Saturday, January 17, 2009

Laging handa

Napag-usapan kanina ang pagkamatay (actually, ang pagpapakamatay) at naalala ko lang na dumaplis sa utak kong handa na'kong mamatay. Hindi naman sa paraang gusto ko na kayong iwang lahat, naisip ko lang na wala na ngayon ang takot ko dating mawala sa mundong ibabaw nang walang naiiwang bakas. Patawarin ang pagkamahangin pero pakiramdam kong may naiwan naman na'ko sa mundong ito, maski pipiranggot. Pakiramdam ko may nahatak naman na'kong lubid sa kung saan na pwedeng makatulong na rin. At saka, may internet na...Nakasave na ang mga bagay-bagay at baka sakaling sa hinaharap may makabasa nito, maisip oo nga, at "buti nalang may nabuhay na Koko". Handa na'ko sa tingin ko. At may isa pa'kong dahilan pero akin na lang din iyon.

Ikaw, handa ka na?

*

Accounting case na sa Huwebes at papetixpetix lang ako. Natulog lang kagabi, nanood ng t.v. kanina. Pero ngayong araw na'to masasabi kong mas marami pa'kong natutunan kaysa pag-upo nang buong araw sa harap ng guro. Sira na naman multi ko, btw.

No comments: