Kamusta ka, tao? Ano ang iyong ginagawa? Naalala ko lang, noong sa harap ng libreng oras, ika'y nagtaka: ng kung anong pwedeng magawa. Gayon pa rin naman ngayon. Pero sa tingin mo, ang pag-upo sa harap ng isang kahon buong araw habang naghihintay na mamula ang mata sa lahat ng mga ilaw at imaheng dumaraan, ang pagpindut-pindot sa kung anumang laruan, ang pagpapataba't pagpapagaang-muli ay singhalaga ng pagtataka ng sa kung saan nanggaling ang mundo, ng pagbuo ng bagong sining, ng pagtuklas sa mga bagong bagay? Sayang ka, tao. Sayang ang oras mo.
Thursday, November 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment