25 random things about me.
- Gusto ko ng something ngayon, pero hindi ko alam kung ano kaya wala rin.
- May hinihintay akong mangyari.
- Sa nunal sa kaliwang tuhod ko ako natuto kung ano ang kaliwa at ano ang kanan.
- Takot ako sa anumang hayop na ilapit mo sa'kin lalung-lalo na sa daga.
- Gusto ko sobrang pumunta sa Eraserheads reunion concert.
- Iniyakan ko ang number 5.
- At halata naman sa number 6, iyakin ako.
- Mahilig ako sa atensyon.
- Wala akong org na active ako. Ni isa.
- Miss ko nang magsulat.
- Mahalaga para sa'kin ang pagsusulat ko.
- Wala akong flip-flops o tsinelas na panlabas.
- Lahat na ata ng jug ko nung grade school, nawala 'ko.
- Umiyak ako sa hallway ng grade school namin dahil natapon ang juice ko at bumulyaw ng "juice ko!" nang ilang beses din.
- Malakas ang kiliti ko sa (hindi ko na sasabihin saan para 'di abusuhin.)
- Mataray ako.
- Masama ang pakiramdam ko kung wala akong ginagawang produktibo.
- Wala akong pulang tshirt.
- Madalas malakas ang memorya ko...Kaya minsan masama ang loob ko 'pag 'di tinutupad ng mga tao ang sinasabi nila.
- Iba na'kong tao sa kung sino ako nung high school.
- Gusto ko ang kulay dilaw.
- Nagagandahan ako sa wikang Filipino.
- Marami akong gustong gawin. at duwag akong gawin ang mga iyon.
- Tumuntong lang sa 90lbs. ang timbang ko sa kolehiyo. Pero ngayon, less than 90 uli.
- Madalas kong isinasabuhay ang SIR o smooth interpersonal relationship.
No comments:
Post a Comment