Thursday, January 1, 2009

Histo # idk at iba pa

Idk 'cause this is supposedly my last entry since Kama Sutra: A Tale of Love was were we stopped last year. (Parang ang tagal na a!), but I might add some more entries in between so yea. I honestly don't know what to write for the movie. It was predictable, clearly feminist ,and well, contained some nudity. All that is there to say about Kama Sutra and its role in the Indian society can be summed up in one sentence--it's more than sex. Now tell me, how do I extend that? Watch me try.

Magiging tapat ako sa inyo, wala talaga akong alam tungkol sa Kama Sutra. Ang tanging naabot lamang ng aking kaalaman noon ay ito ay isang bagay o kung anuman mula sa India at madalas nilang naiuugnay sa pakikipagtalik. Iyon lamang at wala nang iba, 'pagkat sa tuwing mabanggit man ito'y hagikgikan na lamang ang kasunod at mga alusyon. Wala nang pagpapaliwanag pa sa kung ano ito talaga.

Sa diskusyon sa klase at pagpapakilala ng pelikulang panonoorin, nadagdagan naman ang aking kaalaman ngunit hindi rin naman mahalaga ang aking nalaman. Dagdag lang na hagikgikan at ang matinong katagang bahagi ito ng kultura ng India't hindi siya porn. Iyon lang. Kaya naman dumating ako sa Faura nang hindi alam kung ano ang putaheng ihahain sa'kin.

Pagkatapos ng pelikula, iilan lamang ang napulot kong punto. Una, na malinaw na isang peministang pelikula ang napanood ko. Pangalawa, pinaaalalahanan ako ng pelikula ng katagang,

A broken heart is the world's greatest equalizer; it can bring even the strongest man on his knees.

Pangatlo, na ang Kama Sutra ay higit pa sa pakikipagtalik. Madali namang maintindihan ang una kong napulot sa pelikula--sa tingin ko'y hindi na kailangan pang pagtuunan iyon ng pansin ngunit para na rin sa completeness ang una'y pahapyaw na ring madadaanan ng sumunod na dalawa.

Kaya naman sa pangalawa ako magsisimula (Aba parang yung entries ko lang din!haha). Maliwanag sa tala ng panahon na ang pag-ibig ay isang napakamakapangyarihang bagay o--patawarin ang paggamit ko ng salitang ito--kagamitan. Marami na tayong narinig na kwento ng mga paggamit ng pag-ibig upang makaimpluwensiya ng mga tao't paminsa'y para rin sa pagkuha ng mga bagay na ninanais. Isang bagay na hindi naman dapat at mahirap tanggapin, ngunit katulad ng maraming katotohanan sa mundo ay nariyan na't wala nang magagawa pa. Isang bagay na napatunayan ng mga ito ay (at hindi ko alam kung isang magandang bagay ang aking sasabihin ngunit) at least ngayo'y mayroon nang bagay na makapagpapantay sa mga tao. Sa wakas ay mayroon tayong common ground, sa tingin ko, at iyon ay ang pangangailangang emosyonal. Lahat tayo'y vulnerable sa ganitong aspeto at nagkataon lang na sa aklat ng Kama Sutra'y natutuhan ng kababaihang gamayin ang aspetong ito.

Dito'y mararating natin ang aking pangatlong nahinuha na ang Kama Sutra ay higit pa sa mga inaakala ng karamihan. The fact na kayang maintindihan ang pelikula nang finoforward sa mga bahaging nagtatalik sila at kung ano pa man, na wala ang mga nosyong nakakabit madalas sa Kama Sutra, ay isa nang malinaw na katibayan ng kahalagahan ng Kama Sutra lampas sa inaakala ng karamihan. (Hindi ko na alam kung anong itutuloy dito...)

*

Kaya naman, mamaya na iyan. HAHAHA

Day # 2 ng paghahanap ng kasaysayan.
  • Halos natapos ko ang Kama Sutra journal entry ko para sa histo
  • Onti nalang at January 3 na hahaha
  • Binigyan ako ni Kev ng bagong kanta, Kundi Rin Lang Ikaw ng True Faith
  • Nakausap ko si Kev (enthusiastically!) about Eheads
  • Inintay ni Jordan maubos ang batt ko nung madaling araw
  • Leche flan!
  • Na-overhear ko ang kapatid kong nakikipag-usap sa lolo namin at naalala ko ang mga araw na kami naman ang nakaupo sa may tabi niya't nakikipagkwentuhan. Great times :)
  • Natulak ako ni En (sa pamamagitan ng kanyang sinulat din) magsulat ng isang bagong tula na mamaya-maya gagawin ko na

No comments: