Sunday, February 22, 2009

Two Points

Naalala ko nung bata pa'ko (bagamat bata pa rin naman ako hanggang ngayon), may paniniwala kami na may katumbas na puntos ang iba't ibang klase ng pagdarasal. May scoring system, kumbaga. 1point ang recited prayer lang, 2points kung ikanta mo at 3points kung ikanta't may pa-action-action ka pang nalalaman.

'Di ko alam kung yung 3points totoo, pero para sa'kin kaninang nagsimba kami, doble talaga ang nakukuhang benepisyo ng pagkanta ng dasal. Oo, kumakanta ako kanina sa misa. May papiyok-piyok man iyong kasama, alam ko sa sarili ko na nabababad ako sa ibig sabihin ng mga sinasabi ko.

At lagi, lagi talaga, nagkakaroon ng puntong saturated na'ko sa naaabsorb ko sa mga kanta.

Sa mga puntong iyon, umiiyak na lang ako sa simbahan. Mahirap-hirap din kasi magtatanong na naman ang mga magulang ko kung bakit ako umiiyak at gagawa pa'ko ng eksena do'n kaya onting pigil, ipikit na lang at tumingin sa taas para 'di tumulo.

Masakit sa lalamunan pigilan ang luha. Hindi ako nakakahinga 'pag ginagawa ko 'yon. (Kayo ba?) Pero masarap na sa hapong ito, umiyak ako dahil napuno ako ng pag-asa. Sa tanang buhay ko (at masasabi niyo na ring makasarili't mapagmataas ito) Diyos lang talaga ang nalalapitan ko 'pag may problema ako. Well minsan may mga taong nakakatulong din pero Diyos talaga e. Iba talaga 'pag Siya.

Masarap yung pakiramdam na iyong iyak mo dahil punung-puno ka ng pagpapasalamat at hindi iyong humahagulgol ka na't nagmamakaawang pansinin ka na Niya. For as long as I can remember I've been really sad this (acad) year. Don't ask me why; 'di ko rin alam. Pero yung pakiramdam na iba na yung pinag-uugatan ng mga luha mo, ayos e. Ayos na ayos. 'Di lang 2points ang nakuha ko sa pagkanta ngayong araw.

*

Mga naisip ko 'to kaninang nagsimba kami. Pero may mga bagay na nai-raise at isinulat ko pa rin 'to, umaasang maging masaya uli ako. Unfortunately...

**

Nabanggit na lang din na bata pa ako, ngayong araw na'to tatlong araw ang tanda sa'kin ni Odilon Mendoza Meneses Jr. Happy birthday.

No comments: