Sunday, November 30, 2008

The sky's wearing a smile :)

This is why I am down on my knees for a zoom lens. Or at least a second floor sa bahay :|

Ilang bagay lamang

...na nais kong ibahagi bago ako bumalik sa pag-aaral.

Iilang bagay lamang ang nakapagpapatigil sa'king mag-aral (yes, I'm that much of a geek) nang hindi masama ang nagiging pakiramdam--magagandang libro, magagandang palabas, magagandang usapan, magagandang panaginip (sa pagtulog). Kaya naman simula pa kaninang alas-otso ay nanonood ako ng mga video galing sa Why Not? Forum. Napukaw ng site na'to ang aking atensyon dahil naipakita sa ANI Acads GA noong Biyernes si Mr. Pagsi, isang guro sa Ateneo. Kung may oras kayo (at alam kong lahat ay mayro'n nito), panoorin niyo.

Nabanggit sa video ni Mr. Pagsi ang mga tanaga, kaya naisipan ko na rin gumawa tungkol sa isang bagay na nabanggit din niya sa video.

Sa aking huling kama
ay ayoko naman na
kumapit sa hininga't
sambiting, "Sana, sana."

Saturday, November 29, 2008

Renewed :)



Nothing is more practical
than finding God,
that is,
falling in love
in a quite absolute final way.

What you are in love with,
what seizes your imagination,
will affect everything.

It will decide
what will get you out of bed
in the morning,
what you will do
with your evenings,
how you will spend your weekends,
what you will read,
who you know, what breaks your heart,
what amazes you with
joy and gratitude.

Fall in love.
stay in love.
and It will decide everything.

-Fr. Pedro Arrupe S.J.

*

I am renewed. Today what I prayed for in mass (aside from the usual) was for Him to keep this fire burning. The last words of the priest from his homily was, "That we may be gifts to those who are around us." Maybe that's the best present we can give our friends...ourselves :)


Break.

Because my back's already aching from all the math problems. :-< And I'm not even done with the other practice homeworksssss. Must. resist. laziness. Must. answer. all.

*from Lois.

Name something that made you frown today?
-- The fact that those kids barely have a choice.

What were you doing at 12:00 this afternoon?
-- Cleaning MVP212, laughing, talking about WCG! =))

What were you doing 1 hour ago?
-- Answering math practice homework :|

What is something you will never forget?
-- My birthday. :)) and the numbers of the people close to me.

What was the last thing you said aloud?
-- "Ate."


How many different things did you drink today?
-- 3.

What was the last thing you bought?
-- Grilled boneless chicken from chinky chickens.

What was the last gift you got?
-- Uhmmmmmmm. Birthday gifts last May.

What color is your room?
-- Kadiri white, but it will soon be yellow~

Where do you keep your change?
-- Coin purse.

What is the weather going to be like tomorrow?
-- Not so great, but not that bad either.

Vanilla or chocolate?
-- Vanilla

What are you excited about?
-- Christmas~

Are you very random?
-- Yes.

Do you want to cut your hair?
-- Not really, but my aunt's been telling me I look better with shorter hair. Whatchathink?

What would you do if you got pregnant?
-- Well, I'd keep the baby because of course, that will only happen after I get married. :)

Do you giggle a lot?
-- Mmmm. Dunno.

Do you have plans tomorrow?
-- Call me a geek. I will continue studying. Math. On a Sunday. But we probably will go get some other stuff for the house.

Are you ticklish?
-- Yes, very. I won't say where, but a lot of people know that.

Are you typically a jealous person?
-- Yep. Ask Kevin Pua. :)) Or Odilon Meneses. Or Edrick Santos. Yes, whole names. :))

Are you gay?
-- Gay as in happy, kinda.

Name a friend whose name starts with the letter "c"?
-- Charles

Who's the 1st person on your received calls list?
-- Some unknown person whom Bam texted

What's the 5th text in your inbox?
-- My mom telling me she couldn't shut down my laptop cause it's password protected. :))

Do you chew on straws?
-- No, that is if ever I use one. I'm an advocate of less straw usage. Stop using straws unless you badly need it. I don't know of situations that'll be so, though :|

What is the next concert you're going to?
-- I'm not a concert fan.

What's the biggest disappointment to you lately?
-- :-? Oh gosh, it'll have to be that math is confusing.

How many times have you sworn today?
-- I've lost count.

