Alam niyo, nung bata ako, maldita ako. Binabangga ko mga batang babaeng mas maganda ang damit kaysa sa'kin. Nakatiklop pa ang aking mga bisig at sabay irap. Maski sa simbahan, 'di ako makikinig sa misa. Titignan ko nang masama ang grupo ng mga bata sa likod ko--oo, tatlo sila't isa lang ako. At sa tuwing magsusumbong na sila sa kanilang ate, ay magkukunwari akong walang ginawa.
May panahon pa noong may isa akong busmate na ayaw nang sumakay sa school bus namin dahil laging masama ang tingin ko sa kanya. Imagine-in niyo na lang na kinailangang kaladkarin siya ng kanyang nanay papunta sa bus. Oo, literal na kaladkad.
Maski mga sanggol kinaiinisan ko.
Bakit ko ba sinasabi 'to? Dahil noon lagi kong hanap ang atensyon. At hindi pwedeng mahati iyon. Lahat ng bagay na meron ang ibang tao, kinaiinggitan ko.
Ngayon hinihingi ko sana atensyon mo; at kinaiinggitan ko siya.
I'm betting my ass you won't be able to read this. As usual.
Syempre ang taong mahal mo gusto mo masaya sa piling mo, 'di ba? Masakit makitang mas masaya siya sa company ng kahit sino kaysa sa'yo.

No comments:
Post a Comment