Sinabi ko na sa entry na, Interesante na may mga bagay akong nahuli mula sa Hi16. Sinusulat ko ang mga linyang madalas ay mala-tula ang tema sa baba ng aking kwaderno. Naisip ko lang na deserving ang mga linyang itong gawan ng isang maikling journal entry. Tulad ng dati, ang mga nasa loob ng panaklong ay hindi isasama sa totoong histo journal at maaari ka nang tumigil dahil, oo, school-related ito. Altho I'm partly writing this because I want to and not because I have to.
Mahilig akong magsulat. Iyan na siguro ang isang bagay na 'di na kailangang tanungin pa sa akin. At especially inclined ako sa pagsusulat ng mga tula. Madalas kong makuha ang mga inspirasyon sa mga salitang nabubuo sa'king isip kapag nakakakita ako ng mga bagay. The rest of the time, sa mga sinasabi ng ibang tao ko napupulot ang mga sinusulat ko. Kaya naman nakagawian ko nang isulat ang mga katagang nakahuhuli ng aking atensyon, kasali na ang mga nababanggit sa loob ng klase.
Sa unang linggo ng histo, sa unang araw pa nga, ay nakahuli na'ko ng ilang mga linya at naisip ko lang na karapat-dapat silang bigyan ng isang entry:
Ang bawat segundo'y kinakain ng nakaraan.
Isang segundong reyalidad (referring to cameras and pictures).
Ngunit para naman sa layon ng journal na 'to ay sa unang pangungusap ko na lamang itutuon ang aking atensyon. Ang bawat segundo'y kinakain ng nakaraan. Pahabain pa natin, sa diskusyong iyon ay napag-usapan din sa kung paanong ang inaakala nating mahabang panahon ay gapiraso lamang sa tanang buhay ng mundo.
MALAKING PANAKLONG: isasali ko ang diagram na ginuhit ng guro namin.
ISARA ANG MALAKING PANAKLONG hehe katuwa ang salita, 'no? Panaklong, panaklong, panaklong!
Sa totoo lang, nakapanliliit ang katotohanang ito. Sa triviality ng ating panahon sa kasaysayan ng mundo, masakit isiping wala kang maiiiwan dito sa mundong ito, na parang tuloy lang ang ikot ng mundo--mawala ka man o hindi. At totoo naman, hindi magugunaw ang mundo sakaling mabawasan ng isang ikaw rito. Pinaigting pa niyan ang nabanggit kaninang pangungusap, Ang bawat segundo'y kinakain ng nakaraan. Para bang gahol na gahol na tayo sa oras. Para sa'kin isang masaklap at nakaka-pressure na katotohanan ang mga ito sa kadahilanang (at ito sana'y isang sikreto) pangarap kong maging isang taong maaalala ng kasaysayan ng tao. I refuse to be just a dot in the diagram you drew, ma'am. Kaya naman pinagtatrabahuan ko iyon.
(At umaasa akong kayo rin, gano'n. Friends, let's be more than just dots. Let's be exclamation points. Oha oha. hahaha sabaw na.)
*
Continuation of day1

- Watched Juno and it was guhrreat! :D
- Dumaan sina Tito Ronnie and his family, and Ate Ara brought her round baby. When I say round, I mean round. HAHA
- Charles sms-ed and said he saw one of these sa kung nasaan man siya ngayon, I'm not sure if it's stil Singapore. :))
- I'm done with my second (but first haha) entry for histo! woohoo
No comments:
Post a Comment