Saturday, December 20, 2008

God's speed

(Oo, ganyan ang balak kong baybay at hindi ako tanga, alam ko ang ibig sabihin ng Godspeed.)

Kaninang umaga ay nagsimba kami nang alas kwatro dahil iyon lamang ang meron dito sa viillage. Papungay-pungay pa kami nang dumating doon at dahil dinatnan ako e bad trip talaga. Aaminin ko, hindi ako nakinig sa kahit anong sinabi. Medyo may pagka-distorted ang pananampalataya ko pagdating sa mga misa--bumabalik lang ang diwa ko sa simbahan 'pag panahon na para magdasal mag-isa i.e. after communion. Aware naman akong mali ang ginagawa ko kaya kaninang umaga habang after communion nga ay nagdasal ako. Sabi ko,

Lord,
Pasensya na. Kung anu-ano pa iniisip ko kanina. Nauupos na naman ang aking kandila. Baka pwedeng pakisindihang muli.


Itinaas ko na ang aking ulo nang may nakita akong parang panyong lumilipad sa langit (seryoso.) Pagkatapos ay kinuyog ako ng kapatid ko.

Ate, shooting star!!!!

Hindi pala panyo ang nakita ko. Nasundan ko ang paggalaw ng "panyo" at nahabol ko pa ang bulalakaw. Natunaw ang puso ko, at muli ako'y yumuko.

Lord,
Ang bilis niyo. At para sa ipinadala niyo, I'm praying for all that I've always prayed for.

Sinong nagsabing hindi sumasagot ang Panginoon? Baka lang inaakala nating 'di siya sumagot. O di kaya'y inaakala nating panyong lumilipad-lipad lang ang pinadala niya.

Merry Christmas :)

*

May kakaiba na naman akong panaginip. Halu-halo pero ang pinakahuling bahagi ay photographer ako sa isang rally. At isang 'di ko inaasahang tao ang namumuno noong rally. Ang makahula, bibigyan ko ng regalo. Lalaki 'to at hindi artista. Kaibigan ko sa iian sa mga klase ko. hahaha

No comments: