Sunday, November 9, 2008

How come?

Umiyak ang langit--
umiyak nang parang walang bukas,
umiyak hanggang sa mapiga ang huling patak na parang telang pinihit nang may sampung beses higit sa dapat at kaya, na parang ang mga mata nito'y tumatangis na rin, nagmamakaawa na.

Bumuhos ang ulan--
bumuhos nang parang nabiyak ang lupa sa ilalim ng aking mga paa,
bumuhos hanggang sa nadurog ang mga dahon at lahat ng nabubuhay.

Inakala kong habambuhay ko nang di makikita ang iyong ganda,
inakalang magkakaroon ng mga butas ang makinis mong marmol na mukha.

Ngunit nagkamali ako.

Sa lakas ng buhos ng ula'y
nahugasan ang lahat ng makamundong paninira sa iyong mala-diyos na katauhan.

Sa lakas ng iyak ng langit
ay kuminang ang iyong ganda.
Sa sobrang ganda tila ay naintindihan ko na kung bakit kailangang lumuha ng langit.

At sa isang saglit doon,
inakala ko na ring mga mata ko
ang siya palang lumuluha.

*

Because I (thought I) saw someone who looked like he cried all night. Or had an allergic reaction. It reminded me of how hard I cry sometimes. It reminded me of some people I know who look so beautiful when they cry :) Semi-written in the Gesu. haha

No comments: