Monday, March 30, 2009

Meron o wala?

Hindi yung gameshow ang tinutukoy ko; dumating na kasi ang email ng SMU kay Justine...Wala pa'ko. Hindi ko alam kung hindi kami nanominate dahil dun sa Europe thing o hindi talaga ako natanggap. Eitherway, wala pa rin akong email, at wala pa rin akong school sa JTA. Dahil iyong Europe, sabi last week ibibgay. Pero wala e. This week daw. Anyway.

Naalala ko lang iyong sinasabi noon na wala naman talagang bagay na masasabinhg wala sa mundong ito--tipong never existed. Dahil the fact na nasabi mong wala iyon ay isang pruweba na minsa'y naranasan mong meron noon. Ayun lang naman. Sa ngayon ang bakasyon ay napuno ng pagbasketball kasama si Charles, panonood ng mga pelikula, pagkatakot sa gitna ng gabi, pagbabasa ng labing-apat na pahina ng Walong Diwata ng Pagkahulog, paglilinis ng kwarto, pagtapon ng mga papel, pagPlurk, at ngayon-ngayon lang, pagJam Legend.

Wala pa rin?:(

Saturday, March 28, 2009

Heights: Guilty Pleasures

Have you seen the latest release? It's good, really. Here's one that I think was really witty. I'd like to remind you that this is not my work, and I'm not claiming any of these. I am merely sharing with you what great piece Miss Yap made.

Eggshells
by Isabel Yap

Simon's bakery has a knack for attracting every female in town.

The smell of fresh bread, the candy-colored roofing, and Simon himself, sitting cozily at the bakeshop window, rolling his pin over an endless stretch of dough, an eerie smile on his face, brings an endless mass of giggles, frocks and fancy shoes stepping outside and pushing around inside and by the end of the day everything is sold out.

Simon takes his time choosing his ingredients. He picks out the purest, sweetest lamb in the throng of bleating sheep that approach him. He captures her by the hand, gestures to the kitchen. She is usually a-flutter and overwhelmed. She is not always the prettiest, and hardly ever is she the most shapely. Usually she is the youngest, but that's only coincidence--the one discriminating factor is that she is not hardened, that she does not wear a frown. He sees the right one and stands, sets the rolling pin aside, pushes through the crowd which parts like a wave over his charm, and touches her gently on the shoulder, or her cheek if position allows.

Her face bright red, she lets herself be led away, and other girls seethe with envy.

Maybe that why they don't realize--the chosen ones never come back.

The kitchen smells wonderful, and it has the dusted look of sweet bread. Simon himself, perhaps with a smidgen of flour on his nose or a thin crust of sugar on his lips, all toppings to the cream of his face and the indulgent chocolate of his eyes, is more than a treat for an already ravenous lady. He sits her down and tells her, very quietly, the importance of producing the finest baked goods in town, and the sacrifice it entails. She listens and nods. She doesn't notice how bare the back room is, and she doesn't wonder where his assistants are. She doesn't notice that his refrigerator is half-empty. There is a carton of milk on the table and a bowl and a stirring rod, and she muses, dreamlike, oh isn't he wonderful. All her mind can think is that he is heaven, and all their little children will be angels.

He tells her in a voice cold as frozen icing that she is special. He tells her he loves her.

The glare in his eyes shines somewhat when he says this.

It's a tried and tested speech. He is used to it, but he wishes sometimes there were easier ways to do things--simpler and less devious ways. Then his stomach rumbles and he forgets all this empathy. He squeezes her hands between his palms, kisses her forehead, and asks her to give him her heart.

And she does.

He takes it in its simple form, not the bleeding mass some other evils prefer.

The little apple-shape is delicate in his hand. She remains on the stool with closed eyes and protruding lips.

He holds her hear against the bowl and cracks it, lightly, and all the love inside flow out. It is a beautiful color, not like egg at all. The white is more pink, the yolk deep red.

He has stopped hoping long ago, but is a little disheartened just the same when he finds that this one won't fill him either. It's never enough.

He tosses the shell into the growing pile in the corner and whisks around the heart's contents a bit. He adds some milk. After some thought, he adds a dash of sugar as well. He dusts his hands on the clean apron around his waist, sighing. He doesn't want to be a villainm but that's just what he is. He doesn't want to be so gluttonous, but there is no way he'd willingly starve. He stands and piles the ingredients to a bowl, mixes in some flour and yeast, pops it into the oven and thinks that tomorrow, he might try marzipan squares or egg tarts. But today he'll make sponge cake.

He will be satisfied someday, surely. He will appease the hunger in time. Still, for now, he has to keep being patient.

Presently the oven lights stop burning yellow. He pulls the cake out and cuts himself a slice.

At least, he tells himself, with what might be a rum-bitter remorse, at least when I say it's made with love, I'm telling the truth.

*

Nice, right? Galing ng words and all. It kinda reminds me of Sweeney Todd but of a lighter, less dark version. And it's kinda sweet. HAH.

You can have my eggshell, and drink the yolk to the last drop even.


Eggshells


Friday, March 27, 2009

March 27, 2009

Was at first a bad day for me. For a number of reasons like
.
.
.
and
.
.
and
.
.
.
And then it got better. We went to Paranaque to go see Maki's lola's house there. It's huge, of course. And then we went to Town Center. Nothing new really, except for the fact that we got lost going there and we got lost going home. Plus the people I was with--Jour Dan, Roxy, Gine, and of course, Maki. Fun is an understatement. It was hilarious.

But my favorite part was when (parang Dora lang!)

Jour accidentally went inside that yellow box for the intersection nung stop, e bawal yun 'di ba. Haha di ko maipaliwanag nang maayos, wala akong alam sa tungkol sa mga kalsada. haha pero ayun. TAPOS may MMDA na malapit doon tas onti-onti siyang lumapit. Tapos nagffreak-out na kami sa loob ng car. Tapos di binuksan na ni Jour yung window. sabi itabi raw pagka-go dun sa kabila. Tas yun na nga. Hiningan ng lisensya, registration, mga ganun. Tas ineexplain na ni Manong Junior (that's what we call him now) kung anong violation, na baka raw mabangga kami kung saka-sakaling malasin dahil nakaprotrude yung harap nung car ni jour sa intersection. Tas ipinapaliwanag na niya kung paano babayaran ni Jour yung ticket niya sa office daw nila. 200 daw. Tas ineexplain niya ba't di pwede sa bangko and all, kailangan sa office sa Makati. Tapos sabi ni Jour hindi naman niya talaga sinasadya.

TAPOS.

Sabi niya, ang hirap naman daw ticket-an ni Jour kasi parang ang bait-bait daw niya tapos nakangit pa kaming lahat na kasama niya. WOOHOOO tapos sinabi na rin namin na nawawala kami tapos tinawanan pa niya kami na may MAPA kami tapos sabi ni Pinoy ba raw kami parang 'di kami taga-Maynila tapos pinayuhan pa niya kami na mag-aral daw kami mabuti.

TAPOS sabi niya,

Hindi lahat ng MMDA, masama.


AMEN. AMEN to that.

Thursday, March 26, 2009

To the Big Guy

Hi Sir,

Alam kong sobrang late na nito. And I am very aware of your REALLY big help in the past months of my humble life. I know that all I've been doing was ask for Your time, ask for more and even more. For every hour and ever plate number I wished and prayed to you. For the miracles. And that's almost all that I told you. I know that I never really got to talk to you properly and many of our conversations were more of small, quick talks--not because You were busy, of course, but because I thought I was too busy. Yes, Sir, I know no one is ever too busy for You. And I'm really sorry. But You stuck with me there. And thank You. And You gave me too many miracles. And I thank You for that. And You gave me people to help me. And I am very thankful for them. Sir, I know I am the most unworthy of Your time, but You gave me some. No, You gave me a lot. And even though I don't act like my younger brother right now when he got this big box of some Hotwheels cool thingamajig for his graduation, I am happy. And I'm thankful for that.

Sir, I know that there were LOTS of times I was just calling out to You and almost thinking You weren't there. But You were. Thank heavens You were.

A firm believer,

Koko

*

SUMMER IS HERE. Siguro 'di naman ako tatamaan ng kidlat dahil ngayon lang ako "nagkaoras" para gawin ito. Sorry po, Lord. Sorry talaga.

*

IT

It

is not like seeing a gas station
after travelling for so long
'cause you just HAVE to pee.

is not like that first drop of water
that you got after that jog.

is not like the toothpaste
you use to soothe the pain
'cause you stupidly didn't notice the fire.

IT

is not like anything in this world.

IT

is more than that.

Monday, March 23, 2009

Uhm

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.

some 4 hours before my last Acc LT!

What's

Hello?? Sabaw na'ko. Nawawala na naman index cards ko. Pakiramdam ko nag-adventure na naman mga gamit ko e. Alam ko, alam ko, astig magkaroon ng mga magical na gamit na sumasagip ng iba pang mga magical na gamit sa mga lugar na hindi tanaw ng mga walang magical na mata pero naman e, 'pag kailangan ko tsaka kayo uma-adventure! Asa'n na ba kayo? 'Di ako makagawa ng kahit ano e :( Nattempt tuloy akong gumuhit na naman ng magical index card parang yung kagila-gilalas kong ruler dito.

Labas tayo bukas pagkatapos ng LT mga kuya, mga ate! Naalala ko pa ang pakiramdam ko after ng Acc20 LT4...dumaan kaming Libis at makislap ang mga ilaw noon. Naiyak ako...swear! haha Wala nang paki kung anong kinalabasan. Basta tapos na. Looking forward to that tomorrow. But of course I will have to go through the aral first and then the test itself. There can be miracles, if you believe. THOUGH HOPE IS FRAIL, IT'S HARD TO KILL! WOOOHOOOO.

At oo nga pala. Sinabi ko bang sabaw na'ko?

Sabaw na'ko.


Saturday, March 21, 2009

Juan Kapalmuks

(para sa histo journal.)
Sa pagtalakay ng kasaysayan ng Tsina at Japan ay napansin ko ang isang nangingibabaw na tema--anumang ikot ang kanilang dinaanan, bumagsak ang dalawang bansa (at talaga namang lumagapak ang parehong bansa, lalo na ang Tsina) ngunit pagkatapos ng kanilang kahihiyan ay nakuha nilang bumangon muli at makabawi.

Nakakainggit lamang na bakit sa kaso nating mga Pilipino'y hindi pa yata natin iyon nagagawa. Madalas lumalabas ang mga usap-usapang ikinukumpara natin ang ating sarili sa mga katulad din nating bumagsak na bansa. Hindi ko na kailangan pang maglabas ng mga numero ngunit parati't parati na lamang tayong nahuhuli sa mga nasabing bansa. Hindi naman sa sinasabi kong kailangan nating lampasan ang mga bansang iyon pero ang bilis ng kanilang pagbangon ay talaga namang makapagpapahiya sa mala-pagong nating pag-unlad, at iyon ay kung mayroon man tayong pag-unlad.

Kung susuriing mabuti ang kultura ng dalawang bansa ay natatalakay ang kanilang pride. Para sa mga Hapon ay nariyan ang mga Samurai na karangalan ang pinakamahalagang bagay sa kanila. Sa kaso naman ng mga Tsino ay nariyan ang superiority notion nila sa kanilang sarili. Sa parehong kultura, ang mayroon sila ay ang pagmamalaki sa kanilang sarili't hindi pagpayag sa pag-apak sa kanilang dignidad. Oo, may mga panahong tumiklop sila ngunit hindi kailanman nawala sa kanilang mga diwa ang pagmamalaking iyon.

At ano naman ang mayroon tayong mga Pilipino? Konsepto ng hiya at pagpapakumbaba. Samahan mo pa ng utang na loob. Hindi naman sa sinasabi kong dapat nating palitan ang ating kultura; may mga ikinabubuti rin naman ang mga ito at mahirap naman talagang baguhin ang mga bagay na nakataga na sa bato. Pero hindi ba't mas masarap makita ang bansa nating bumabangon mula sa dumihan? Halimbawa, minsan kaakibat ng ating pagpapakumbaba ay iyong hindi na pagpapakitang-gilas at pagpapakita ng kung anong mayroon tayo. Marahil panahon na upang paminsa'y kapalan natin ang ating mukha and show them what we've got. Siguro pwede ring paminsa'y maniwala naman tayo sa kakayanan ng bansa nating maging magaling at anong malay natin, kapantay pa ng mga nasabing bansa. Don't even get me started with the issue of honor dahil talaga namang marami sa atin lalo na sa mga namumuno ang wala nito. Ang punto ko lang naman ay ganito--marami tayong matututunan sa mga bansang ito at marahil hindi tayo gaanong komportable sa mga ilang radikal nilang paniniwala pero sigurado akong mayroon somewhere in their teachings na makakatulong sa'ting makamit ang mismong kinaiinggitan natin sa kanila.

Bitter.

Sa mga taong may albums na ng summer nila,

mga stat na "wala bang pwedeng gawin?"

at kung anu-ano pa.

Onting konsiderasyon naman! Kami'y naghihingalo pa!

Haha joke lang :)

Summer summer summer! Tulog tulog tulog!

Tinatamad akong mag-aral~

Friday, March 20, 2009

Mag-iingat ka


Sana marunong akong lumipad--
iyan ang aking hiling noon.
Pero 'di ko lubos akalaing
sa pagtupad nito,
ako'y babarilin,
at hindi mararating
ang anumang naisin.

*

Ah the Distance that breaks my heart has come, once again, knocking at my doorstep.

*

Hindi ako makaaral...

Thursday, March 19, 2009

Reposts

from here.

i was on my way home when i saw this kid with a scab on his knee.

then it came to me:

i already forgot how painful it was to be wounded.

how hard i cry when i hurt myself;

how painful it is to treat the wound;

how itchy the wound would be when it is healing;

how awkward the scab would look--

how rough it would feel;

how pink the flesh is when the scab is gone;

how long before i forget that i even got one.

*

Dahil nasugatan ako ngayon. Gusto ko lang ilagay kung anong isinulat ko sa resiliency paper ko::

"...naisip ko na marahil ang resiliency ay may kaakibat na katapangan. Pagbigyan ang paggamit ko ng salitang Inggles dito upang maipinta ko nang maayos ang aking punto. May dalawang salita para sa katapangan sa Inggles—ang bravery at ang courage. Mula sa isang mensaheng ipinadala sa akin noon ay nalaman ko kung ano ang kaibahan ng dalawang salitang iyon. Bravery ay ang pagsabak sa isang bagay na alam mong delikado at wala kang paki sa kung anumang kalalabasan ng iyong mga kilos. Sa kabilang dako, ang courage ay ginagamit sa mga pagkakataong sasabak ka sa isang sitwasyong alam mong delikado at natatakot kang sumabak dito, ngunit sasabak ka pa rin. Gayon din sa resiliency ng mga tao. Sa pagbangon natin mula sa bawat pagkadapa ay tinatanggap natin ang katotohanang may posibilidad na matisod muli. Kaiba sa sitwasyon kung saan mananatili na lamang tayong lagapak sa lupa, ang resiliency ay ang courage na harapin ang susunod na pagkatisod dahil sigurado’t walang palya—muli tayong madadapa.
Gayon din sa’king napiling paraan ng pagbangon mula sa batuhan. Ang hayaan ang buhay na tumuloy lamang ay isang act of courage at pananampalataya na rin na sa susunod na beses ay may lakas pa tayong tumayo muli, gaano man kalakas ang ating pagbagsak."

*

Dahil ngayong araw na-realize kong ang dami kong mga pagkakamali't pagkukulang...gusto kong umiyak at sila'y pagsisihan ngunit wala na akong magawa kundi ang umasang hindi ko na sila mauuulit pa.

Wednesday, March 18, 2009

Struggle

Sobrang gusto kita e...

Parang isang tawag mo lang,

bibigay na'ko...

Parang sobrang kailangan kita

lalo na sa mga huling araw

(ayoko mang aminin).

Ang hirap iwasan 'tong pagnanasa ko para sa'yo...

lalo na sa taong asa harap ko ngayon.

Dahil nirerespeto ko siya,

at mahalaga siya.

Ano'ng gagawin ko sa nararamdaman ko para sa'yo?

Ang masasabi ko nalang ay mahirap din para sa'kin 'to.

Pero sorry,

tulog,

di kita kayang pagbigyan 'pag Accounting.

sabaw na... :D

Tuesday, March 17, 2009

A reminder


The Orange

by Benjamin Rosenbaum

An orange ruled the world.

It was an unexpected thing, the temporary abdication of Heavenly Providence, entrusting the whole matter to a simple orange.

The orange, in a grove in Florida, humbly accepted the honor. The other oranges, the birds, and the men in their tractors wept with joy; the tractors' motors rumbled hymns of praise.

Airplane pilots passing over would circle the grove and tell their passengers, "Below us is the grove where the orange who rules the world grows on a simple branch." And the passengers would be silent with awe.

The governor of Florida declared every day a holiday. On summer afternoons the Dalai Lama would come to the grove and sit with the orange, and talk about life.

When the time came for the orange to be picked, none of the migrant workers would do it: they went on strike. The foremen wept. The other oranges swore they would turn sour. But the orange who ruled the world said, "No, my friends; it is time."

Finally a man from Chicago, with a heart as windy and cold as Lake Michigan in wintertime, was brought in. He put down his briefcase, climbed up on a ladder, and picked the orange. The birds were silent and the clouds had gone away. The orange thanked the man from Chicago.

They say that when the orange went through the national produce processing and distribution system, certain machines turned to gold, truck drivers had epiphanies, aging rural store managers called their estranged lesbian daughters on Wall Street and all was forgiven.

I bought the orange who ruled the world for 39 cents at Safeway three days ago, and for three days he sat in my fruit basket and was my teacher. Today, he told me, "it is time," and I ate him.

Now we are on our own again.


Monday, March 16, 2009

So someone told me to ask for guidance.

Just this afternoon we were informed that scholars will have to confirm if they're gonna get the money from SOM for JTA.

So I went to check about Temasek (the one for Singapore.)

While waiting, (cause there was a line)

the secretary called me

and I had to go meet Dean Ang with Eduard and Jen daw.

So he has good news daw.

There's an offer of scholarship for Europe.

All expenses paid.

All.

Di ko lang alam what school

but sure na yung scholarship if we (eduard and i) say yes.

Singapore is great.

NakaSinga mindset na'ko e.

And then this.

Europe is really great din.

But the distance and shiz is scary.

What to do?

D:


Sorry I just had to take this off my chest. Will not check my multi until after my math test. Promise. I NEED PRAYERS. We all do. For all our tests and projects, and for this.

Saturday, March 14, 2009

The Last Piece

Sa pagbuo ng isang puzzle, may mga piraso tayong inuuna--iyong mga siguradong sulok. Madaling hulaan kung iyon ay sa taas o sa baba--asul para sa langit o minsa'y sa ilog; luntian para sa damo o mga bato para sa sahig.

At meron din namang iyong habang ipinagpapatuloy natin ang pagbuo ng puzzle ay iniiwanan muna natin. Magkakahalong kulay at hugis na ang meron ang mga ito. Magkakapatong na kulay, at walang straight edges na pwedeng isiping sa sulok o gilid sila lulugar. Matagal bago mailagay ang mga ganitong klaseng piraso, at sa paggawa pa nga ay mahirap.

Mahirap dahil may mga preconceived criteria na tayo sa mga puzzle pieces. Tulad nga ng sabi ko kanina, straight edges para sa mga sulok at gilid at mga kulay na nagsisilbing clues sa kung saan sila lulugar. Kaya naman kapag naharap na tayo sa mga puzzle piece na hindi nami-meet ang kahit ano sa mga criteria na binuo natin e nawiwindang na tayo.

Para solusyonan ito, binubuo natin ang gilid palabas. Inaayos muna ang iba pang mga bahagi para magkasya ang huling pirasong iyon. May mga pagkakamaling magagawa, frustrations at iba pa.

Pero kapag panahon na upang ilagay ang huling pirasong iyon, malalaman nating kaya ito, at swak na swak pa nga.

:)

Friday, March 13, 2009

Er

...

Thursday, March 12, 2009

Nahanap ko lang naman.

.
.
.
.
.
.
.
.
“Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan?"

Mula sa El Fili.

Wednesday, March 11, 2009

Call a friend

Hello.
Pagod na'ko, 'yun lang.
Pero 'di ako depressed.
'Di talaga.
Or 'di na.
Noon siguro.
Salamat po sa sinulat niyo,
I needed that.
And you're right.
I don't realize that.
At narealize ko lang kung ga'no na'ko ka-affected
by one part of my life
dahil noon,
(nung semi-depressed ako)
iyon lang naman ang problema--

pero hatak ang lahat.

Kung may isang nakatama talaga sa'kin kanina,
excessive crying na siguro yun.

Mag-isa ako?
Iiyak ako.

Pero wala na 'yon.

At kung may natutunan ako sa pag-iyak ko,
e kapag nahuhuli ako ng mga taong umiyak,
kapag may iba nang tao,
kapag may taong nandiyan,

tumitigil naman ang mga luha.

Kaya salamat sa mga taong nandiyan.

Sa mga taong alam na kailangan mo sila without even you asking.

Pero kalimutan na natin yan.

Okay na'ko.

Sinusulat ko lang 'to
siguro dahil na rin sa

ayokong maiwang mag-isa uli.

Wala lang. Yun lang naman.

Saturday, March 7, 2009

Woohoo!

Done cramming.

Bare was...intense. I wish I could recommend it to you guys, but last night was their last showing. Tanging reklamo :: ANG INIT!

Some lines that I liked::
Are you there?
Are you there? Are you there?
Do you watch me when I cry?
And if it's in your power,
How can you sit idly by?
I try so hard to please you
But you never seem to see
.
.
.
Are you there? Are you there?
Can you make some time for me?
They tell me that you're out there
And they tell me that you see
I try to find the meaning
God, you know how hard I've tried
But I don't know where I'm going
And I don't have any guide

Confession
We're doing time in confession
It's a sacrament of oppression
We have no need for forgiveness
Because our shit's none of his business

Absolution
Father, we were so in love!
And that's what I find so odd
Our love was pure and nothing else
Brought me closer to God :)

One upon a time
Once upon a time
I first held your hand
And love was not a crime
In a private world where
You said "don't look down"
But then I did and now you're lost above me

So much left to say
Trapped alone here
With my best laid plans astray
Standing scared outside a cold church
Soul search, seeking some lost answer
From a God who loves me

Can I turn to You in my need?
Would You take me back or watch me bleed?
Are You there? There at all?
And as I fall from the person that I tried to be
Could You really love someone like me?

Once upon a time
All I needed was Your hand in mine
Then I lost my way and
Now I know not what I do
I bow my head and turn to You

Touch my soul
But then came your kiss and all I was missing
Was there in your eyes, your lonely blue eyes
So please say you'll stay, say you'll never go away
My discarded heart has finally found a home
I know it's love, you've touched my soul
.
.
.
I need your kiss 'cause all I was missing
Was there in your eyes, your lonely blue eyes
So please take my hand, let me help you understand
Two searching hearts can rest and be made whole
I know its love, please let me touch your soul
Please let me touch your soul

*onti nalang makakatulog na'ko nang tuloy-tuloy for at least 8 hours. onti nalang!

Friday, March 6, 2009

Bato bato sa langit

May mga bagay lang talaga na ang hirap-hirap sabihin nang harap-harapan.
  • Ang bigat kaya ng dala ko.
  • Sana 'di mo sinabi 'yan kasi ngayon iniisip ko na bakit wala ka ngang ginawa.
  • Sukdulan po ang test na binigay niyo kagabi.
  • Aba, lampas dalawang buwan lamang kitang kilala at hindi ko akalaing may kakayanan kang magbunga.
  • Ang ingay niyo.
  • E sa ganu'n ako e. Naiirita ako sa tuwing sasabihan mo 'ko ng ganu'n.
  • Kung gusto ko. E kung gusto mo?
  • Bakit naman lahat na ng hirap buhat ko?
  • Kahit onti lang po, please. Kahit onti lang.
  • Pwede may Round 3 kayo?
  • Lahat na ng tao nakamove-on. Parang ikaw na lang ang hindi.
  • Alam mo pasensya na a. Pero naiirita ako sa tuwing magkasama kayo.
  • Ikaw ang nakita ko, at sabi mo mahal mo ako.
  • May tinanong ako sa rods ni Teacher Pia at...
  • Pwede pahatid sa school?
  • Hay.
Imposible rin naman sigurong mahulaan niyo kung sinu-sino 'yang mga yan. Ngunit sakali man, alam niyo na ang kasabihan.

Sinong sabaw?

Si Koko ay sabaw!

Yun lang ;)

Joke. Uhm nalungkot ako as in 3 seconds ago lang kasi tumugtog na naman yung Eheads song na malamang ay isang ad ng para bukas. But then 3 seconds after, I'm over it na rin.

Pero mas malungkot din yung pagkamatay ni Francis M. Isang malaking icon ka ho sa musikang Pilipino. Nawa'y ipagpatuloy mo ang iyong musika sa kung nasaan ka man ngayon. Try niyo ng mga angel ang rap+angelic voices. haha

Accounting LT3 kanina at sana 'wag nalang natin siyang pag-usapan. Buti nalang pala nagdasal ako para sa isang milagro bago magtest. Tignan lang natin kung hanggang saan ang naimilagro ng mga sagot ko :| :))

Bukas gagawa pa'ko ng Psych pero interview rin ng JTA scholarship. Wala akong kasama. 'Di pa nag-o-online sina Roxy or Jour man lang. Asan sila? Gusto ko na matulog :(

Wednesday, March 4, 2009

Ay oo nga pala.

Minsan gusto ko nang maniwala kina Roxy na kapag tumatagilid ako, nawawala ako.

Dahil shit. Naalala ko lang, may nag-eexist palang Koko.

Tuesday, March 3, 2009

Mm..alam niyo yung

Kapag nakagat mo iyong loob ng iyong pisngi,

masakit

tapos siya pa iyong paulit-ulit mong makakagat?

Wala lang.

Masakit lang.

Sabaw na. 'Di ako makagawa ng para sa psych. Sorry, groupmates! 'Di rin ako makaaral sa Accounting. Ano ba naman 'to. Inaantok na naman ako.

Nauto nga ba tayo ng mga rebultong 'yon?

(para sa histo journal. pakibasa kung may oras.)
Background para sa mga hindi nakakaalam:

Talamak sa kasaysayan ng Tsina ang mga bumabagsak sa Civil Service Exam--ang tanging paraan para umangat ng estado ang karamihan sa kanila. Sa pagpasa ng mga nasabing pagsusulit, ay nakabibili ng ticket patungo sa mas magandang buhay hindi lamang ang taong pumasa kundi ang kanilang buong pamilya.

At tulad ng lahat ng iba pang mga pagsusulit, may bumabagsak.

Dahil sa kahalagahan ng mga nasabing pagsusulit sa buhay ng mga kumukuha nito, lalung-lalo na sa mga bahagi ng middle-class at pababa, ang epekto ng pagbagsak sa isang bagay na buong buhay nilang pinaghandaan ay talaga namang matindi. Marami sa kanila ang naging depressed sa situation--uminom, nagpariwawa at kung anu-ano pa. Mula sa mga naging lasinggerong ito ay makikilala ang marami sa mga nag-udyok ng mga pesanteng rebelyon sa Tsina. Ang mga unang pesanteng rebelyon ng Tsina ay pinamunuan ng mga nabigong nakapag-aral na may pansariling dahilan kung bakit sila nagtipon ng mga iba pang may pansarili ring intensyon upang maghanap ng pagbabago.

Simula na talaga:
Naisip ko lang, paano kung ang lahat ng ating mga bayani ay gayon? Hindi naman sa sinasabi kong wala tayong mga ganun sa kasaysayan ng Pilipinas, (patawarin kung aki'y nakalimutan ngunit) may isa sa kanila kung tama ang aking alala na nagsimula ng himagsikan dahil hindi nailibing nang tama ang kanyang kamag-anak. At paano nga kung ganoon nga silang lahat? Paano kung katulad ng mga bumagsak sa Civil Service Exam ang mga taong pinagtayo natin ng mga rebulto sa bawat kalyeng nakapangalan din sa kanila ay mga makasariling mga gagong inuto lang ang iba upang makamtan ang mga pansariling mithi o plano sa paghiganti. At ano nalang ang pagiging bayani? Kung totoo ngang ang mga nasabing bayani ay may pansariling hangarin lamang kaya nila nagawang manghikayat ng iba, tila bagang hinubaran ng magarang damit ang pagkabayani.

O ganun nga ba?

Marahil magandang bisitahing muli ang kahulugan ng pagkabayani. Matatawag bang bayani ang mga may pansariling hangarin lamang? O di kaya ang mga taong biktima lamang ng pagkakataon kung kaya't nagawa nila ang mga iyon? Sa'king pagsusulat nitong entry na'to ay napatigil ako sa mga pangungusap na iyon; iniwanan ko muna ito dahil hindi ko pa talaga alam kung anong isasagot. Nakakalito nga namang isipin na halimbawa ang taong sumagip sa'yo ay ang taong nakasakit din ng iba. At mahirap isipin kung dapat nga bang pasalamatan ang mga ganoong tao.

Hanggang sa nakausap ko ang isang kaibigan tungkol sa kanilang proyekto (Hello Cocoy). Hiniram niya kasi ang mga CD ko ng Eraserheads at kamakailan lamang niya ipinaliwanag na gumawa raw sila ng dokyu tungkol sa Eraserheads at pagkabayani.

Natawa na lang ako. Fan ako ng Eheads, pero pagkabayani? Sabi ko sa sarili ko, sa mga tao siguro, oo. Pero dun sa mga taong nasa loob nito, walang halaga gaano ang Eheads; hindi na ako magbabanggit pa ng kung sino sa kanila. At habang inirereklamo ko ito sa kapwa fan ko, habang binobomba ko rin siya ng mga tanong na gumugulo sa isipan ko, ay nasagot ko rin ang mga sariling tanong. Para sa fans, oo. Para sa Eheads, hindi. Naintindihan ko na ang pagiging dakila ng pakay o ng mga bayaning ito mismo ay hindi na mahalaga. Mga simpleng tao lang din ang mga ipinagtayo natin ng rebulto. Katulad lang natin sila at kung tutuusin may posibilidad na mas mabuti(very relative and subjective) pa tayo sa kanila.

Pero wala sa tao ang pagkabayani kundi sa gawa. Ang mga rebultong itinayo natin ay bahagyang pag-alala sa mga taong gumawa ng pagkabayani pero higit pa riyan, itinayo ang mga rebultong iyon upang paalalahanan tayo at gunitain natin ang pagkabayaning ginawa nila--sa pag-asang mauulit din natin ang mga iyon, bagamat hindi tayo ang inaakala nating matatawag na dakila.

Sunday, March 1, 2009

Pahapyaw lamang

(na pagsulat?)

May mga bagay na 'di mo aakalaing mangyayari pala. Ito 'yong mga bagay na pinagdarasal ng lahat pero ang thought na mangyayari nga iyon, ni dumaplis man lang sa isipan mo, hindi nangyari kailanman. Haggang sa andiyan na ngang talaga. At ano nga naman ang gagawin mo kundi magitla't matuwa.

Pero anong mangyayari kapag hindi ka magiging bahagi ng kung anumang pangmalakihang pangarap na iyon? Hindi ba durog ang puso mo na parang alikabok?

O babalik ka lang sa dati, dahil hindi mo naman talaga inakalang mangyayari?

Na-gets niyo ba?