Okay. Supposedly, these are written shortly after the discussion. Di naman namin alam kaya eto, ngayon palang sinusulat. HAHA Siya nga pala, #2 ito dahil may mauuna pa dapat dito dahil supposedly nga chronological din ang mga entry pero dahil ito na ang una kong naisip, ito na rin ang uunahin kong simulan.
May nakagawian ang mga nagdedebate sa paghahanda nila sa kanilang mga talumpati. Mahilig silang tumingin sa lahat ng aspetong pwede silang atakihin kaya naman sa kanilang paggawa ng mga punto ay kinakalaban nila ang mga ito at sinusubukang depensahan ang kanilang punto at kakalabaning muli ang depensang iyon (sandali nahilo ata ako roon) hanggang sa makuntento na sila sa kanilang makukuha.
Bakit ko sinasabi ito? Dahil maya-maya'y ibabahagi ko ang maikling pagdedebate rin ng aking utak kagaya ng inilalarawan ko kanina.
Ngayong araw (hahahahaha) ay tinalakay sa klase ang kahalagahan ng kasaysayan. Sa'king pagkakaintindi, ang pinakapinupunto ng guro ay kailangan ng kasaysayan upang tayo'y maging maingat sa paggawa ng komento at hinuha sa ibang mga tao. Binigay na halimbawa ang talamak na kultura noon--o hanggang ngayon ba? ng mga Hapon na pagpapakamatay.
Dito na ako nagkaroon ng pagtatalu-talo sa sariling isipan. Sa totoo lang gusto ko nang itaas ang kamay ko noong ginamit ng guro ang pagpapakamatay bilang halimbawa dahil sabi niya hindi natin ppwedeng sabihing makasalanan ang pagpapakamatay ng mga Hapon kesyo Kristiyano tayo't may ganoong paniniwala. Bakit? Dahil kultura nila iyon, may mga sariling kadahilanan at pinag-uugatan ang kanilang tradisyon. Nararapat lang na respetuhin natin ang kanilang kultura. Ibababa ko na ang aking kamay, sige hindi ko na itataas ang kamay ko.
Pero sandali. Kultura rin natin ang maniwalang makasalanan ang gawaing iyon. Ibig sabihin, may kultura na tayong pahahahalagahan? Hindi naman yata maaari iyon. Itataas ko na ang aking kamay.
Buti nalang hindi ko naituloy. Ngayong sinusulat ko journal na ito, gusto ko sanang itanong. Sapat at maaari na bang pagpapaliwanag na ang paghusga ng kultura ay doon lamang sa mga nasasakupan nito? Halimbawa balikan natin ang pagpapakamatay. Mga Kristiyano lamang ba ang matatawag na makasalanan dahil sila lang din naman ang naniniwalang makasalanan ito? Hanggang saan aabot ang ganitong paniniwala? Dahil paano na lamang kung ang kultura nila ay nilalabag na ang pinaniniwalaan nating karapatang pantao? Anong linya ang naghahati sa'ting pagrespeto sa kultura at pagpapabaya sa kapwa?
*
Gusto ko lang linawin, hindi ako gaanong pabor sa pagtrato ng pagpapakamatay bilang isang kasalanan dahil alam naman nating sa Sikolohiya o pwede ring SA na maaaring hindi lang iyong taong iyon ang may kasalanan kundi ang pumapaligid o buong lipunan na rin.
**
Nabasa ko kasi sa blog ni Rap na ginagawa niya e naghahanap ng kasiyahan sa loob ng walong araw--sunud-sunod, walang palya. At dahil napag-usapan namin na may two steps na sa How to be Happy na ang sumusunod,
1. Choose to be happy, and
2. Find things that make you happy,
ni-tag ko na rin ang sarili ko. Kaya naman para sa unang walong araw ng taon ay maghahanap ako ng mga bagay na magpapasaya sa'kin.
Ngayong araw, at alam kong hindi pa ito tapos kaya mamaya titignan ko kung may maidadagdag ako, nagpasaya sa'kin ang:
- Labindalawang oras ng tulog nang hindi sumasakit ang likod o ulo
- Masarap na broiled chicken ni inay, ang tagal ko nang 'di nakakakain noon
- Mashed potatoes
- Nakatapos na ako ng isang journal para sa histo
- May mga okay na pictures ng fireworks galing sa kagabi :D
- Napanaginipan kita :D