Saturday, January 3, 2009

Tungkol sa mga pangalan at Day 4

Napanood na natin ang eksena, ilang milyong beses na:

Magsisilbi ang babaeng nagbebenta ng laman, gagawin ang trabaho at aalis nang walang binibigay na tunay na pangalan o walang binibigay talaga.

Bakit gano'n? Bakit kaya nilang ibigay nang buong-buo ang kanilang katawan ngunit ang simpleng salita--isang salita lang--na gasgas na halos sa pagtatawag ng lahat ng taong kilala nila e hindi nila mabigay-bigay?

Dahil ang pagbigay ng pangalan ay pagbigay ng karapatan sa taong tawagin ka, palingunin at patigilin sa iyong ginagawa. Kaakibat ng iyong pangalan ang lahat ng bagay na pinagtrabahuan mo mula ng iyong pagkabata. Sa pagbigay mo ng iyong pangalan, ipinakikilala mo hindi lamang ang taong kaharap nila kundi ang taong binuo mo sa maraming taong nabuhay ka sa mundong ito. Ikaw, kanino mo ibinibigay ang iyong pangalan?

*

Naalala ko tuloy na noon, nagcommute ako sa QC circle at 'di ko naman kasi alam kung sa'n ako bababa kaya sa harap ako ng jeep umupo. E medyo pala-kaibigan si Manong at iyong mapagbiro. Tinatanong ako kung sa'n ako nakatira, sa'n nag-aaral, may boyfriend na, tattoo raw ba yong peklat ko, at kung ano pang buhay ang meron ako. Lahat na tinanong niya, at siyempre pati pangalan. Pero 'di ko binigay ang pangalan ko. So sige biyahe. Tapos lumampas kami sa dapat kong pagbababaan. So parang shitty kasi di ko talaga alam saan. So ang ginawa niya, umikot uli siya. Nang libre! Ang bait ano? Nagsayang ng gasolina! haha Kaya naman pagbaba ko bilang kabayaran sa kanyang kabaitan binigay ko ang aking ngalan.

Nicole's the name. *wink wink*

Joke hindi gano'n. hahaha

*

Day 4 ng paghahanap ng kasiyahan!
  • spent the day with my the Carreon-de Vera's cause it's Tito Mar and Tita Lynne's wedding anniversary
  • we finally went out of the house.
  • Cheesecake,etc
  • Harry's world, Concert, Let's Go Around the World at Birthday ni Tarzan (although i'm not so sure if this really made me happy.)
  • may earrings na uli akong suot :D
  • makikita ko na ang mga tao tao sa school bukas! :D

No comments: