Saturday, January 31, 2009

Slow me down

Rushing and racing and running in circles
Moving so fast I'm forgetting my purpose
Blur of the traffic is sending me spinning
Getting nowhere

My head and my heart are colliding chaotic
Pace of the world I just wish I could stop it
Try to appear like I've got it together
I'm falling apart

Save me
Somebody take my hand and lead me
Slow me down
Don't let love pass me by
Just show me how
Cause I'm ready to fall

Slow me down
Don't let me live a lie
Before my life flies by
I need you to slow me down

Sometimes I fear that I might disappear
In the blur of fast forward I falter again
Forgetting to breathe
I need to sleep
I'm getting nowhere

All that I've missed I see in the reflection
Pass me while I wasn't paying attention
Tired of rushing, racing and running
I'm falling apart

Tell me
Oh won't you take my hand and lead me
Slow me down
Don't let love pass me by
Just show me how
Cause I'm ready to fall

Slow me down
Don't let me live a lie
Before my life flies by
I need you to slow me down

Just show me
I need you to slow me down
Slow me down
Slow me down

The noise of the world is getting me caught up
Chasing the clock and I wish I could stop it
Just need to breathe
Somebody please
Slow me down

*

If only I could emphasize enough how this song pretty much encapsulates what I'm feeling, and most probably what many of us are feeling. Also, treat this as my last entry for now. School's really crazy I will have to withdraw from some of my addictions. I need you to slow me down.

Friday, January 30, 2009

Hala, sige, hanap.

Alam niyo, nung bata ako, maldita ako. Binabangga ko mga batang babaeng mas maganda ang damit kaysa sa'kin. Nakatiklop pa ang aking mga bisig at sabay irap. Maski sa simbahan, 'di ako makikinig sa misa. Titignan ko nang masama ang grupo ng mga bata sa likod ko--oo, tatlo sila't isa lang ako. At sa tuwing magsusumbong na sila sa kanilang ate, ay magkukunwari akong walang ginawa.

May panahon pa noong may isa akong busmate na ayaw nang sumakay sa school bus namin dahil laging masama ang tingin ko sa kanya. Imagine-in niyo na lang na kinailangang kaladkarin siya ng kanyang nanay papunta sa bus. Oo, literal na kaladkad.

Maski mga sanggol kinaiinisan ko.

Bakit ko ba sinasabi 'to? Dahil noon lagi kong hanap ang atensyon. At hindi pwedeng mahati iyon. Lahat ng bagay na meron ang ibang tao, kinaiinggitan ko.

Ngayon hinihingi ko sana atensyon mo; at kinaiinggitan ko siya.


I'm betting my ass you won't be able to read this. As usual.

Syempre ang taong mahal mo gusto mo masaya sa piling mo, 'di ba? Masakit makitang mas masaya siya sa company ng kahit sino kaysa sa'yo.

Wednesday, January 28, 2009

Lupang Hinarang

*Bago ako manood, nagmumura ako dahil pinagbayad kami (at wala na talaga akong pera) at pinagagawa pa kami ng papel at paniniwala kong hindi ko naman talaga kailangan magmake-up. Pagkatapos ng dokyu, nagmumura pa rin ako.

Sa unang tingin tinalakay ng dokyu na Lupang Hinarang ang pakikipagsapalaran ng labinwalong magsasaka at ang kanilang pakikipaglaban sa kanilang lupa sa Negros. Oo, nabasa mo nang tama; kanila ang lupa. Ilang punto na ipinaliwanag sa dokyu (at ilang artikulo na binasa ko):
  • 1996 nang igawad sa humigit-kumulang 120 magsasaka ang bahagi ng lupa sa Hacienda Velez-Malaga. Ang nasabing lupa ay pagmamay-ari ni Roberto Cuenca. Sumasailalim sa polisiyang CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program ang nasabing paghahati-hati ng mga magsasaka sa lupa.
  • Tinatantiyang ang mapupuntang lupa sa mga magsasaka ay 0.97 na hektarya--isang halagang masasabing kulang pa rin, sa kaalamang marami sa mga pamilyang ito ay may maraming tiyan na pupunuin.
  • Ilang taon na makalipas ang paggawad ng lupa sa mga magsasaka ay hindi pa rin sila nakakapagbungkal o makapagtayo man lamang ng titirhan sa sarili nilang lupa 'pagkat may mga pasikut-sikot sa batas na ginawa ang dating may-ari na si Cuenca upang magkaroon pa rin siya ng kontrol sa lupa. Ang kontrol na ito ay makikita sa mga armadong mga lalaking nagbabantay sa paligid ng nasabing lupain. Ang mga armas na ipinakita ay hindi lamang iyong mga handgun. Mahahabang mga baril na talaga namang mangangatog ka kung tutukan man lang.
  • Dahil sa naunang punto, minabuti ng ilang magsasaka na magpunta sa Maynila at maghunger strike sa harap ng Department of Agricultural Reform o DAR. Karamihan sa mga naghunger strike ay matatanda na't mukhang nanghihina na sa simula pa lang. Sa kanilang hunger strike ay hindi sila kumain nang kahit ano at uminom lamang sila ng tubig na may asin. Tumagal ang kanilang hunger strike nang dalawampu't siyam na araw. Marami sa kanila ay kinailangang dalhin sa ospital, ngunit pagkatapos mabigyan ng pangunang lunas sa ospital ay balik pa rin sila sa kanilang sakripisyo't pagpapahayag ng kanilang mensahe.
  • Pagkatapos ng halos isang buwan ay napagbigyan din ang mga magsasaka. Sinamahan ng gobyerno ang mga magsasaka sa lupa, kasama ang humigit-kumulang 200 na sundalo upang sila'y i-install o para sabihing kanila na talaga iyong lupa. Masaya na sana ang katapusan ng ating kwento, kung hindi lang dalawang buwan matapos ang kanilang installation, binaril ng mga armadong lalaki ang dalawa sa mga nag-hunger strike na magsasaka. Ang pinaghirapan nina Alejandro Garcesa (70) and Ely Tupas (52), ay nasayang lang ata.
Wala na atang mas sasakit pa sa dinanas ng mga magsasaka ng Velez-Malaga. Nagsimula ang kanilang pakikipagsapalaran sa pagkamatay ng isang kasamahan, at natapos din sa isa pang kamukhang pangyayari. Sa panonood ng nasabing dokyu hindi ko na talaga mapigilang magmura--una dahil hindi ko matanggap na matatanda na ang gagawa ng nasabing hunger strike. Pangalawa dahil umabot pa ng 29 days ang pagpapakagutom ng mga magsasaka. Kung 'di ka ba naman isa't kalahating walang kaluluwa na panoorin lang ang mga taong mamuhay (o mas angkop atang sabihing magpakamatay) sa loob ng isang araw e paaabutin mo pa ba nang ganoon katagal? Pangatlo ay ang tila pagtatraydor na ginawa sa mga magsasaka.

Pagkatapos manood parang ang sakit ding isiping pagmumura na lang ang magagawa ko sa'king upuan. Hanggang galit na lamang ba ang magagawa nating lahat sa bulok na sistemang umiiral sa lipunan? Sila mismong mga may hawak na sa pag-asa, hinahablutan pa't nilalapastangan, paano pa tayong mga humahabol pa lang at umaasang makahuhuli rin ng nasabing pag-asa? Hindi naman sa pagiging pesimistiko, pero ika nga ng kanta,

Hanggang dito na lang ba ang tao?

Sunday, January 25, 2009

Heto.

Sabi nila,
kapag ika'y nakipagkamay
gamit ang iyong kanan,
ay ibinababa mo ang iyong sable--
isang paniniguro sa iyong kakamayan:

Hindi kita sasaktan.

Muling sabi nila,
kapag ika'y makikipagkamay
gamitin ang iyong kaliwa,
upang ibaba ang iyong panangga--
isang pagpapahiwatig sa iyong kasamahan:

Pinagkakatiwalaan kita.

At mas malapit, ika nga,
sa puso ang kaliwa.

Pero hindi ba't mas magandang
ibigay ang parehong kamay,
tanggalin ang armas at ipakita ang kahinaan;

Hayaang ang sinag ng araw ay
tumambad sa mga mata--
at wala na'ng kasiguruhan sa kinatatayuan mo

Maliban na lamang
sa naglalagos na ilaw sa iyong mga talukap,
ang init ng araw sa iyong balat,
ang hampas ng damo't hangin sa iyong binti--

at ang mga kamay na iyong hawak,
nang walang pag-aatubili.

*

Para sa'yo.

Saturday, January 24, 2009

Gate C22

Asa Fullybooked kami kanina at dinedepress ang sarili sa kawalan namin ng pera. Nakita ko ang isang koleksyon ng mga tula, Ten Poems to Change Your Life Over and Over Again, at ito ang aking nakita. Gagawan kita ng tula. For now, ito muna. (Dahil nagkacram ako ng CV for JTA haha)


Gate C22
by Ellen Bass

At gate C22 in the Portland airport
a man in a broad-band leather hat kissed
a woman arriving from Orange County.
They kissed and kissed and kissed. Long after
the other passengers clicked the handles of their carry-ons
and wheeled briskly toward short-term parking,
the couple stood there, arms wrapped around each other
like he'd just staggered off the boat at Ellis Island,
like she'd been released at last from ICU, snapped
out of a coma, survived bone cancer, made it down
from Annapurna in only the clothes she was wearing.

Neither of them was young. His beard was gray.
She carried a few extra pounds you could imagine
her saying she had to lose. But they kissed lavish
kisses like the ocean in the early morning,
the way it gathers and swells, sucking
each rock under, swallowing it
again and again. We were all watching--
passengers waiting for the delayed flight
to San Jose, the stewardesses, the pilots,
the aproned woman icing Cinnabons, the man selling
sunglasses. We couldn't look away. We could
taste the kisses crushed in our mouths.

But the best part was his face. When he drew back
and looked at her, his smile soft with wonder, almost
as though he were a mother still open from giving birth,
as your mother must have looked at you, no matter
what happened after--if she beat you or left you or
you're lonely now--you once lay there, the vernix
not yet wiped off, and someone gazed at you
as if you were the first sunrise seen from the Earth.
The whole wing of the airport hushed,
all of us trying to slip into that woman's middle-aged body,
her plaid Bermuda shorts, sleeveless blouse, glasses,
little gold hoop earrings, tilting our heads up.

Of wet beds, roaches and professions of love

Most painful memory--hiningi sa'min para sa Psych. Para malaman kung alin ang pinakamasakit kinailangan kong maghanap ng yardstick. Ano nga ba ang basehan ko ng pagkamasakit ng isang bagay. At naisip ko, malamang sa iyak ko na iyon makikita. Kaya naman inalala ko kung gaano kabasa ang unan ko at kamaga ang mata ko para malaman kung alin ang pinakamasakit na alaala.

At naalala ko, may panahong basa ang kama ko na para bang umihi na'ko sa kama, at namaga ang mata ko na para na'kong kinagat ng isang batalyong ipis. Joke lang.

Pagpasensyahan na ang pagbibiro, pero nahihirapan talaga akong magpinpoint ng isang alaalang masasabi kong pinakamasakit. Dahil sa Psych, may dalawa akong dahilang maimumungkahi.

Una, ang pagkaiyakin ko. Madalas akong tawaging ganito ng aming pamilya, dahil oo nga naman iyakin ako. 'Pag 'di ko magawa ang isang bagay, iiyak ako. At alam naman nating marami akong bagay na hindi alam gawin. (Alas! I digress. Kung naalala, nabanggit kong isa lang ang alam kong gawin, at iyon ay ang mag-aral kaya naman nakakadepress lalo ang curriculum vitae ko para asa JTA.) Kung nakikita niyo ako bago matulog, malamang madedepress (Did you know that there isn't any Filipino word for depression? Goes to show how happy we are as a people. See? We learn a lot from our language. Let's advocate it. Woohoo!) kayo. Call it twisted or what, pero kapag 'di ako makatulog, umiiyak ako para mapagod at makatulog. Ganu'n ako katagal umiyak. At ang pagpapaliwanag ko rito ay inuulit-ulit ko kasi ang mga masasakit na bagay sa isip ko kaya naman iyak na naman ako nang iyak. Rehearsal of short-term memory, ika nga.

Mabalik tayo sa pinag-uusapan. Ang pagkaiyakin ko ay isang hadlang sa pagtukoy ng pinakamasakit na alaala dahil lahat sila, para sa'kin ay masakit. Sa kung anong antas, hindi ko maalala at iyon naman ay pangalawa kong dahilan kung bakit 'di ko pa rin matukoy hanggang ngayon ang pinakamasakit kong alaala.

Disuse of long term memory. Dahil nga sa tinatawag akong iyakin ng karamihan sa malapit sa akin, pagkatapos kong ulit-uliting saktan ang sarili ko sa mga pangyayari ay mangingibabaw na ang rasyonal kong pag-iisip at sasabihing wala namang kwenta ang kung anumang pinag-iiyakan ko kanina. Kaya naman itinutulak ko palabas ng Koko's Memory ang mga iyon at voila! Wala na'kong alalahanin.

*
Ang isinulat ko sa itaas ay produkto ng aking pag-iisip sa kung ano talaga ang pinakamasakit na alaala ko. Kung kinakailangan kong magbigay talaga ng isang nasasalat na pagkakataon, masasabi kong iyon ay noong hindi ako kinakausap ng dalawa sa mga kaibigan ko--sabay pang nangyari ito. Masasabi kong ang dalawa kong kaibigang iyon ay sumisimbulo sa dalawang panig ng aking pagkatao (HINDI PO AKO ISANG CASE ng SPLIT PERSONALITY,thankyouverymuch.). Ang isa kong kaibigan ay siyang tinatakbuhan kapag may problema, ang isa nama'y kasama ko sa lahat ng mga panahong malakas ako--masaya, gago, at iba pa. Hindi ako kinausap ng aking soft-side friend dahil may ipinagtapat ako sa kanya na *ehem* alam na nating lahat kung ano. *wink, wink.* At ang tough-side friend, nakaaway ko dahil napahiya ko siya sa harap ng maraming tao. Nanghina lang ako dahil noon ko napatunayang ang buhay ko, nakadepende sa mga kaibigan ko. Bati naman na kami ngayon, at ang ipinagtapat ko ay hindi na nag-aapply. ;) :)) :D

**Paper officially ends here.

Hi Ods. Hi Tets. hahahahahaha Lahat na ng sikreto ko naibubulgar ko na sa mundo. Ohwell. hahaha

Target time to finish paper: 0700 hours
Time now: 0702 hours

Not baaaad! Now, Eco.JTA CV will have to wait. Mangchicheat nalang ako, di ko alam anong ialalgay e :))

May magagawa ba'ko?

I'm up now.

I was jolted out of sleep by some unknown force, and I check my phone--it's 4.59 am. Oh great, I overslept again. Tinawagan naman ako ni Maki ng 10.19 pm para gumising, 'di ako nagising T_T Kaya naman tumayo ako agad, (okay, nagmura muna nang onti) kinuha ang charger ng laptop, chineck ang wifi at nagblog. Pagkatapos nito, gagawin ko na ang psych paper tapos tatapusin ang aral ng eco.

Sleep is like a gentle tyrant, ang sabi ng psych book. Man, mine's been bullying me these past few WEEKS. May magagawa ba'ko?

*

Karugtong ng huling sentence sa taas, naikwento uli ni itay kung ga'no ako ka-ewan nung bata. Oo na, ewan pa rin ako ngayon. Mga kwentong-bata::

Dad: Koko, umakyat ka na, matulog ka na! *pagalit, hanggang sa mga susunod na mga linya*
Koko: *umaakyat na*
Dad: Nagtoothbrush ka na ba?
Koko: Di pa po
Dad: Magtoothbrush ka muna. Halika bumaba ka rito.
Koko: Bukas nalang po...
Dad: Hindi. Bumaba ka rito.
Koko: May magagawa ba'ko... :o3

Hahahaha kupal. Eto pa.

Koko: Ma, nagugutom na'ko
Mom: *nagwawalis* Sandali, tapusin ko lang 'to
Koko: Ma, nagugutom na'ko.
Mom: Sandali lang. Tapusin ko lang 'to
Koko: Maaa, nagugutom na'ko.
Mom: *pagalit na*Sinabing sandali lang tatapusin lang 'to.
Koko: *paiyak na! :)) * Ba't ba ang supla-suplada mo?! Nagugutom na'ko!

Hahahaha sabaw. Okay, off to Psych paper.

P.S.

'Di ko pa rin nagagawa yung curriculum vitae para sa JTA :| Sobrang walang laman yun sa part ng college. >: Nakakadepress ang kawalan ko ng kwenta sa college.

Thursday, January 22, 2009

This is fiction.

As seen in the movies:

Running away in the rain
as the saline bites
the side of your lip

Being alone in the
dungeons
and echoes only you can hear

Seasons that change in the
blink
of an eye

A war waged the minute before,
all deaths and blood
forgotten the next

This is fiction,

supposedly.


Malinaw na

Kanina 'di ko alam kung anong gusto kong gawin...manood, matulog, o magsulat ng tungkol sa ANI school visit. Natataranta utak ko, at nanaig ang pagtulog. Isang oras lang--para makagawa ng mga para bukas. E kaso wala namang kailangan bukas. Sooooooo tulog uliiii :D :D :D :D


Mahal kita,
Pero miss na miss ko na

Ang aking kama
at ang malupit kong unan~


Ito lang ang nakayanan kong i-type. hahahaha

Sunday, January 18, 2009

Nagpapakasabaw

Damayan mo na rin ako. Alam mong sabaw na'ko 'pag nagsimula na'kong gumuhit. Hahahahahaha. Nawawala kasi ruler ko e.

(Oo na, di na'ko magaling gumuhit. Alam ko na yun, matagal na.)

Featuring::

My 2XS P.E. Shirt na papasa na bilang night shirt, my penguin boxer shorts :)) , my NSTP whiteboard
Ang mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ng Nawawalang Reglador
(The Wonderful Adventures of the Lost Ruler)

Saturday, January 17, 2009

Laging handa

Napag-usapan kanina ang pagkamatay (actually, ang pagpapakamatay) at naalala ko lang na dumaplis sa utak kong handa na'kong mamatay. Hindi naman sa paraang gusto ko na kayong iwang lahat, naisip ko lang na wala na ngayon ang takot ko dating mawala sa mundong ibabaw nang walang naiiwang bakas. Patawarin ang pagkamahangin pero pakiramdam kong may naiwan naman na'ko sa mundong ito, maski pipiranggot. Pakiramdam ko may nahatak naman na'kong lubid sa kung saan na pwedeng makatulong na rin. At saka, may internet na...Nakasave na ang mga bagay-bagay at baka sakaling sa hinaharap may makabasa nito, maisip oo nga, at "buti nalang may nabuhay na Koko". Handa na'ko sa tingin ko. At may isa pa'kong dahilan pero akin na lang din iyon.

Ikaw, handa ka na?

*

Accounting case na sa Huwebes at papetixpetix lang ako. Natulog lang kagabi, nanood ng t.v. kanina. Pero ngayong araw na'to masasabi kong mas marami pa'kong natutunan kaysa pag-upo nang buong araw sa harap ng guro. Sira na naman multi ko, btw.

Friday, January 16, 2009

Group conformity

Sabi sa SA, likas sa tao ang sumunod, alinmang nasyonalidad pa 'yan. Pero mas madali nating sabihing pinakamadaling mauto mautusan ang mga bata. Ngayong araw, napaalalahanan ako rito.

Kanina, nag-NSTP insertion kami--una para sa taon. Kasali sa kwentong ito ang isang blockmate (itago nalang natin sa pangalang) Kuya P, ako at ilang mga bata.

Kuya P: O gusto niyo ng brownies? Sige. Bibigyan ko kayo kapag....
Ako: *Pupungay-pungay pa ang mga mata dahil inaantok*
Kuya P: ....Sinabunutan niyo siya!!!!
Ako: :-O :-O :-O
Mga bata: *Sugooood!!! Sabunooot!!!*
Ako: Araaaay.


Yun lang. hahahahaha

Tuesday, January 13, 2009

Magiging ayos lang ang lahat.

Kahapon sa pagcommute ko sa jeep, nakasabay ko ang isang bata. Taga-Miriam grade school siya at mukhang first time niyang magcommute. Kasama naman niya ang kanyang yaya pero halatang kabado siya. Pagkaupo niya sa jeep, humarap siya sa bintana't patagong nag-sign of the cross. Nakita niya atang nakita ko ang ginawa niya, at parang nag-alangan siya. Para bang nahiya sa ginawa.

Sa likod ng isip ko, binulong ko sa kanya. Ayos lang matakot. Ayos lang magdasal. Ayos lang kabahan. Ayos lang na makita ka nilang nagssign of the cross. 'Wag kang mahiya. Magiging okay rin ang lahat.

Pero 'di ko yun nasabi sa kanya, malamang.

Napag-isip-isip ko lang sana may nagsabi rin sa'kin ng mga salitang iyon noon. Sana 'di siya mag-end up katulad ko. Sana may magsabi rin sa'kin nito. ('Wag niyo nang sabin ngayon, dahil parang beats the purpose na dahil sinabi ko nang sana sinabi niyo 'yun.)

Baldado

Marami akong hindi alam gawin. Hindi ako marunong mag-bike, hindi ko kayang mag-serve man lang para sa badminton; hindi marunong gumuhit nang matino; hindi ko kayang umiwas sa bola kapag paparating na't sasapul siya sa'king mukha.

Marami rin naman akong kayang gawin. Kaya kong itaas ang kilay ko nang salit-salit; kaya kong igalaw ang toes ko sa mga paraang hindi kaya ng iba (or si Ate lang ata); kaya kong sumipol nang palabas at paloob bagamat walang tono. Lahat nga lang ng ito pinag-aralan ko, pinagsikapan at natutunang mag-isa. Kung 'di mo napapansin, lahat iyan kayang pag-ensayuhan mag-isa. Ito'y dahil ayoko 'yong nakikita ako ng mga taong hindi marunong, hindi magawa ang kailangang gawin, mahina.

At iyon na siguro ang pinakamalaki kong takot--ang makita ng mga taong baldado. Maraming aspeto itong takot ko sa pagkabaldado. Nabanggit na ang ilan kanina. Takot din akong magka-Alzheimer's. Para rito, kinakabisa ko ang mga numero ng mga kaibigan ko, pinsan, magulang maski ang mga telepono ng mga nakikita naming Contact Nos. para sa mga natatanging business. Kinakabisa ko rin ang mga plate number ng mga kaibigan ko, at ng mga kotseng madalas kong makita. Ayoko lang talaga na makita ng taong wala nang kwenta.

Hindi ko maalala kung bakit ayaw ko ng ganoong pakiramdam; may salita sa Inggles na talaga namang angkop para rito: vulnerable. Hindi kayang sikmurain ng ego ko ang makitang ako ang mahina. Hindi ko sigurado pero sa tingin ko nag-ugat ito sa mga panahon noong bata akong laging pinagtatawanan, pinagti-trip-an at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung talagang gano'n nga pero iyon ang pakiramdam ko noon. Madalas akong mapahiya, at ayaw ko nang napapahiya pa muli. Dahil dito iniiwasan ko ang mga bagay na lalo pang magpapahiya sa'kin. Ngayon ko lang 'to sasabihin--hindi talaga ako takot sa bola mismo (oo dahil nagwwince ako sa pagdaan sa mga bola, at ito rin ang palusot ko para sa mga paanyayang maglaro ng basketball, for example). Takot akong mapahiya sa paglalaro kaya ayoko ng mga ball games. Ayun lang naman.

Kaya rin ako masungit. Dahil pakiramdam ko sa ganoong paraan ko lang makukuha ang respeto ng ibang tao; so that they may take me seriously. (Pero di naman ako gano'n kasungit di ba? :o3 hahahaha)

Ngayong binabasa ko muli ang aking sinulat isa lang ang masasabi ko--na nabanggit din naman sa'ming pinanood nung isang araw sa klase (sa Psy101): ang mga takot ay nag-uugat sa ibang mga bagay. Dagdag pa riyan ay tumutubo pa ang mga ito sa iba pang mga sanga. Sa ngayon mabuting malamang wala akong phobia bagamat takot talaga ako sa mga hayop at ayoko lang talaga sa kanila. Ang malamang nag-uugat din ang mga takot ko sa ibang bagay ay isa ring magandang bagay, ngunit sa ngayon wala pa'kong oras upang intindihin ang mga ugat na'to. Abala pa'ko sa pagkabisa ng mga numero ng kaibigan ko.

*
Random thoughts, here they come.

Yun lang naman. Teacher Pia, wag ko na kaya ipass hard copy? haha ito nalang o. May side comments pa. hahaha sabaw

Darating ba tayo sa puntong 'yon?

Kasalanan na ba 'to?

Nagguidance interview ako kanina tapos sabi niya masasabi ko bang 100% M.E. ang puso ko. Sabi ko, tipong hindi ko masasabi 'yan, pero kung titignan ko ang ibang options parang gugustuhin ko nalang din magstay. Tapos tinanong niya kung naaalala ko raw ba yung dahilan ko kung bakit M.E. pinili ko. I seriously stuttered in this part, dahil ewan nahihiya ako 'pag pinag-uusapan 'to. Baka kasi di nila maintindihan. Kung handa kang umintindi't usiserong talaga, tanungin mo nalang ako 'pag tayo'y nagkita. At dahil napag-usapan na rin namin kung bakit ko napili ang M.E., napahapyaw kami sa kung ano raw ginagawa ko when the going gets tough, para makaraos sa mga hassle at stress. Sabi ko pinaaalalahanan ko lang ang sarili ko sa dahilan ko kung bakit ba'ko nandito. Bakit ko ba ginagawa 'to. Tapos sabi niya ayos daw yon. Tas namention niya yung 5-step plan na binanggit sa isang movie ni Toni Gonzaga't Sam Milby. Have a goal, alamin kung bakit mo 'yon ginagawa, something, something, have fun. Tinanong niya ko kung ano raw ginagawa ko para naman magliwaliw. Destressor daw, ano. Sabi ko,

uhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

sulat lang po. tsaka tulog.

And then her face had this expression-- "My point exactly."

Saturday, January 10, 2009

Parang Kill Bill lang.

Anupa't kung minsan, higit pang maginhawa ang pagdukot sa sariling mata
-Oriental ni Rio Alma

Mahirap talagang mabuhay sa mga panahon ngayon. Minsan gusto na lamang nating kumawala sa mundong ito; saktan ang sarilit't dukutin ang mata: gumawa ng bagong dimensyon, mamuhay sa isang ilusyon, kalimutan ang batas at maging malaya nang lubos.

Ngunit kaakibat nito ang pag-iwan sa lahat, ang pagputol ng bawat ugat, ang pagluha mo ng dugo, ang kawalan ng iyong paningin.

Karapat-dapat ba ang iyong ilusyon sa ganoong sakit? Handa ka bang dukutin ang iyong mga mata?

Nagsasayang ng oras

Ang tanging bagay na laging nariyan--bakit iyon pa ang madalas na inirereklamong kulang? Wala akong oras. Pa'no mo gagamitin ang oras mo? Pwede ba'kong makabili ng oras? Ang dami kong gustong gawin. Gusto kong manood ng Curious Case of Benjamin Button. Gusto kong magbasa. Gusto kong magsulat ng tula. Gusto kong matulog nang buong araw. Gusto kong maintindihan ang math. Gusto kong maintindihan 'tong Oriental. Gusto kong malaman kung aabot ba tayo sa ganu'n. Gusto kong malaman mong nasaktan talaga ako sa sinabi mo. Gusto kong maging masaya. Gusto kong maging masaya. Gusto kong maging masaya. Sino ba'ng hindi, diba?

*

Nag-aanalyze ako ngayon ng tula kasama ang isang kaibigan. Wala akong Fil ngayon. Ang hirap lang gumawa ng isang bagay na gusto mo talaga tapos ang sama sa pakiramdam pagkatapos kasi iba naman ang dapat mong ginagawa. Nagsasayang ako ng oras...nasasayang nga ba?

Friday, January 9, 2009

Saludo kami sa'yo, boy!

Kami = Miko at ako

House warming kasi ngayon dito sa bahay at birthday ni Nathan kahapon kaya may party. So andito ang lolo't lola ko, (dad's side) grandpa't grandma (mom's side), 3 kapatid ni mommy and their partners and kids, 2 kapatid ni daddy and their partners and kids, some family friends and lotsa lotsa people.

Tapos dumating ang boyfriend ni ate. Medyo bago kasi ang kanilang relasyon. At andito siya! Lagot na sa sala!! haha Kaya naman, saludo kami sa'yo, Ja! haha


Halata bang bored ako? haha

Stalling

Dahil supposedly may pasok ngayon, asa school ako dapat ngayon, nagssophomore's day (do I hear a woohoo?). Pero dahil likas na tamad naman tayong lahat, nagpapakawalang kwenta ako. haha Naalala ko lang ang mga inside jokes (kung joke ba ang matatawag dito) 'pag may pasok. 'Di naman kasi natin mapigilan kung nabuburyong na tayo sa klase kaya gumagawa nalang ng mga joke galing sa lesson.

Psych:

Are you a neutral stimulus? Cause you're so unassociated.

Eco:

I am so not on the PPF curve.

Accounting:(or Sir Darwin)

But that's so inefficient! (!!!!)

SA: (Inside jokes, sorry Chez haha)

WMG!!!

'Wag maglalaro sa Valley Golf. Andun si Chez. Hahahahaha

Tayo'y magpaputok at protektahan ang sarili gamit ang gloves!

Math: (wala pa naman ata sa 22 kaya yung mga past math lang)

Ha?! Ano?! =))

Ikaw ba si EJ?

Ano'ng gusto kong gawin uli?

RICE!

Fil11:

Ang laki ng pikhukhu mo! (gamitin ang "salita" sa kung anumang naising paraan.)

Botany: (lab and lec)

Botany na! Tan Gana pa! (read as botanina tangana pa)

18 ka na?

Gusto mo rin ng emperor's grade?

Root teep

Patingin nga ng root tip mo!

Pare ba't may nagvibrate!!!!!
=)) =)) =))


Thursday, January 8, 2009

flutter

a pair of almonds,
you wish to find;
a pair of almonds--
beneath the wings they hide.


*

Mukhang maraming tinatago ang mga tao ngayon. :-? Intended to write a longer one and in Filipino, but I didn't find words that'd fit well with the imagery.

Wednesday, January 7, 2009

Day 8

Wow. Umabot ako ng 8 days. Akalain mo yun? Hanggang anim lang ata ang mga series na ginagawa ko noon.
  • cut ng SA
  • Special Tamarind at Special Spicy Tamarind!
  • 27 pieces Chris Tiu nuggets (with friends, of course. pero sayang ang powers nito [swerte ako sa exams 'pag kumakain ako ng marami nito] dahil wala naman akong nalalapit na exam.)
  • Kevin Pua. Wala na atang ibang taong may kayang magpasaya sa kung sinumang taong pakalat-kalat sa ibabaw ng mundo. SO tell me do you wanna fly~
  • Math aral. We were kinda productive!! hahaha
  • Help with Jescia's accounting. I'm just so glad I still remember stuff. haha
  • 'Yong fog sa Ateneo at sobrang ganda talaga. Ang dreamy ng itsura, tas may isang bright star pa kaya woohoo wish away! :)
Pero siyempre dahil end na'to ng Ligaya series (ano raw?!) I'd like to add something else. Dahil balita ko (ideally), ang tunay na masayang tao ay iyong maski santambak na ng problema't kung anu-ano pa ang dumating sa buhay ay masaya pa rin. Ang ilang mga bagay na nagpabad trip sa araw na'to
  • 40minutes-late na pedicab
  • cut ng SA
  • sakit sa paa ng p.e.
  • kami na ang susunod na magkcase sa accounting. Kinakabahan talaga ako.
So...I tag all people I know who can read, write and be happy! :D

Tuesday, January 6, 2009

Talaan

Day 6
  • bonding with Jescia Aquilizan
  • accounting LT. pero sa susunod dapat 'di na'ko kuntento rito
  • medyo naggets ko na ang math woohoo (keyword: medyo.)
  • sorry di ko na maalala natulog lang ako kahapon, which was also a good thing. Happy 10 pm!
Day 7
  • okay ang mga klase ngayong araw, altho majorly inaantok
  • pakikisabay ko Marvin Lim papasok
  • paghatid nina Charles sa'kin sa probinsya
  • Lechon Macau!
Tinatanong ako ng pinsan kong si Miko anong dapat niyang hingin for his 18th, altho never naman talaga kami yung mga tipong tinatanong kung anong gusto para sa birthday. We're still hoping, nonetheless. SO gusto ko na rin mag18~ hahaha

If my parents/friends would ask me what I'd like for my birthday, (IF, that is. random stuff.):
  • camera stuff--tripod, speedlight, lens, and a lomo cam dahil naiinggit ako kay miko. haha
  • books--bahala na kayo
  • tshirt
  • pera
  • payong
  • red alarm clock (yung old school)
  • external hard drive
  • everyday shoes
  • magandang ball pen. at isang magandang journal.
hahaha yun lang ho, salamat! :D HAHAHA parang ina-assume na bibilhin niyo e, no? pakinalang please. HAHAHA you have some 4months to save up for what, a payong! o di ba. ahha

Sunday, January 4, 2009

Na naman.

May naisip lang na naman ako. Lagi naman e. 'Pag dumating ang panahong 'di na'ko makaisip patay, maski humihinga pa'ko, itrato niyo na'kong patay. Or baka 'di rin at wala lang sa'kin dahil di na nga ako nakakaisip nu'n but anyway. Napanood ko lang kasi na may replica na ng poon ng Itim na Nazareno na dinala sa Cagayan de Oro para naman daw may poon na rin ang mga taga-Mindanao. Isang malaking kabalintunaan lang ito (irony sa Inggles, para sa mga nakalimot na ng kanilang mga natutuhan sa Filipino) dahil sa simula, nabuo ang relihiyon dahil naghahanap ang mga tao ng pagpapaliwanag lampas ang pisikal na mundo.

Ngayon, we've come full circle (pasensya, wala akong maisip na kawangis na kasabihan sa Filipino). Ginagamit na natin ang mga pisikal na kagamitan para sa relihiyon.

Sky Flakes

'Di ko maintindihan pa'no nabubuhay ang mga tao sa Sky Flakes diet. Hanep, nagawa 'to ng isang teacher namin sa high school at nakita naman ng lahat ang resulta. Pero grabe. Wala'ng kabusugan akong natamo sa ngayon. Masama ang tiyan ko kagabi pa at nasusuka ako 'pag naiisip kong kumain ng iba pa (o ipasok man lang ang iba pang bagay sa'king bibig tulad ng tubig at maski hangin) kaya naman Sky Flakes lang ang nakayanan kong kainin. At ngayon sobrang gutom na'ko. Gusto ko lang sabihin na please, 'wag na 'wag niyong gugutumin ang sarili niyo sa Sky Flakes. 'Di nakatutuwa. :|

Day 5 ng kasiyahan (mahirap 'to dahil literal na ganito ang mukha ko kanina. or mas maputla pero pwede na.)
  • ...wala e.

Makakatulog na'ko.

Kasi naisulat ko nang muli ang histo journal ko, at higit sa lahat dahil alam ko na ang tagalog ng salitang clue. Ikaw, alam mo? :D

Saturday, January 3, 2009

Tungkol sa mga pangalan at Day 4

Napanood na natin ang eksena, ilang milyong beses na:

Magsisilbi ang babaeng nagbebenta ng laman, gagawin ang trabaho at aalis nang walang binibigay na tunay na pangalan o walang binibigay talaga.

Bakit gano'n? Bakit kaya nilang ibigay nang buong-buo ang kanilang katawan ngunit ang simpleng salita--isang salita lang--na gasgas na halos sa pagtatawag ng lahat ng taong kilala nila e hindi nila mabigay-bigay?

Dahil ang pagbigay ng pangalan ay pagbigay ng karapatan sa taong tawagin ka, palingunin at patigilin sa iyong ginagawa. Kaakibat ng iyong pangalan ang lahat ng bagay na pinagtrabahuan mo mula ng iyong pagkabata. Sa pagbigay mo ng iyong pangalan, ipinakikilala mo hindi lamang ang taong kaharap nila kundi ang taong binuo mo sa maraming taong nabuhay ka sa mundong ito. Ikaw, kanino mo ibinibigay ang iyong pangalan?

*

Naalala ko tuloy na noon, nagcommute ako sa QC circle at 'di ko naman kasi alam kung sa'n ako bababa kaya sa harap ako ng jeep umupo. E medyo pala-kaibigan si Manong at iyong mapagbiro. Tinatanong ako kung sa'n ako nakatira, sa'n nag-aaral, may boyfriend na, tattoo raw ba yong peklat ko, at kung ano pang buhay ang meron ako. Lahat na tinanong niya, at siyempre pati pangalan. Pero 'di ko binigay ang pangalan ko. So sige biyahe. Tapos lumampas kami sa dapat kong pagbababaan. So parang shitty kasi di ko talaga alam saan. So ang ginawa niya, umikot uli siya. Nang libre! Ang bait ano? Nagsayang ng gasolina! haha Kaya naman pagbaba ko bilang kabayaran sa kanyang kabaitan binigay ko ang aking ngalan.

Nicole's the name. *wink wink*

Joke hindi gano'n. hahaha

*

Day 4 ng paghahanap ng kasiyahan!
  • spent the day with my the Carreon-de Vera's cause it's Tito Mar and Tita Lynne's wedding anniversary
  • we finally went out of the house.
  • Cheesecake,etc
  • Harry's world, Concert, Let's Go Around the World at Birthday ni Tarzan (although i'm not so sure if this really made me happy.)
  • may earrings na uli akong suot :D
  • makikita ko na ang mga tao tao sa school bukas! :D

Friday, January 2, 2009

Day 3

What made me happy today,
  • Unlitext. haha
  • microwaved mozzarella and basil leaves
  • some exercise
  • pagsasampay with ate :> :))
  • this poem:
    I don't just want
    your heart
    I want your flesh,
    your skin
    and blood and bones,
    your voice, your thoughts
    your pulse
    and most of all your
    fingerprints,

    everywhere.

    Nothing is more criminal
    than love,
    it steals hours from
    the day,
    dreams from my head,
    the sun
    from the sky,

    perhaps it shone today,

    I don't recall,
    I distilled all your words
    and made my own climate.

    Isobel Thrilling,
    English poet
  • http://crushes.tumblr.com
  • and you! of course, you :)

Histo # 3

Eto na naman po tayo. Pero pakituloy ang pagbabasa, sa tingin ko mas mahalaga ito kaysa iba. Hindi naman Histo heavy ito.

Lumaki tayo sa paniniwalang ang tao ang pinakamataas na uri ng hayop, at kasama tayo sa mga nakapasa sa pagsubok ng kalikasan. Survival of the fittest ang ngalan ng laro, at akalain mo kasali tayo sa final round...kalaban ang mga aso, daga at iba pang hayop, lalung-lalo na ang nangunguna sa laban--ang ipis.

Ngayong araw (supposedly, noon) ay napakilala sa'min ang isang teorya na ang mga tao ay sinwerte lamang sa laro ng buhay. Nagkataong nasa tamang lugar at panahon tayo kaya tayo nabubuhay hanggang ngayon. At kung itutuloy pa natin ang analohiya ng mga game show, lotto ang buhay and we hit the jackpot.

Pero sa kung ano pa mang anggulo natin tignan, mapa-survival of the fittest man o weather-weather lang yan, ang mga teoryang ito ay napaka-humbling. So much for being the top consumers in the food chain. Sakaling ang unang teorya nga ang tama, huli pa rin tayo sa isang lahi ng mga insektong nakikikain at nakikitira sa'tin. Oo, inaapakan natin ang mga (lecheng) ipis na iyon pero bilang isang lahi mas matagal na silang nabubuhay kaysa sa'tin at mas matagal pa silang mabubuhay sa'tin.

Kung sa pangalawa nama'y humbling pa rin ang ating pamamalagi sa mundong ibabaw dahil dito, wala sa'ting mga kamay ang kapalaran. Binigyan lang tayo ng isang shot, one long shot that is, at hindi ba't isang napakagandang bagay iyon upang ipagpasalamat at pahalagahan? Patuloy na gumugulong ang roleta ng buhay, at patuloy rin tayong naglalaro. Ngayong araw na ito (again, supposedly) napaalalahanan akong tumigil at pag-isipan kung tama pa ba ang laro ko.

(fin)

*

May malaking pagkakaiba ang lonely at alone. Nangungulila't nag-iisa. Pakiramdam ko nag-iisa ako ngayon. At nawawala. 'Di ako malungkot at lalong 'di emo. Lost lang. Pwedeng pakihanap ako?

Thursday, January 1, 2009

Para kay En

dahil natulak mo 'kong magsulat tungkol sa paghahanap. Haha at dahil naalala kong minsan ako ri'y naging bata.

Tagu-taguan

Nakailang ulap na ang dumaan.
Tinakpan, pinakita't muling pinakilala
ang buwan.

Umabot na'ko ng sampu,
oras na.

Nakailang ulap na ang dumaan.
Ilang kwagong nakatulog at
naalimpungatan.

Sinuyod ko na ang kakahuyan,
asa'n na.

Nakailang ulap na ang dumaan.
Ilang basong salabat na ang nainom
nang boses ay nawalan.

Naninigas na ang aking kalamnan,
hapo na.

Nakailang ulap na ang dumaan.
Ako'y umupo sa isang batong
kanina pa ako pinagmamasdan.

Ang dating naghahanap,
tago na.

Nakailang ulap na ang dumaan.
Hindi na mapakali ang kanina pang
kinakalinga ng likod ng puno.

At sa bilang ng tatlo,
"Taya ka!"

*

Napasubo ako sa pagtutugma ngayon.

Histo # idk at iba pa

Idk 'cause this is supposedly my last entry since Kama Sutra: A Tale of Love was were we stopped last year. (Parang ang tagal na a!), but I might add some more entries in between so yea. I honestly don't know what to write for the movie. It was predictable, clearly feminist ,and well, contained some nudity. All that is there to say about Kama Sutra and its role in the Indian society can be summed up in one sentence--it's more than sex. Now tell me, how do I extend that? Watch me try.

Magiging tapat ako sa inyo, wala talaga akong alam tungkol sa Kama Sutra. Ang tanging naabot lamang ng aking kaalaman noon ay ito ay isang bagay o kung anuman mula sa India at madalas nilang naiuugnay sa pakikipagtalik. Iyon lamang at wala nang iba, 'pagkat sa tuwing mabanggit man ito'y hagikgikan na lamang ang kasunod at mga alusyon. Wala nang pagpapaliwanag pa sa kung ano ito talaga.

Sa diskusyon sa klase at pagpapakilala ng pelikulang panonoorin, nadagdagan naman ang aking kaalaman ngunit hindi rin naman mahalaga ang aking nalaman. Dagdag lang na hagikgikan at ang matinong katagang bahagi ito ng kultura ng India't hindi siya porn. Iyon lang. Kaya naman dumating ako sa Faura nang hindi alam kung ano ang putaheng ihahain sa'kin.

Pagkatapos ng pelikula, iilan lamang ang napulot kong punto. Una, na malinaw na isang peministang pelikula ang napanood ko. Pangalawa, pinaaalalahanan ako ng pelikula ng katagang,

A broken heart is the world's greatest equalizer; it can bring even the strongest man on his knees.

Pangatlo, na ang Kama Sutra ay higit pa sa pakikipagtalik. Madali namang maintindihan ang una kong napulot sa pelikula--sa tingin ko'y hindi na kailangan pang pagtuunan iyon ng pansin ngunit para na rin sa completeness ang una'y pahapyaw na ring madadaanan ng sumunod na dalawa.

Kaya naman sa pangalawa ako magsisimula (Aba parang yung entries ko lang din!haha). Maliwanag sa tala ng panahon na ang pag-ibig ay isang napakamakapangyarihang bagay o--patawarin ang paggamit ko ng salitang ito--kagamitan. Marami na tayong narinig na kwento ng mga paggamit ng pag-ibig upang makaimpluwensiya ng mga tao't paminsa'y para rin sa pagkuha ng mga bagay na ninanais. Isang bagay na hindi naman dapat at mahirap tanggapin, ngunit katulad ng maraming katotohanan sa mundo ay nariyan na't wala nang magagawa pa. Isang bagay na napatunayan ng mga ito ay (at hindi ko alam kung isang magandang bagay ang aking sasabihin ngunit) at least ngayo'y mayroon nang bagay na makapagpapantay sa mga tao. Sa wakas ay mayroon tayong common ground, sa tingin ko, at iyon ay ang pangangailangang emosyonal. Lahat tayo'y vulnerable sa ganitong aspeto at nagkataon lang na sa aklat ng Kama Sutra'y natutuhan ng kababaihang gamayin ang aspetong ito.

Dito'y mararating natin ang aking pangatlong nahinuha na ang Kama Sutra ay higit pa sa mga inaakala ng karamihan. The fact na kayang maintindihan ang pelikula nang finoforward sa mga bahaging nagtatalik sila at kung ano pa man, na wala ang mga nosyong nakakabit madalas sa Kama Sutra, ay isa nang malinaw na katibayan ng kahalagahan ng Kama Sutra lampas sa inaakala ng karamihan. (Hindi ko na alam kung anong itutuloy dito...)

*

Kaya naman, mamaya na iyan. HAHAHA

Day # 2 ng paghahanap ng kasaysayan.
  • Halos natapos ko ang Kama Sutra journal entry ko para sa histo
  • Onti nalang at January 3 na hahaha
  • Binigyan ako ni Kev ng bagong kanta, Kundi Rin Lang Ikaw ng True Faith
  • Nakausap ko si Kev (enthusiastically!) about Eheads
  • Inintay ni Jordan maubos ang batt ko nung madaling araw
  • Leche flan!
  • Na-overhear ko ang kapatid kong nakikipag-usap sa lolo namin at naalala ko ang mga araw na kami naman ang nakaupo sa may tabi niya't nakikipagkwentuhan. Great times :)
  • Natulak ako ni En (sa pamamagitan ng kanyang sinulat din) magsulat ng isang bagong tula na mamaya-maya gagawin ko na

Histo # 1

Sinabi ko na sa entry na, Interesante na may mga bagay akong nahuli mula sa Hi16. Sinusulat ko ang mga linyang madalas ay mala-tula ang tema sa baba ng aking kwaderno. Naisip ko lang na deserving ang mga linyang itong gawan ng isang maikling journal entry. Tulad ng dati, ang mga nasa loob ng panaklong ay hindi isasama sa totoong histo journal at maaari ka nang tumigil dahil, oo, school-related ito. Altho I'm partly writing this because I want to and not because I have to.

Mahilig akong magsulat. Iyan na siguro ang isang bagay na 'di na kailangang tanungin pa sa akin. At especially inclined ako sa pagsusulat ng mga tula. Madalas kong makuha ang mga inspirasyon sa mga salitang nabubuo sa'king isip kapag nakakakita ako ng mga bagay. The rest of the time, sa mga sinasabi ng ibang tao ko napupulot ang mga sinusulat ko. Kaya naman nakagawian ko nang isulat ang mga katagang nakahuhuli ng aking atensyon, kasali na ang mga nababanggit sa loob ng klase.

Sa unang linggo ng histo, sa unang araw pa nga, ay nakahuli na'ko ng ilang mga linya at naisip ko lang na karapat-dapat silang bigyan ng isang entry:

Ang bawat segundo'y kinakain ng nakaraan.

Isang segundong reyalidad (referring to cameras and pictures).

Ngunit para naman sa layon ng journal na 'to ay sa unang pangungusap ko na lamang itutuon ang aking atensyon. Ang bawat segundo'y kinakain ng nakaraan. Pahabain pa natin, sa diskusyong iyon ay napag-usapan din sa kung paanong ang inaakala nating mahabang panahon ay gapiraso lamang sa tanang buhay ng mundo.

MALAKING PANAKLONG: isasali ko ang diagram na ginuhit ng guro namin.


ISARA ANG MALAKING PANAKLONG hehe katuwa ang salita, 'no? Panaklong, panaklong, panaklong!

Sa totoo lang, nakapanliliit ang katotohanang ito. Sa triviality ng ating panahon sa kasaysayan ng mundo, masakit isiping wala kang maiiiwan dito sa mundong ito, na parang tuloy lang ang ikot ng mundo--mawala ka man o hindi. At totoo naman, hindi magugunaw ang mundo sakaling mabawasan ng isang ikaw rito. Pinaigting pa niyan ang nabanggit kaninang pangungusap, Ang bawat segundo'y kinakain ng nakaraan. Para bang gahol na gahol na tayo sa oras. Para sa'kin isang masaklap at nakaka-pressure na katotohanan ang mga ito sa kadahilanang (at ito sana'y isang sikreto) pangarap kong maging isang taong maaalala ng kasaysayan ng tao. I refuse to be just a dot in the diagram you drew, ma'am. Kaya naman pinagtatrabahuan ko iyon.

(At umaasa akong kayo rin, gano'n. Friends, let's be more than just dots. Let's be exclamation points. Oha oha. hahaha sabaw na.)

*

Continuation of day1
  • Watched Juno and it was guhrreat! :D
  • Dumaan sina Tito Ronnie and his family, and Ate Ara brought her round baby. When I say round, I mean round. HAHA
  • Charles sms-ed and said he saw one of these sa kung nasaan man siya ngayon, I'm not sure if it's stil Singapore. :))
  • I'm done with my second (but first haha) entry for histo! woohoo