(para sa histo journal.)
Sa pagtalakay ng kasaysayan ng Tsina at Japan ay napansin ko ang isang nangingibabaw na tema--anumang ikot ang kanilang dinaanan, bumagsak ang dalawang bansa (at talaga namang lumagapak ang parehong bansa, lalo na ang Tsina) ngunit pagkatapos ng kanilang kahihiyan ay nakuha nilang bumangon muli at makabawi.
Nakakainggit lamang na bakit sa kaso nating mga Pilipino'y hindi pa yata natin iyon nagagawa. Madalas lumalabas ang mga usap-usapang ikinukumpara natin ang ating sarili sa mga katulad din nating bumagsak na bansa. Hindi ko na kailangan pang maglabas ng mga numero ngunit parati't parati na lamang tayong nahuhuli sa mga nasabing bansa. Hindi naman sa sinasabi kong kailangan nating lampasan ang mga bansang iyon pero ang bilis ng kanilang pagbangon ay talaga namang makapagpapahiya sa mala-pagong nating pag-unlad, at iyon ay kung mayroon man tayong pag-unlad.
Kung susuriing mabuti ang kultura ng dalawang bansa ay natatalakay ang kanilang pride. Para sa mga Hapon ay nariyan ang mga Samurai na karangalan ang pinakamahalagang bagay sa kanila. Sa kaso naman ng mga Tsino ay nariyan ang superiority notion nila sa kanilang sarili. Sa parehong kultura, ang mayroon sila ay ang pagmamalaki sa kanilang sarili't hindi pagpayag sa pag-apak sa kanilang dignidad. Oo, may mga panahong tumiklop sila ngunit hindi kailanman nawala sa kanilang mga diwa ang pagmamalaking iyon.
At ano naman ang mayroon tayong mga Pilipino? Konsepto ng hiya at pagpapakumbaba. Samahan mo pa ng utang na loob. Hindi naman sa sinasabi kong dapat nating palitan ang ating kultura; may mga ikinabubuti rin naman ang mga ito at mahirap naman talagang baguhin ang mga bagay na nakataga na sa bato. Pero hindi ba't mas masarap makita ang bansa nating bumabangon mula sa dumihan? Halimbawa, minsan kaakibat ng ating pagpapakumbaba ay iyong hindi na pagpapakitang-gilas at pagpapakita ng kung anong mayroon tayo. Marahil panahon na upang paminsa'y kapalan natin ang ating mukha and show them what we've got. Siguro pwede ring paminsa'y maniwala naman tayo sa kakayanan ng bansa nating maging magaling at anong malay natin, kapantay pa ng mga nasabing bansa. Don't even get me started with the issue of honor dahil talaga namang marami sa atin lalo na sa mga namumuno ang wala nito. Ang punto ko lang naman ay ganito--marami tayong matututunan sa mga bansang ito at marahil hindi tayo gaanong komportable sa mga ilang radikal nilang paniniwala pero sigurado akong mayroon somewhere in their teachings na makakatulong sa'ting makamit ang mismong kinaiinggitan natin sa kanila.

No comments:
Post a Comment