Saturday, January 24, 2009

May magagawa ba'ko?

I'm up now.

I was jolted out of sleep by some unknown force, and I check my phone--it's 4.59 am. Oh great, I overslept again. Tinawagan naman ako ni Maki ng 10.19 pm para gumising, 'di ako nagising T_T Kaya naman tumayo ako agad, (okay, nagmura muna nang onti) kinuha ang charger ng laptop, chineck ang wifi at nagblog. Pagkatapos nito, gagawin ko na ang psych paper tapos tatapusin ang aral ng eco.

Sleep is like a gentle tyrant, ang sabi ng psych book. Man, mine's been bullying me these past few WEEKS. May magagawa ba'ko?

*

Karugtong ng huling sentence sa taas, naikwento uli ni itay kung ga'no ako ka-ewan nung bata. Oo na, ewan pa rin ako ngayon. Mga kwentong-bata::

Dad: Koko, umakyat ka na, matulog ka na! *pagalit, hanggang sa mga susunod na mga linya*
Koko: *umaakyat na*
Dad: Nagtoothbrush ka na ba?
Koko: Di pa po
Dad: Magtoothbrush ka muna. Halika bumaba ka rito.
Koko: Bukas nalang po...
Dad: Hindi. Bumaba ka rito.
Koko: May magagawa ba'ko... :o3

Hahahaha kupal. Eto pa.

Koko: Ma, nagugutom na'ko
Mom: *nagwawalis* Sandali, tapusin ko lang 'to
Koko: Ma, nagugutom na'ko.
Mom: Sandali lang. Tapusin ko lang 'to
Koko: Maaa, nagugutom na'ko.
Mom: *pagalit na*Sinabing sandali lang tatapusin lang 'to.
Koko: *paiyak na! :)) * Ba't ba ang supla-suplada mo?! Nagugutom na'ko!

Hahahaha sabaw. Okay, off to Psych paper.

P.S.

'Di ko pa rin nagagawa yung curriculum vitae para sa JTA :| Sobrang walang laman yun sa part ng college. >: Nakakadepress ang kawalan ko ng kwenta sa college.

No comments: