Thursday, November 13, 2008

Interesante

Unang linggo ng pasukan at interesante naman ang mga pangyayari. Alam mong interesante ang isang klase kung may nahuhuli akong mga linya na tulad ng mga ito::

Isang segundong reyalidad - Hi16, tungkol sa mga larawan

Bawat segundo, kinakain ng nakaraan - Hi16 pa rin

7 million and the lives of 3. Does it equate? - SA21, tungkol sa mga namatay sa nangyaring nakawan sa loob ng U.P. campus

Nakalimutan ko na ang iba, akay Roxy kasi ang aking universal notebook. Mahalaga ring banggiting may binabalak akong sunding schedule sa'king pag-aaral at iba pa. Karapat-dapat nga sigurong taguri sa sem na ito ang Nerd Sem, na siyang ni-coin ni Jaime.

Kung mayroong isang bagay na ilang beses ko nang ibinubulong sa'king sarili, iyon na siguro ang pangangailangang magdesisyon. Sa lahat ng bagay. Kung may gusto ka, kailangan mong gumawa ng paraan para roon. Kung gusto mong bumuti ang lagay mo sa acads, aba tumuwid ka rin. Kung gusto mong dumating sa takdang oras sa klase, aba tumayo ka na riyan.

*

Napipigtas na ang tali. Kailangan mong gumawa ng paraan. Pero 'wag kang mag-alala. Isa na rin to sa mga bagay na pinagdesisyunan ko. Kailangan mo lang akong papaalalahanan kung bakit ko iyon pinili. Kung bakit kita pinili.

No comments: