Tuesday, November 18, 2008

Today was a great day.

Unang-una dahil sa magandang kalangitan kaninang lumabas ako para pumasok sa paaralan. Alam niyo yun, yung kitang-kita ang bughaw at ang puting sumasayaw pa para lang pansinin mo pang lalo. Dagdag pa riyan, walang kailangang basahin para sa SA bukas kaya magkakaroon ako ng oras upang magbasa, magsulat, matulog o mag-aral pa nga! Hahaha. Nakasama ko pa ang isang kaibigang matagal ko nang 'di nakikita. Pero sa tingin ko, ang pinakaugat nito ay ang pagpili kong magiging isang magandang araw ito. Nung nakita ko iyong mga ulap, sabi ko, Today will be a great day. Ngayong araw pinili kong maging masaya, at masaya ako nga'y naging.

*

Balak daw nilang dagdagan ang mga taon para sa pag-aaral. Isa para sa Kindergarten, isa para sa mababang paaralan (grade 7). Kung iisipin natin 'yan sa konteksto ng eco..is the marginal cost less than the marginal benefit? Kung ang sagot diyan ay oo, sa tingin ko dapat ngang ipatupad ito PERO ayusin naman muna nila ang sistemang sa ngayon ay iniimplementa. Ang pagdagdag ng mga taon sa pag-aaral ay nangangahulugang dadagdagan nila ang mga silid-aralan na siyang ngayon pa nga lang ay kulang na kulang na. Isama mo pa ang dagdag na gastos sa pagssuweldo sa mga guro. E sa ngayon pa nga lang e ngumingiwi na ang mga kulang-ding guro. Ayusin niyo muna bago gumawa ng bagong problema!

Happy, shalalala. hahaha sabaw :|

No comments: