Kagabi nabanggit ng isang tao na victim of circumstance siya. Ngayon ko lang narinig at gagamitin ang kataga 'pagkat sa tingin ko, ngayong araw na ito, ay nakilala ko ang mga pinakamahuhusay na halimbawa ng mga biktima ng sitwasyon.
Blue Christmas kasi kanina at naging class host kami nina Bea, Roxy at Pierre. Kinailangan kong i-cut ang NSTP activity para sa araw na ito, at ngayong iniisip ko, wala akong dapat pagsisihan. Nakilala ko ang mga cute at bibong mga bata, pero sa di malamang kadahilanan mas drawn talaga ako sa mga lalake-mapamatanda o bata; mas madali ko silang makasalamuha.
Iyon naman ang rason kaya ako tumabi sa mesa ng mga lalake nung gumagawa sila ng mga lantern, cards at iba pa. Napansin kong ang nakahiligan nilang dibuho sa mga ginagawa nila ay ang mga letrang "TBS" (True Brown Spirit [ata]), mga katagang "Tau Gama Phi" at "Delpa". Naitanong ko sa kanila kung ano ang mga iyon at mabilis nilang isagot na ito'y mga gang. "Hindi mga frat, ate. Gang."
Pinilit naming ilayo ang usapan sa mga gang pero nung tanungin ko sila kung saang high school nila gustong mag-aral (dahil wala doon sa paaralan nila ngayon), Quirino raw ang maganda para maraming kapit. Ipinaliwanag nila sa'kin na ang ibig sabihin nito'y kung may kaaway ka at marami kang kapit, tumawag ka lang at bubugbugin na nila ang kaaway mo.
Mas kagulat-gulat pa riyan ay ang mga iba pa nilang naikwento sa'kin. Sabi ng isang bata sa'kin, "Ate, 'pag nasaksak ka ng ice pick hindi masakit pero unti-unti kang mamamatay." Alam na nila iyon sa mga murang edad na (humigit-kumulang) labindalawa. Alam na nilang sasali sila sa mga gang na ito sa edad na labing-apat. Alam na nilang magbibitbit sila ng baril, samurai, ice pick at kung anu-ano pa sa pagsapit ng dilim sa mga kalsada.
Nabanggit na rin lamang ang mga kalsada, pamilyar sa'kin ang mga nabanggit nilang kalsada at lugar dahil galing silang Project 3 at sa Project 4 kami nakatira. Ang iba pa nga sa kanila ay nakatira mismo sa mga kalsadang pinangyayarihan ng mga gang war tulad na lamang ni James na crush ng bayan. (Wala lang, gusto ko lang banggitin. Ang gwapo nung bata e.)
Nakakatakot lang isipin na ang mga batang sina James, Jham, Josh, Jomari, JJ at iba pa (puro J!!) ay kakailanganing sumali sa mga kupunang ito para lang protektahan ang kanilang mga sarili. 'Wag natin silang husgahan. Alam nilang mali iyon, tulad na lamang ng banggit ng isa sa mga bata. Pero wala silang magawa; biktima sila ng mga sitwasyon.
Pinagsabihan ni Bea ang mga bata nang napunta sa usapang ito. Sabi niya, "Huwag kayong maglaban-laban, magkakaschool kayo." Ang sagot ng mga bata, "Ate, 'di kami maglalaban-laban. Magpapatayan kami." Kakailanganin nilang tumbasan ang lakas ng mga dati nilang kaibigan. Kakailanganing kalabanin ang mga kasama nilang lumaki. Pero ang pinakamahirap na siguro para sa mga batang ito ay ang harapin ang katotohanang kaakibat ng kanilang kapaligiran.
*
!! Iba ang mga frat sa gang, ayon sa mga bata. Kapatiran daw ang mga frat. E ano nalang sa mga gang? Ibig sabihin ba nito'y pwedeng magkalaglagan sa mga gang? Dagdag panganib na naman kung gayon! :(
*
May pangarap din ang mga batang ito. Nabasa kasi ni JJ yung nakasulat sa phone ko na, "When I run out of dreams, I run out of life." Tinignan niya ko nang may pagtataka. Ipinaliwanag ko sa kanya. At saka sinabing,
"Ipaglaban mo ang iyong mga pangarap. Maski ano pa yan. Ano nga ba gusto mo maging paglaki?"
"Accountant."
ohhhh~ =))

No comments:
Post a Comment