Monday, April 6, 2009

Jollibee Anonas


Kapag naghihintay ka nga naman nang higit sa tatlong oras, at natalo ka na ng ilang libong dolyar, nakapagpalipad ng ilang daang pahina, nakabili ng sandamakmak na samalamig at narindi sa iisang bata, wala ka nang magawa...

kundi tumunganga.

*

Nothing

is more painful than to watch an old man,

shuffling on his feet--

late for his meeting

with his favorite granddaughter,

painstakingly taking

each

step.

And then looking back,

after a hundred miles

(or so he thought)

he never went as far

as a single,

youthful step.

*
Nagbabasa ako ngayon ng aklat ni Sir Egay na "Walong Diwata ng Pagkahulog" na binili ko sa sarili kong pera (oo, pulubi ako ngayon) at nakatagpo ako ng MARAMING mga linya na para bang ang sarap i-highlight, o di kaya kopyahin sa papel. Wala akong papel kaya sa cellphone nalang.

Narito ang dalawa::

"Lahat, may hinahanap. Pero iba ang natatagpuan sa huli. Pero masaya pa rin sila. Lagi pa rin silang masaya."

at,

"May nasasaktan tayo sa simpleng katotohanan na narito tayo, nabuhay tayo, kahit wala naman talaga tayong intensiyong manakit ng iba."

*

Ayun lang naman. Magandang gabi!

No comments: