Ginising ako ng kapatid ko nang pagkaaga-aga, tinatanong kung pwede ko raw siya samahan kunin yung report card niya. Syempre nainis ako dahil masungit naman talaga ako. HAHAHA At gigisingin ako, para 'dun? Kesyo wala si daddy, at 'di rin pwede si inay. May pasok naman si ate, kaya ako ang sunod sa pila.
Hindi ako pumayag pero mali ata ang dinig ko sa sinabi niya, hindi siya nagtatanong kung pwede ko siya samahan, sinasabi na niya na ako nga ang kukuha ng card. Buo na ang desisyon ng lahat at wala na'kong nagawa kundi tumayo sa kama at ipamukha sa lahat na masama ang gising ko. D:<
Kaya ayun nga at nagpunta na kami sa school nila. Malapit sa St. Luke's iyon at sa Quezon City Sports kaya naalala ko na naman yung birthday ni Roxy. Reminder number one. Tapos dumaan din kami sa harap ng Christ the King, at doon tumatawid si Mrs. Math--math teacher ko nung grade school, itago nalang natin siya sa ganyang palayaw para sa kadahilanang ipaliliwanag ko mamaya. Kasama niya ang isang batang nakauniporme ng HSS, mukhang galing First Communion. Naalala ko tuloy yung First Communion namin. Reminder number two.
Pero ang pinakamoving para sa'kin na alaala nung nakita ko si Mrs. Math ay ang unang alaalang dumating sa'kin nung nakita ko siya. Grade school ako noon, malamang. Ipinapaliwanag niya sa'king exempted ako. 'Di ko maalala kung saan ako exempted, pero exempted ako. Ako lang. Unang beses naipakilala sa'kin ang ideya ng exemption. Pakiramdam ko ang galing ko noon. Noon. At sasabihin ko sa'yo, ang sarap ng pakiramdam na maalalang noon, magaling ka. Noon, ikaw ang bida. Oo, banidosa na'to pero masarap nga talaga ang pakiramdam noon. Batukan na ang kung sinumang hindi aayon.
Ang sarap lang mapaalalahanan ng ganu'n pakiramdam. Lalo na't ngayon sa kolehiyo ay napapaligiran na'ko ng mga hebigat na mga mag-aaral. Nakakapanliit, seryoso. Nakakainggit na kayang-kaya nilang gawin ang lahat--acads at co-curriculars. Parang sa halos nangalahati ko nang buhay sa kolehiyo pakiramdam ko nanliliit ako. Sidekick, kumbaga. At masarap lang maalala na minsan, naging bida ako.
*
Tungkol kay Mrs. Math, hindi yung exemption ang una ko talagang naalala. Pangalawa lang iyon. Iyong una kasi medyo kagaguhan. Naalala ko lang na kada taon ata e buntis siya. Parang yung Mrs. Math din ng high school. Nagtaka tuloy ako, anong meron ang mga math teacher, ba't madalas silang mabuntis?
Maybe it's their urge to multiply.....
nyeee hahaha

No comments:
Post a Comment