Saturday, January 24, 2009

Of wet beds, roaches and professions of love

Most painful memory--hiningi sa'min para sa Psych. Para malaman kung alin ang pinakamasakit kinailangan kong maghanap ng yardstick. Ano nga ba ang basehan ko ng pagkamasakit ng isang bagay. At naisip ko, malamang sa iyak ko na iyon makikita. Kaya naman inalala ko kung gaano kabasa ang unan ko at kamaga ang mata ko para malaman kung alin ang pinakamasakit na alaala.

At naalala ko, may panahong basa ang kama ko na para bang umihi na'ko sa kama, at namaga ang mata ko na para na'kong kinagat ng isang batalyong ipis. Joke lang.

Pagpasensyahan na ang pagbibiro, pero nahihirapan talaga akong magpinpoint ng isang alaalang masasabi kong pinakamasakit. Dahil sa Psych, may dalawa akong dahilang maimumungkahi.

Una, ang pagkaiyakin ko. Madalas akong tawaging ganito ng aming pamilya, dahil oo nga naman iyakin ako. 'Pag 'di ko magawa ang isang bagay, iiyak ako. At alam naman nating marami akong bagay na hindi alam gawin. (Alas! I digress. Kung naalala, nabanggit kong isa lang ang alam kong gawin, at iyon ay ang mag-aral kaya naman nakakadepress lalo ang curriculum vitae ko para asa JTA.) Kung nakikita niyo ako bago matulog, malamang madedepress (Did you know that there isn't any Filipino word for depression? Goes to show how happy we are as a people. See? We learn a lot from our language. Let's advocate it. Woohoo!) kayo. Call it twisted or what, pero kapag 'di ako makatulog, umiiyak ako para mapagod at makatulog. Ganu'n ako katagal umiyak. At ang pagpapaliwanag ko rito ay inuulit-ulit ko kasi ang mga masasakit na bagay sa isip ko kaya naman iyak na naman ako nang iyak. Rehearsal of short-term memory, ika nga.

Mabalik tayo sa pinag-uusapan. Ang pagkaiyakin ko ay isang hadlang sa pagtukoy ng pinakamasakit na alaala dahil lahat sila, para sa'kin ay masakit. Sa kung anong antas, hindi ko maalala at iyon naman ay pangalawa kong dahilan kung bakit 'di ko pa rin matukoy hanggang ngayon ang pinakamasakit kong alaala.

Disuse of long term memory. Dahil nga sa tinatawag akong iyakin ng karamihan sa malapit sa akin, pagkatapos kong ulit-uliting saktan ang sarili ko sa mga pangyayari ay mangingibabaw na ang rasyonal kong pag-iisip at sasabihing wala namang kwenta ang kung anumang pinag-iiyakan ko kanina. Kaya naman itinutulak ko palabas ng Koko's Memory ang mga iyon at voila! Wala na'kong alalahanin.

*
Ang isinulat ko sa itaas ay produkto ng aking pag-iisip sa kung ano talaga ang pinakamasakit na alaala ko. Kung kinakailangan kong magbigay talaga ng isang nasasalat na pagkakataon, masasabi kong iyon ay noong hindi ako kinakausap ng dalawa sa mga kaibigan ko--sabay pang nangyari ito. Masasabi kong ang dalawa kong kaibigang iyon ay sumisimbulo sa dalawang panig ng aking pagkatao (HINDI PO AKO ISANG CASE ng SPLIT PERSONALITY,thankyouverymuch.). Ang isa kong kaibigan ay siyang tinatakbuhan kapag may problema, ang isa nama'y kasama ko sa lahat ng mga panahong malakas ako--masaya, gago, at iba pa. Hindi ako kinausap ng aking soft-side friend dahil may ipinagtapat ako sa kanya na *ehem* alam na nating lahat kung ano. *wink, wink.* At ang tough-side friend, nakaaway ko dahil napahiya ko siya sa harap ng maraming tao. Nanghina lang ako dahil noon ko napatunayang ang buhay ko, nakadepende sa mga kaibigan ko. Bati naman na kami ngayon, at ang ipinagtapat ko ay hindi na nag-aapply. ;) :)) :D

**Paper officially ends here.

Hi Ods. Hi Tets. hahahahahaha Lahat na ng sikreto ko naibubulgar ko na sa mundo. Ohwell. hahaha

Target time to finish paper: 0700 hours
Time now: 0702 hours

Not baaaad! Now, Eco.JTA CV will have to wait. Mangchicheat nalang ako, di ko alam anong ialalgay e :))

No comments: