A Christmas Post, at marahil para na rin sa katapusan ng taon. Salamat sa inyong pagsubaybay (sana) sa'king mga kabalbalan at kalokohan dito sa aking mumunting talaarawan. :)
Kapisanan ng mga Malamig ang Pasko
...o mas kilala bilang KMP. Naalala ko noon may Friendster group pa ang Kapisanang ito. Pasensya na sa matatamaan, kung ikaw man ang gumawa no'n. Haha.
Ang nasabing kupunan (yeees...parang sina Eugene sa Ghostfighter! haha) ay nagrereklamong malamig ang kanilang pasko--dahil sa alam naman nating lahat--kawalan ng taong pagbubuhusan ng init ng pagmamahal.
Hindi naman kailangang malamig ang pasko. (Malamig in that sense.) Kung may isang bagay akong natutunan sa taong ito, iyon ay ang buhay ay puno ng mga desisyon. Masasabi kong sa taong ito ko palang nakilala ang aking sarili sa paggawa ng mga desisyon. Nakita ko ang aking mga pinapahalagahan at ang mga bagay na handa kong bitawan. Hindi na'ko maglilitanya sa mga desisyong ginawa ko ngayon--parehong mga maipagmamamalaki at mga ibaon nalang natin sa limot pero bakit ko sinasabi 'to? Dahil ngayong taon--o kahit anumang taon--hindi malamig ang pasko ko. Hindi lang dahil sa nakahanap ako ng taong mamamahalin (in that sense ehehehehe) kundi dahil na rin sa pinili kong maging masaya.
Sa lahat ng hanapin mong "how to be happy" lists, ang unang-unang bagay na tutulong sa'yo para sumaya ay ang conscious choice mo to be happy. Ipakalat mo na ang init ng kasiyahan bago pa ito kumulo at maging poot na lamang. Pwede ko siguro ikumpara ang kasiyahan sa...feces--pagpasensyahan. Dapat regular na inilalabas. Minsan kailangang ikaw ang magkusang pumunta sa banyo. Kapag pinigilan, 'di komportable. Kapat matagal nang hindi inilalabas...masakit na.
HAHAHAHA ang gago ng analogy but gets?! SO merry christmas :D :D :D I love you :D :D :D

No comments:
Post a Comment