Saturday, March 14, 2009

The Last Piece

Sa pagbuo ng isang puzzle, may mga piraso tayong inuuna--iyong mga siguradong sulok. Madaling hulaan kung iyon ay sa taas o sa baba--asul para sa langit o minsa'y sa ilog; luntian para sa damo o mga bato para sa sahig.

At meron din namang iyong habang ipinagpapatuloy natin ang pagbuo ng puzzle ay iniiwanan muna natin. Magkakahalong kulay at hugis na ang meron ang mga ito. Magkakapatong na kulay, at walang straight edges na pwedeng isiping sa sulok o gilid sila lulugar. Matagal bago mailagay ang mga ganitong klaseng piraso, at sa paggawa pa nga ay mahirap.

Mahirap dahil may mga preconceived criteria na tayo sa mga puzzle pieces. Tulad nga ng sabi ko kanina, straight edges para sa mga sulok at gilid at mga kulay na nagsisilbing clues sa kung saan sila lulugar. Kaya naman kapag naharap na tayo sa mga puzzle piece na hindi nami-meet ang kahit ano sa mga criteria na binuo natin e nawiwindang na tayo.

Para solusyonan ito, binubuo natin ang gilid palabas. Inaayos muna ang iba pang mga bahagi para magkasya ang huling pirasong iyon. May mga pagkakamaling magagawa, frustrations at iba pa.

Pero kapag panahon na upang ilagay ang huling pirasong iyon, malalaman nating kaya ito, at swak na swak pa nga.

:)

No comments: