I broke another promise. Here I am posting an entry before the end of the year. Haha
Kagabi tinanong ako ng kapatid ko bakit daw hindi nalang maraming puso ang ibinigay sa'tin ni God. Para raw kung binaril e pwede pang mabuhay muli. Napanood niya kasi iyong Batman Returns nung hapon, at sa mga 'di nakakaalam, ilang beses binaril si Catwoman at sinimot ang siyam niyang buhay. Bakit daw hindi pwedeng ganun na rin sa'tin. Kung sa ganu'ng konteksto, madali lang sagutin iyon bagamat mahirap tanggapin ang sagot: Isang beses lang tayo binigyan ng buhay kaya hindi kailanman natin 'to sayangin. Madali naman niyang naintindihan iyon kaya natulog na siya.
Pero kung kilala mo ako alam mong hindi ako titigil don. I tend to overthink stuff. At iyon na nga, naisip ko bakit nga ba iisa lang ang puso ng tao. Sa tingin ko, dahil sapat na ang isa. Iyon lang iyon. Kung kailangan ng dalawa e bibigyan naman Niya tayo ng dalawa. Wag mo 'kong tanungin kung bakit sa kidney e pwedeng mabuhay gamit ang isa lang. Siguro alam niyang ito ang malamang-lamang na sisirain ng tao sa pinakamadali at hindi halatang paraan. Pero gets? Binigyan niya tayo ng isang puso dahil sapat na iyon para gumana tayo.
Sapat na rin siguro iyon para sa iba pang gamit ng puso, kung titignan mo sa patalinhagang paraan. Sapat na ang isang puso dahil alam naman natin kung ga'no katindi iyan magmahal. Tapos naisip ko, pa'no kung may nagmay-ari na nito? Paano na? Sapat pa rin ba ang isa?
Dalawa lang naman iyan e: may nagmamay-ari na ng puso mo at may nagbigay na rin naman sa'yo ng kanila so mabubuhay ka. O di kaya nama'y may nagmamay-ari ng puso mo't walang balak palitan. Mahirap ito, pero sa dulo ng lahat, ikaw pa rin ang unang nagmay-ari ng puso mo at darating ang panahon na mababawi mo na ito. Mababawi mo na upang ibigay sa iba sa susunod na pasko, o sa Inggles, This year, to save me from tears, I'll give it to someone special~
Hahahaha wala lang :D Maganda gising ko e. haha

No comments:
Post a Comment