Thursday, November 27, 2008

Bago matulog

Pinakinggan ko ang palatak ng aking relo
at ang naisip ang pag-iling-iling nito.

Bawat segundo'y nauubos,
kinakain ng nakaraan
.

Sa inis,
tumakbo ako papunta sa isang pader,
inaasahang ang ulo'y mababagok at babagsak.

Ngunit hindi nangyari ang inaasahan--
napunit lamang ang pader at
isiniwalat ang isang katotohanan.

Isang mundo sa labas ng
dito.

Malinis ang mga linya,
at puro puti ang aking nakita.

Doon, Siya'y aking nakita.

May mga panukat at panulat...
may mga plano't kung anu-ano pa.

Mga makina,
pagawaan ng ano?

Nakita ko ang isa,
aba'y akin itong lapida.

Nakwadro ka. Nakwadro ako:
inakalang ang mundo'y iyong-iyo.

Tumindig ang balahibo.

Takot?

Hindi--bahagi ng Kanyang palabas:
pagbatak ng iyong mga sinulid upang ika'y umindak.

Nakwadro ka. Nakwadro ako:
inakalang ang mundo'y iyong-iyo.

At ang lahat ng lahat ay hindi namang talaga,
at ang tinawag mong akin ay hindi kailanman.

*

Altho it is quick to assume that those capitalized words refer to God (or some other religious figure), that is not my intention. Just clarifying.

*

HISTO GAH.

No comments: