Kahapon sa pagcommute ko sa jeep, nakasabay ko ang isang bata. Taga-Miriam grade school siya at mukhang first time niyang magcommute. Kasama naman niya ang kanyang yaya pero halatang kabado siya. Pagkaupo niya sa jeep, humarap siya sa bintana't patagong nag-sign of the cross. Nakita niya atang nakita ko ang ginawa niya, at parang nag-alangan siya. Para bang nahiya sa ginawa.
Sa likod ng isip ko, binulong ko sa kanya. Ayos lang matakot. Ayos lang magdasal. Ayos lang kabahan. Ayos lang na makita ka nilang nagssign of the cross. 'Wag kang mahiya. Magiging okay rin ang lahat.
Pero 'di ko yun nasabi sa kanya, malamang.
Napag-isip-isip ko lang sana may nagsabi rin sa'kin ng mga salitang iyon noon. Sana 'di siya mag-end up katulad ko. Sana may magsabi rin sa'kin nito. ('Wag niyo nang sabin ngayon, dahil parang beats the purpose na dahil sinabi ko nang sana sinabi niyo 'yun.)

No comments:
Post a Comment