Tuesday, January 13, 2009

Baldado

Marami akong hindi alam gawin. Hindi ako marunong mag-bike, hindi ko kayang mag-serve man lang para sa badminton; hindi marunong gumuhit nang matino; hindi ko kayang umiwas sa bola kapag paparating na't sasapul siya sa'king mukha.

Marami rin naman akong kayang gawin. Kaya kong itaas ang kilay ko nang salit-salit; kaya kong igalaw ang toes ko sa mga paraang hindi kaya ng iba (or si Ate lang ata); kaya kong sumipol nang palabas at paloob bagamat walang tono. Lahat nga lang ng ito pinag-aralan ko, pinagsikapan at natutunang mag-isa. Kung 'di mo napapansin, lahat iyan kayang pag-ensayuhan mag-isa. Ito'y dahil ayoko 'yong nakikita ako ng mga taong hindi marunong, hindi magawa ang kailangang gawin, mahina.

At iyon na siguro ang pinakamalaki kong takot--ang makita ng mga taong baldado. Maraming aspeto itong takot ko sa pagkabaldado. Nabanggit na ang ilan kanina. Takot din akong magka-Alzheimer's. Para rito, kinakabisa ko ang mga numero ng mga kaibigan ko, pinsan, magulang maski ang mga telepono ng mga nakikita naming Contact Nos. para sa mga natatanging business. Kinakabisa ko rin ang mga plate number ng mga kaibigan ko, at ng mga kotseng madalas kong makita. Ayoko lang talaga na makita ng taong wala nang kwenta.

Hindi ko maalala kung bakit ayaw ko ng ganoong pakiramdam; may salita sa Inggles na talaga namang angkop para rito: vulnerable. Hindi kayang sikmurain ng ego ko ang makitang ako ang mahina. Hindi ko sigurado pero sa tingin ko nag-ugat ito sa mga panahon noong bata akong laging pinagtatawanan, pinagti-trip-an at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung talagang gano'n nga pero iyon ang pakiramdam ko noon. Madalas akong mapahiya, at ayaw ko nang napapahiya pa muli. Dahil dito iniiwasan ko ang mga bagay na lalo pang magpapahiya sa'kin. Ngayon ko lang 'to sasabihin--hindi talaga ako takot sa bola mismo (oo dahil nagwwince ako sa pagdaan sa mga bola, at ito rin ang palusot ko para sa mga paanyayang maglaro ng basketball, for example). Takot akong mapahiya sa paglalaro kaya ayoko ng mga ball games. Ayun lang naman.

Kaya rin ako masungit. Dahil pakiramdam ko sa ganoong paraan ko lang makukuha ang respeto ng ibang tao; so that they may take me seriously. (Pero di naman ako gano'n kasungit di ba? :o3 hahahaha)

Ngayong binabasa ko muli ang aking sinulat isa lang ang masasabi ko--na nabanggit din naman sa'ming pinanood nung isang araw sa klase (sa Psy101): ang mga takot ay nag-uugat sa ibang mga bagay. Dagdag pa riyan ay tumutubo pa ang mga ito sa iba pang mga sanga. Sa ngayon mabuting malamang wala akong phobia bagamat takot talaga ako sa mga hayop at ayoko lang talaga sa kanila. Ang malamang nag-uugat din ang mga takot ko sa ibang bagay ay isa ring magandang bagay, ngunit sa ngayon wala pa'kong oras upang intindihin ang mga ugat na'to. Abala pa'ko sa pagkabisa ng mga numero ng kaibigan ko.

*
Random thoughts, here they come.

Yun lang naman. Teacher Pia, wag ko na kaya ipass hard copy? haha ito nalang o. May side comments pa. hahaha sabaw

Darating ba tayo sa puntong 'yon?

Kasalanan na ba 'to?

Nagguidance interview ako kanina tapos sabi niya masasabi ko bang 100% M.E. ang puso ko. Sabi ko, tipong hindi ko masasabi 'yan, pero kung titignan ko ang ibang options parang gugustuhin ko nalang din magstay. Tapos tinanong niya kung naaalala ko raw ba yung dahilan ko kung bakit M.E. pinili ko. I seriously stuttered in this part, dahil ewan nahihiya ako 'pag pinag-uusapan 'to. Baka kasi di nila maintindihan. Kung handa kang umintindi't usiserong talaga, tanungin mo nalang ako 'pag tayo'y nagkita. At dahil napag-usapan na rin namin kung bakit ko napili ang M.E., napahapyaw kami sa kung ano raw ginagawa ko when the going gets tough, para makaraos sa mga hassle at stress. Sabi ko pinaaalalahanan ko lang ang sarili ko sa dahilan ko kung bakit ba'ko nandito. Bakit ko ba ginagawa 'to. Tapos sabi niya ayos daw yon. Tas namention niya yung 5-step plan na binanggit sa isang movie ni Toni Gonzaga't Sam Milby. Have a goal, alamin kung bakit mo 'yon ginagawa, something, something, have fun. Tinanong niya ko kung ano raw ginagawa ko para naman magliwaliw. Destressor daw, ano. Sabi ko,

uhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

sulat lang po. tsaka tulog.

And then her face had this expression-- "My point exactly."

No comments: