Thursday, March 19, 2009

Reposts

from here.

i was on my way home when i saw this kid with a scab on his knee.

then it came to me:

i already forgot how painful it was to be wounded.

how hard i cry when i hurt myself;

how painful it is to treat the wound;

how itchy the wound would be when it is healing;

how awkward the scab would look--

how rough it would feel;

how pink the flesh is when the scab is gone;

how long before i forget that i even got one.

*

Dahil nasugatan ako ngayon. Gusto ko lang ilagay kung anong isinulat ko sa resiliency paper ko::

"...naisip ko na marahil ang resiliency ay may kaakibat na katapangan. Pagbigyan ang paggamit ko ng salitang Inggles dito upang maipinta ko nang maayos ang aking punto. May dalawang salita para sa katapangan sa Inggles—ang bravery at ang courage. Mula sa isang mensaheng ipinadala sa akin noon ay nalaman ko kung ano ang kaibahan ng dalawang salitang iyon. Bravery ay ang pagsabak sa isang bagay na alam mong delikado at wala kang paki sa kung anumang kalalabasan ng iyong mga kilos. Sa kabilang dako, ang courage ay ginagamit sa mga pagkakataong sasabak ka sa isang sitwasyong alam mong delikado at natatakot kang sumabak dito, ngunit sasabak ka pa rin. Gayon din sa resiliency ng mga tao. Sa pagbangon natin mula sa bawat pagkadapa ay tinatanggap natin ang katotohanang may posibilidad na matisod muli. Kaiba sa sitwasyon kung saan mananatili na lamang tayong lagapak sa lupa, ang resiliency ay ang courage na harapin ang susunod na pagkatisod dahil sigurado’t walang palya—muli tayong madadapa.
Gayon din sa’king napiling paraan ng pagbangon mula sa batuhan. Ang hayaan ang buhay na tumuloy lamang ay isang act of courage at pananampalataya na rin na sa susunod na beses ay may lakas pa tayong tumayo muli, gaano man kalakas ang ating pagbagsak."

*

Dahil ngayong araw na-realize kong ang dami kong mga pagkakamali't pagkukulang...gusto kong umiyak at sila'y pagsisihan ngunit wala na akong magawa kundi ang umasang hindi ko na sila mauuulit pa.

No comments: