O minsa'y kilala bilang padyak. Iyan lamang ang transportasyong available sa village na nilipatan namin. Bawal ang tricycle kasi maingay. Tama nga naman. Kani-kanina lang ay nasubukan kong sumakay rito (dahil ngayon lang din ako nagcommute pauwi; hindi siya sinsama ng iniisip ko pero ibang kwento na iyon). Una kong napansin ang lolong maghahatid sa'kin. Funky ang kanyang hair. Ayos, sabi ko. Sunod kong napansin ang upuan. Aba ayos, maluwag. At nang aking pag-upo, komportable. Ayos na ayos talaga. Nang sinimulan nang pumadyak ni lolo ay natuwa ako dahil banayad ang paggalaw nito. Sinamahan pa ng malamig na simoy ng Disyembre. Makakatulog na ata ako, ika ko. Dalawa kaming nakasakay sa pedicab. Dalawa kaming ihahatid ni lolo at sinasabi ko sa inyo, malayo ang street namin. (Nasa kadulu-duluhan.)
Nang lumaon, pasakit nang pasakit ang imahe ni lolo sa pagpadyak. May mga taong ang kalamnan sa binti, defined. Yung kay lolo, parang bato--ang salitang pumasok sa isip ko ay chiseled. Parang kwadrado na ang mga gilid ng muscle niya. Malamang dahil sa dami ng mga hinahatid niya sa mga kabahayan. 'Di nagtagal ang malambot na upuan ay hindi na komportable. Ang katahimikan ay nakakabingi, at ang hangin pakiramdam ko gumuguhit sa baga ni lolo. Tinignan ko ang mukha niya, at hindi ko na kinayanang magtagal pa--inilayo ko na ang aking tingin. Minsan ko lang hilingin na sana mas magaan pa'ko sa timbang ko ngayon. Parang gusto kong ako nalang pumadyak para sa kanya. Pero hindi ko ginawa.
At nakarating na nga kami sa tapat ng aming bahay. Sana lolo, sapat ang limang pisong dinagdag ko sa bayad. Maligayang pasko. Saludo ako sa'yo.

No comments:
Post a Comment