...na nais kong ibahagi bago ako bumalik sa pag-aaral.
Iilang bagay lamang ang nakapagpapatigil sa'king mag-aral (yes, I'm that much of a geek) nang hindi masama ang nagiging pakiramdam--magagandang libro, magagandang palabas, magagandang usapan, magagandang panaginip (sa pagtulog). Kaya naman simula pa kaninang alas-otso ay nanonood ako ng mga video galing sa Why Not? Forum. Napukaw ng site na'to ang aking atensyon dahil naipakita sa ANI Acads GA noong Biyernes si Mr. Pagsi, isang guro sa Ateneo. Kung may oras kayo (at alam kong lahat ay mayro'n nito), panoorin niyo.
Nabanggit sa video ni Mr. Pagsi ang mga tanaga, kaya naisipan ko na rin gumawa tungkol sa isang bagay na nabanggit din niya sa video.
Sa aking huling kama
ay ayoko naman na
kumapit sa hininga't
sambiting, "Sana, sana."

No comments:
Post a Comment