubo pa ang mga ito sa iba pang mga sanga. Sa ngayon mabuting malamang wala akong phobia bagamat takot talaga ako sa mga hayop at ayoko lang talaga sa kanila. Ang malamang nag-uugat din ang mga takot ko sa ibang bagay ay isa ring magandang bagay, ngunit sa ngayon wala pa'kong oras upang intindihin ang mga ugat na'to. Abala pa'ko sa pagkabisa ng mga numero ng kaibigan ko.

*
Random thoughts, here they come.

Yun lang naman. Teacher Pia, wag ko na kaya ipass hard copy? haha ito nalang o. May side comments pa. hahaha sabaw

Darating ba tayo sa puntong 'yon?

Kasalanan na ba 'to?

Nagguidance interview ako kanina tapos sabi niya masasabi ko bang 100% M.E. ang puso ko. Sabi ko, tipong hindi ko masasabi 'yan, pero kung titignan ko ang ibang options parang gugustuhin ko nalang din magstay. Tapos tinanong niya kung naaalala ko raw ba yung dahilan ko kung bakit M.E. pinili ko. I seriously stuttered in this part, dahil ewan nahihiya ako 'pag pinag-uusapan 'to. Baka kasi di nila maintindihan. Kung handa kang umintindi't usiserong talaga, tanungin mo nalang ako 'pag tayo'y nagkita. At dahil napag-usapan na rin namin kung bakit ko napili ang M.E., napahapyaw kami sa kung ano raw ginagawa ko when the going gets tough, para makaraos sa mga hassle at stress. Sabi ko pinaaalalahanan ko lang ang sarili ko sa dahilan ko kung bakit ba'ko nandito. Bakit ko ba ginagawa 'to. Tapos sabi niya ayos daw yon. Tas namention niya yung 5-step plan na binanggit sa isang movie ni Toni Gonzaga't Sam Milby. Have a goal, alamin kung bakit mo 'yon ginagawa, something, something, have fun. Tinanong niya ko kung ano raw ginagawa ko para naman magliwaliw. Destressor daw, ano. Sabi ko,

uhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

sulat lang po. tsaka tulog.

And then her face had this expression-- "My point exactly."

Saturday, January 10, 2009

Parang Kill Bill lang.

Anupa't kung minsan, higit pang maginhawa ang pagdukot sa sariling mata
-Oriental ni Rio Alma

Mahirap talagang mabuhay sa mga panahon ngayon. Minsan gusto na lamang nating kumawala sa mundong ito; saktan ang sarilit't dukutin ang mata: gumawa ng bagong dimensyon, mamuhay sa isang ilusyon, kalimutan ang batas at maging malaya nang lubos.

Ngunit kaakibat nito ang pag-iwan sa lahat, ang pagputol ng bawat ugat, ang pagluha mo ng dugo, ang kawalan ng iyong paningin.

Karapat-dapat ba ang iyong ilusyon sa ganoong sakit? Handa ka bang dukutin ang iyong mga mata?

Nagsasayang ng oras

Ang tanging bagay na laging nariyan--bakit iyon pa ang madalas na inirereklamong kulang? Wala akong oras. Pa'no mo gagamitin ang oras mo? Pwede ba'kong makabili ng oras? Ang dami kong gustong gawin. Gusto kong manood ng Curious Case of Benjamin Button. Gusto kong magbasa. Gusto kong magsulat ng tula. Gusto kong matulog nang buong araw. Gusto kong maintindihan ang math. Gusto kong maintindihan 'tong Oriental. Gusto kong malaman kung aabot ba tayo sa ganu'n. Gusto kong malaman mong nasaktan talaga ako sa sinabi mo. Gusto kong maging masaya. Gusto kong maging masaya. Gusto kong maging masaya. Sino ba'ng hindi, diba?

*

Nag-aanalyze ako ngayon ng tula kasama ang isang kaibigan. Wala akong Fil ngayon. Ang hirap lang gumawa ng isang bagay na gusto mo talaga tapos ang sama sa pakiramdam pagkatapos kasi iba naman ang dapat mong ginagawa. Nagsasayang ako ng oras...nasasayang nga ba?

Friday, January 9, 2009

Saludo kami sa'yo, boy!

Kami = Miko at ako

House warming kasi ngayon dito sa bahay at birthday ni Nathan kahapon kaya may party. So andito ang lolo't lola ko, (dad's side) grandpa't grandma (mom's side), 3 kapatid ni mommy and their partners and kids, 2 kapatid ni daddy and their partners and kids, some family friends and lotsa lotsa people.

Tapos dumating ang boyfriend ni ate. Medyo bago kasi ang kanilang relasyon. At andito siya! Lagot na sa sala!! haha Kaya naman, saludo kami sa'yo, Ja! haha


Halata bang bored ako? haha

Stalling

Dahil supposedly may pasok ngayon, asa school ako dapat ngayon, nagssophomore's day (do I hear a woohoo?). Pero dahil likas na tamad naman tayong lahat, nagpapakawalang kwenta ako. haha Naalala ko lang ang mga inside jokes (kung joke ba ang matatawag dito) 'pag may pasok. 'Di naman kasi natin mapigilan kung nabuburyong na tayo sa klase kaya gumagawa nalang ng mga joke galing sa lesson.

Psych:

Are you a neutral stimulus? Cause you're so unassociated.

Eco:

I am so not on the PPF curve.

Accounting:(or Sir Darwin)

But that's so inefficient! (!!!!)

SA: (Inside jokes, sorry Chez haha)

WMG!!!

'Wag maglalaro sa Valley Golf. Andun si Chez. Hahahahaha

Tayo'y magpaputok at protektahan ang sarili gamit ang gloves!

Math: (wala pa naman ata sa 22 kaya yung mga past math lang)

Ha?! Ano?! =))

Ikaw ba si EJ?

Ano'ng gusto kong gawin uli?

RICE!

Fil11:

Ang laki ng pikhukhu mo! (gamitin ang "salita" sa kung anumang naising paraan.)

Botany: (lab and lec)

Botany na! Tan Gana pa! (read as botanina tangana pa)

18 ka na?

Gusto mo rin ng emperor's grade?

Root teep

Patingin nga ng root tip mo!

Pare ba't may nagvibrate!!!!!
=)) =)) =))


Thursday, January 8, 2009

flutter

a pair of almonds,
you wish to find;
a pair of almonds--
beneath the wings they hide.


*

Mukhang maraming tinatago ang mga tao ngayon. :-? Intended to write a longer one and in Filipino, but I didn't find words that'd fit well with the imagery.

Wednesday, January 7, 2009

Day 8

Wow. Umabot ako ng 8 days. Akalain mo yun? Hanggang anim lang ata ang mga series na ginagawa ko noon.
  • cut ng SA
  • Special Tamarind at Special Spicy Tamarind!
  • 27 pieces Chris Tiu nuggets (with friends, of course. pero sayang ang powers nito [swerte ako sa exams 'pag kumakain ako ng marami nito] dahil wala naman akong nalalapit na exam.)
  • Kevin Pua. Wala na atang ibang taong may kayang magpasaya sa kung sinumang taong pakalat-kalat sa ibabaw ng mundo. SO tell me do you wanna fly~
  • Math aral. We were kinda productive!! hahaha
  • Help with Jescia's accounting. I'm just so glad I still remember stuff. haha
  • 'Yong fog sa Ateneo at sobrang ganda talaga. Ang dreamy ng itsura, tas may isang bright star pa kaya woohoo wish away! :)
Pero siyempre dahil end na'to ng Ligaya series (ano raw?!) I'd like to add something else. Dahil balita ko (ideally), ang tunay na masayang tao ay iyong maski santambak na ng problema't kung anu-ano pa ang dumating sa buhay ay masaya pa rin. Ang ilang mga bagay na nagpabad trip sa araw na'to
  • 40minutes-late na pedicab
  • cut ng SA
  • sakit sa paa ng p.e.
  • kami na ang susunod na magkcase sa accounting. Kinakabahan talaga ako.
So...I tag all people I know who can read, write and be happy! :D

Tuesday, January 6, 2009

Talaan

Day 6
  • bonding with Jescia Aquilizan
  • accounting LT. pero sa susunod dapat 'di na'ko kuntento rito
  • medyo naggets ko na ang math woohoo (keyword: medyo.)
  • sorry di ko na maalala natulog lang ako kahapon, which was also a good thing. Happy 10 pm!
Day 7
  • okay ang mga klase ngayong araw, altho majorly inaantok
  • pakikisabay ko Marvin Lim papasok
  • paghatid nina Charles sa'kin sa probinsya
  • Lechon Macau!
Tinatanong ako ng pinsan kong si Miko anong dapat niyang hingin for his 18th, altho never naman talaga kami yung mga tipong tinatanong kung anong gusto para sa birthday. We're still hoping, nonetheless. SO gusto ko na rin mag18~ hahaha

If my parents/friends would ask me what I'd like for my birthday, (IF, that is. random stuff.):
  • camera stuff--tripod, speedlight, lens, and a lomo cam dahil naiinggit ako kay miko. haha
  • books--bahala na kayo
  • tshirt
  • pera
  • payong
  • red alarm clock (yung old school)
  • external hard drive
  • everyday shoes
  • magandang ball pen. at isang magandang journal.
hahaha yun lang ho, salamat! :D HAHAHA parang ina-assume na bibilhin niyo e, no? pakinalang please. HAHAHA you have some 4months to save up for what, a payong! o di ba. ahha

Sunday, January 4, 2009

Na naman.

May naisip lang na naman ako. Lagi naman e. 'Pag dumating ang panahong 'di na'ko makaisip patay, maski humihinga pa'ko, itrato niyo na'kong patay. Or baka 'di rin at wala lang sa'kin dahil di na nga ako nakakaisip nu'n but anyway. Napanood ko lang kasi na may replica na ng poon ng Itim na Nazareno na dinala sa Cagayan de Oro para naman daw may poon na rin ang mga taga-Mindanao. Isang malaking kabalintunaan lang ito (irony sa Inggles, para sa mga nakalimot na ng kanilang mga natutuhan sa Filipino) dahil sa simula, nabuo ang relihiyon dahil naghahanap ang mga tao ng pagpapaliwanag lampas ang pisikal na mundo.

Ngayon, we've come full circle (pasensya, wala akong maisip na kawangis na kasabihan sa Filipino). Ginagamit na natin ang mga pisikal na kagamitan para sa relihiyon.

Sky Flakes

'Di ko maintindihan pa'no nabubuhay ang mga tao sa Sky Flakes diet. Hanep, nagawa 'to ng isang teacher namin sa high school at nakita naman ng lahat ang resulta. Pero grabe. Wala'ng kabusugan akong natamo sa ngayon. Masama ang tiyan ko kagabi pa at nasusuka ako 'pag naiisip kong kumain ng iba pa (o ipasok man lang ang iba pang bagay sa'king bibig tulad ng tubig at maski hangin) kaya naman Sky Flakes lang ang nakayanan kong kainin. At ngayon sobrang gutom na'ko. Gusto ko lang sabihin na please, 'wag na 'wag niyong gugutumin ang sarili niyo sa Sky Flakes. 'Di nakatutuwa. :|

Day 5 ng kasiyahan (mahirap 'to dahil literal na ganito ang mukha ko kanina. or mas maputla pero pwede na.)
  • ...wala e.

Makakatulog na'ko.

Kasi naisulat ko nang muli ang histo journal ko, at higit sa lahat dahil alam ko na ang tagalog ng salitang clue. Ikaw, alam mo? :D

Saturday, January 3, 2009

Tungkol sa mga pangalan at Day 4

Napanood na natin ang eksena, ilang milyong beses na:

Magsisilbi ang babaeng nagbebenta ng laman, gagawin ang trabaho at aalis nang walang binibigay na tunay na pangalan o walang binibigay talaga.

Bakit gano'n? Bakit kaya nilang ibigay nang buong-buo ang kanilang katawan ngunit ang simpleng salita--isang salita lang--na gasgas na halos sa pagtatawag ng lahat ng taong kilala nila e hindi nila mabigay-bigay?

Dahil ang pagbigay ng pangalan ay pagbigay ng karapatan sa taong tawagin ka, palingunin at patigilin sa iyong ginagawa. Kaakibat ng iyong pangalan ang lahat ng bagay na pinagtrabahuan mo mula ng iyong pagkabata. Sa pagbigay mo ng iyong pangalan, ipinakikilala mo hindi lamang ang taong kaharap nila kundi ang taong binuo mo sa maraming taong nabuhay ka sa mundong ito. Ikaw, kanino mo ibinibigay ang iyong pangalan?

*

Naalala ko tuloy na noon, nagcommute ako sa QC circle at 'di ko naman kasi alam kung sa'n ako bababa kaya sa harap ako ng jeep umupo. E medyo pala-kaibigan si Manong at iyong mapagbiro. Tinatanong ako kung sa'n ako nakatira, sa'n nag-aaral, may boyfriend na, tattoo raw ba yong peklat ko, at kung ano pang buhay ang meron ako. Lahat na tinanong niya, at siyempre pati pangalan. Pero 'di ko binigay ang pangalan ko. So sige biyahe. Tapos lumampas kami sa dapat kong pagbababaan. So parang shitty kasi di ko talaga alam saan. So ang ginawa niya, umikot uli siya. Nang libre! Ang bait ano? Nagsayang ng gasolina! haha Kaya naman pagbaba ko bilang kabayaran sa kanyang kabaitan binigay ko ang aking ngalan.

Nicole's the name. *wink wink*

Joke hindi gano'n. hahaha

*

Day 4 ng paghahanap ng kasiyahan!
  • spent the day with my the Carreon-de Vera's cause it's Tito Mar and Tita Lynne's wedding anniversary
  • we finally went out of the house.
  • Cheesecake,etc
  • Harry's world, Concert, Let's Go Around the World at Birthday ni Tarzan (although i'm not so sure if this really made me happy.)
  • may earrings na uli akong suot :D
  • makikita ko na ang mga tao tao sa school bukas! :D