(para sa histo journal. pakibasa kung may oras.)
Background para sa mga hindi nakakaalam:
Talamak sa kasaysayan ng Tsina ang mga bumabagsak sa Civil Service Exam--ang tanging paraan para umangat ng estado ang karamihan sa kanila. Sa pagpasa ng mga nasabing pagsusulit, ay nakabibili ng ticket patungo sa mas magandang buhay hindi lamang ang taong pumasa kundi ang kanilang buong pamilya.
At tulad ng lahat ng iba pang mga pagsusulit, may bumabagsak.
Dahil sa kahalagahan ng mga nasabing pagsusulit sa buhay ng mga kumukuha nito, lalung-lalo na sa mga bahagi ng middle-class at pababa, ang epekto ng pagbagsak sa isang bagay na buong buhay nilang pinaghandaan ay talaga namang matindi. Marami sa kanila ang naging depressed sa situation--uminom, nagpariwawa at kung anu-ano pa. Mula sa mga naging lasinggerong ito ay makikilala ang marami sa mga nag-udyok ng mga pesanteng rebelyon sa Tsina. Ang mga unang pesanteng rebelyon ng Tsina ay pinamunuan ng mga nabigong nakapag-aral na may pansariling dahilan kung bakit sila nagtipon ng mga iba pang may pansarili ring intensyon upang maghanap ng pagbabago.
Simula na talaga:
Naisip ko lang, paano kung ang lahat ng ating mga bayani ay gayon? Hindi naman sa sinasabi kong wala tayong mga ganun sa kasaysayan ng Pilipinas, (patawarin kung aki'y nakalimutan ngunit) may isa sa kanila kung tama ang aking alala na nagsimula ng himagsikan dahil hindi nailibing nang tama ang kanyang kamag-anak. At paano nga kung ganoon nga silang lahat? Paano kung katulad ng mga bumagsak sa Civil Service Exam ang mga taong pinagtayo natin ng mga rebulto sa bawat kalyeng nakapangalan din sa kanila ay mga makasariling mga gagong inuto lang ang iba upang makamtan ang mga pansariling mithi o plano sa paghiganti. At ano nalang ang pagiging bayani? Kung totoo ngang ang mga nasabing bayani ay may pansariling hangarin lamang kaya nila nagawang manghikayat ng iba, tila bagang hinubaran ng magarang damit ang pagkabayani.
O ganun nga ba?
Marahil magandang bisitahing muli ang kahulugan ng pagkabayani. Matatawag bang bayani ang mga may pansariling hangarin lamang? O di kaya ang mga taong biktima lamang ng pagkakataon kung kaya't nagawa nila ang mga iyon? Sa'king pagsusulat nitong entry na'to ay napatigil ako sa mga pangungusap na iyon; iniwanan ko muna ito dahil hindi ko pa talaga alam kung anong isasagot. Nakakalito nga namang isipin na halimbawa ang taong sumagip sa'yo ay ang taong nakasakit din ng iba. At mahirap isipin kung dapat nga bang pasalamatan ang mga ganoong tao.
Hanggang sa nakausap ko ang isang kaibigan tungkol sa kanilang proyekto (Hello Cocoy). Hiniram niya kasi ang mga CD ko ng Eraserheads at kamakailan lamang niya ipinaliwanag na gumawa raw sila ng dokyu tungkol sa Eraserheads at pagkabayani.
Natawa na lang ako. Fan ako ng Eheads, pero pagkabayani? Sabi ko sa sarili ko, sa mga tao siguro, oo. Pero dun sa mga taong nasa loob nito, walang halaga gaano ang Eheads; hindi na ako magbabanggit pa ng kung sino sa kanila. At habang inirereklamo ko ito sa kapwa fan ko, habang binobomba ko rin siya ng mga tanong na gumugulo sa isipan ko, ay nasagot ko rin ang mga sariling tanong. Para sa fans, oo. Para sa Eheads, hindi. Naintindihan ko na ang pagiging dakila ng pakay o ng mga bayaning ito mismo ay hindi na mahalaga. Mga simpleng tao lang din ang mga ipinagtayo natin ng rebulto. Katulad lang natin sila at kung tutuusin may posibilidad na mas mabuti(very relative and subjective) pa tayo sa kanila.
Pero wala sa tao ang pagkabayani kundi sa gawa. Ang mga rebultong itinayo natin ay bahagyang pag-alala sa mga taong gumawa ng pagkabayani pero higit pa riyan, itinayo ang mga rebultong iyon upang paalalahanan tayo at gunitain natin ang pagkabayaning ginawa nila--sa pag-asang mauulit din natin ang mga iyon, bagamat hindi tayo ang inaakala nating matatawag na dakila.

No comments:
Post a Comment