What were you doing at midnight last night?
-- Trying to sleep

What was the last thing you ate?
-- Marshmallows+ Nutella :)

Have you seen the movie "Dirty Dancing"?
-- Nope

Do you have to do anything tomorrow?
-- Yea.

Is success in your future?
-- Yes. Diretso ang sagot. Haha

When was the last time you copied someone?
-- Uhh?

Are you obsessed over something right now?
-- No, but Jour Dan's been telling me I'm addicted to studying.

Do you have a nickname?
-- Yes. I have lots.

Are you a heavy sleeper?
-- Used to be. Now I'm not so sure.

When was the last time you used a skateboard?
-- Uhmmmm I haven't tried.

When was the last time you said I love you to a parent?
-- I don't think I can remember.

Was today a good day?
-- Yes

What song are you listening to right now?
-- None

How’s school going?
-- Better than last sem.

Are you upset about life right now?
-- Not so :)

What time is it?
-- Time for me to get back to my math problems. Why do you have so many questions? :|

What are you going to do this second?
-- Answer your question, duh

If someone doesn't like you, it's usually because:
-- I'm arrogant.

Last Saturday night you?
-- I forgot. But if I were to answer this tomorrow, the answer'd be...I studied for math. Whattageek.

Do you currently have feelings for someone?
-- Yes

What were you doing this morning at 8?
-- Most probably still sleeping

What were you doing 10 minutes ago?
--Guh. Math still.

Are you angry at anyone right now?
--No

The last person to say they loved you?
-- Mmmmm. hahaha

What have you eaten today?
-- Do I have to say everything? Nutella sandwich, CHOCOLATE SUMAN, grilled boneless chicken, cheeseburger, french fries, marshmallows

What did you do Friday night?
-- Okay maybe Jour Dan was right. I am addicted to studying. (Was reading Eco last night.)

Have you ever been awake for 48 hours straight?
-- Yes, I think. Or something close to it--ITM project cramming.

What did you do two nights ago?
-- OH I was....er...studying for my Asian blank map test.

What was the weather like on your birthday?
-- Great. It was summer :D

Would you make out with anyone on your top friends list?
-- No :|

What does your last text say?
-- Was looking for my dad.

What is the total call time on your phone?
-- Hah? :))

When is the last time you cursed?
-- This afternoon? While we were playing cards? haha

Do you have a dog?
-- Yes, but I don't like dogs. In fact, I don't like animals.

Do you own a stereo that costs more than 100 dollars?
-- I don't know

Do you have a crush on anyone?
-- Happy crushes? Marc Nelson! :)) And a lot of other guys.

Would you like to live in New York City?
-- For a while, yes.

Do you miss someone?
-- Hm yes.

Do you think they miss you too?
-- I don't know

Will you ever speak to them again?
-- Yes

When is the last time you laughed?
-- This afternoon

Have you ever been in a museum?
-- Yes

How old are you?
--SEVENTEEN. Not yet manang. :)) [haha, Roxy.]

Do you plan to go to college?
-- I'm already in college.

Funniest thing you've said in the past 24 hrs?
-- I don't know

*

Natapos din :|

Friday, November 28, 2008

Victims of Circumstance

Kagabi nabanggit ng isang tao na victim of circumstance siya. Ngayon ko lang narinig at gagamitin ang kataga 'pagkat sa tingin ko, ngayong araw na ito, ay nakilala ko ang mga pinakamahuhusay na halimbawa ng mga biktima ng sitwasyon.

Blue Christmas kasi kanina at naging class host kami nina Bea, Roxy at Pierre. Kinailangan kong i-cut ang NSTP activity para sa araw na ito, at ngayong iniisip ko, wala akong dapat pagsisihan. Nakilala ko ang mga cute at bibong mga bata, pero sa di malamang kadahilanan mas drawn talaga ako sa mga lalake-mapamatanda o bata; mas madali ko silang makasalamuha.

Iyon naman ang rason kaya ako tumabi sa mesa ng mga lalake nung gumagawa sila ng mga lantern, cards at iba pa. Napansin kong ang nakahiligan nilang dibuho sa mga ginagawa nila ay ang mga letrang "TBS" (True Brown Spirit [ata]), mga katagang "Tau Gama Phi" at "Delpa". Naitanong ko sa kanila kung ano ang mga iyon at mabilis nilang isagot na ito'y mga gang. "Hindi mga frat, ate. Gang."

Pinilit naming ilayo ang usapan sa mga gang pero nung tanungin ko sila kung saang high school nila gustong mag-aral (dahil wala doon sa paaralan nila ngayon), Quirino raw ang maganda para maraming kapit. Ipinaliwanag nila sa'kin na ang ibig sabihin nito'y kung may kaaway ka at marami kang kapit, tumawag ka lang at bubugbugin na nila ang kaaway mo.

Mas kagulat-gulat pa riyan ay ang mga iba pa nilang naikwento sa'kin. Sabi ng isang bata sa'kin, "Ate, 'pag nasaksak ka ng ice pick hindi masakit pero unti-unti kang mamamatay." Alam na nila iyon sa mga murang edad na (humigit-kumulang) labindalawa. Alam na nilang sasali sila sa mga gang na ito sa edad na labing-apat. Alam na nilang magbibitbit sila ng baril, samurai, ice pick at kung anu-ano pa sa pagsapit ng dilim sa mga kalsada.

Nabanggit na rin lamang ang mga kalsada, pamilyar sa'kin ang mga nabanggit nilang kalsada at lugar dahil galing silang Project 3 at sa Project 4 kami nakatira. Ang iba pa nga sa kanila ay nakatira mismo sa mga kalsadang pinangyayarihan ng mga gang war tulad na lamang ni James na crush ng bayan. (Wala lang, gusto ko lang banggitin. Ang gwapo nung bata e.)

Nakakatakot lang isipin na ang mga batang sina James, Jham, Josh, Jomari, JJ at iba pa (puro J!!) ay kakailanganing sumali sa mga kupunang ito para lang protektahan ang kanilang mga sarili. 'Wag natin silang husgahan. Alam nilang mali iyon, tulad na lamang ng banggit ng isa sa mga bata. Pero wala silang magawa; biktima sila ng mga sitwasyon.

Pinagsabihan ni Bea ang mga bata nang napunta sa usapang ito. Sabi niya, "Huwag kayong maglaban-laban, magkakaschool kayo." Ang sagot ng mga bata, "Ate, 'di kami maglalaban-laban. Magpapatayan kami." Kakailanganin nilang tumbasan ang lakas ng mga dati nilang kaibigan. Kakailanganing kalabanin ang mga kasama nilang lumaki. Pero ang pinakamahirap na siguro para sa mga batang ito ay ang harapin ang katotohanang kaakibat ng kanilang kapaligiran.

*
!! Iba ang mga frat sa gang, ayon sa mga bata. Kapatiran daw ang mga frat. E ano nalang sa mga gang? Ibig sabihin ba nito'y pwedeng magkalaglagan sa mga gang? Dagdag panganib na naman kung gayon! :(

*
May pangarap din ang mga batang ito. Nabasa kasi ni JJ yung nakasulat sa phone ko na, "When I run out of dreams, I run out of life." Tinignan niya ko nang may pagtataka. Ipinaliwanag ko sa kanya. At saka sinabing,

"Ipaglaban mo ang iyong mga pangarap. Maski ano pa yan. Ano nga ba gusto mo maging paglaki?"

"Accountant."

ohhhh~ =))

Thursday, November 27, 2008

Bago matulog

Pinakinggan ko ang palatak ng aking relo
at ang naisip ang pag-iling-iling nito.

Bawat segundo'y nauubos,
kinakain ng nakaraan
.

Sa inis,
tumakbo ako papunta sa isang pader,
inaasahang ang ulo'y mababagok at babagsak.

Ngunit hindi nangyari ang inaasahan--
napunit lamang ang pader at
isiniwalat ang isang katotohanan.

Isang mundo sa labas ng
dito.

Malinis ang mga linya,
at puro puti ang aking nakita.

Doon, Siya'y aking nakita.

May mga panukat at panulat...
may mga plano't kung anu-ano pa.

Mga makina,
pagawaan ng ano?

Nakita ko ang isa,
aba'y akin itong lapida.

Nakwadro ka. Nakwadro ako:
inakalang ang mundo'y iyong-iyo.

Tumindig ang balahibo.

Takot?

Hindi--bahagi ng Kanyang palabas:
pagbatak ng iyong mga sinulid upang ika'y umindak.

Nakwadro ka. Nakwadro ako:
inakalang ang mundo'y iyong-iyo.

At ang lahat ng lahat ay hindi namang talaga,
at ang tinawag mong akin ay hindi kailanman.

*

Altho it is quick to assume that those capitalized words refer to God (or some other religious figure), that is not my intention. Just clarifying.

*

HISTO GAH.

Ang laki-laki ng mundo

tapos hinati-hati natin--
gumuhit ng mga linya
tinawag itong akin
at iyon, kanya
at matapos ang ilang kurap
bigla uling bura
ng mga guhit, kwadro at hangga

ayayay (read in The God's must be Crazy tone)
ano ba talaga.

*

sabaw na'ko sa histo....

Wednesday, November 26, 2008

i feel so violated

and stupid. Oh damn you, SA reading. I felt the hairs at the back of my neck stand up. I even felt the damn author watching me with a smug face. OH I feel so violated. haha

(regarding the article, Body Rituals among the Nicarema)

Tuesday, November 25, 2008

Nagsimula na

Hindi ko alam sa inyo, pero sa kapitbahayan namin, ngayong gabi pa lamang nagsimulang mamasko ang mga bata. Oo, ngayong gabi sinimulan na nilang mangaroling. Nagsimula na ang pagtahol ng aming aso, ang pagkanta--kung iyon nga ang maitatawag doon--ng mga bata, ang pagsigaw ng patawad at ang pagtanggap ng mapang-insultong, "Ang babarat ninyo."

Pasko na~

Monday, November 24, 2008

Walang gana

Sa 'di malamang dahilan, ayokong pumasok bukas.

Sunday, November 23, 2008

Hey!

Gusto ko lang sabihin na....


nawiwiwi na'ko sa stress! hahaha

must.learn.to.prioritize.

Friday, November 21, 2008

And so I was reminded.

Ginising ako ng kapatid ko nang pagkaaga-aga, tinatanong kung pwede ko raw siya samahan kunin yung report card niya. Syempre nainis ako dahil masungit naman talaga ako. HAHAHA At gigisingin ako, para 'dun? Kesyo wala si daddy, at 'di rin pwede si inay. May pasok naman si ate, kaya ako ang sunod sa pila.

Hindi ako pumayag pero mali ata ang dinig ko sa sinabi niya, hindi siya nagtatanong kung pwede ko siya samahan, sinasabi na niya na ako nga ang kukuha ng card. Buo na ang desisyon ng lahat at wala na'kong nagawa kundi tumayo sa kama at ipamukha sa lahat na masama ang gising ko. D:<

Kaya ayun nga at nagpunta na kami sa school nila. Malapit sa St. Luke's iyon at sa Quezon City Sports kaya naalala ko na naman yung birthday ni Roxy. Reminder number one. Tapos dumaan din kami sa harap ng Christ the King, at doon tumatawid si Mrs. Math--math teacher ko nung grade school, itago nalang natin siya sa ganyang palayaw para sa kadahilanang ipaliliwanag ko mamaya. Kasama niya ang isang batang nakauniporme ng HSS, mukhang galing First Communion. Naalala ko tuloy yung First Communion namin. Reminder number two.

Pero ang pinakamoving para sa'kin na alaala nung nakita ko si Mrs. Math ay ang unang alaalang dumating sa'kin nung nakita ko siya. Grade school ako noon, malamang. Ipinapaliwanag niya sa'king exempted ako. 'Di ko maalala kung saan ako exempted, pero exempted ako. Ako lang. Unang beses naipakilala sa'kin ang ideya ng exemption. Pakiramdam ko ang galing ko noon. Noon. At sasabihin ko sa'yo, ang sarap ng pakiramdam na maalalang noon, magaling ka. Noon, ikaw ang bida. Oo, banidosa na'to pero masarap nga talaga ang pakiramdam noon. Batukan na ang kung sinumang hindi aayon.

Ang sarap lang mapaalalahanan ng ganu'n pakiramdam. Lalo na't ngayon sa kolehiyo ay napapaligiran na'ko ng mga hebigat na mga mag-aaral. Nakakapanliit, seryoso. Nakakainggit na kayang-kaya nilang gawin ang lahat--acads at co-curriculars. Parang sa halos nangalahati ko nang buhay sa kolehiyo pakiramdam ko nanliliit ako. Sidekick, kumbaga. At masarap lang maalala na minsan, naging bida ako.

*

Tungkol kay Mrs. Math, hindi yung exemption ang una ko talagang naalala. Pangalawa lang iyon. Iyong una kasi medyo kagaguhan. Naalala ko lang na kada taon ata e buntis siya. Parang yung Mrs. Math din ng high school. Nagtaka tuloy ako, anong meron ang mga math teacher, ba't madalas silang mabuntis?

Maybe it's their urge to multiply.....

nyeee hahaha

Roxanne Marie Hosaka Enriquez

Gusto ko lang sabihin na ang hirap mong isipan ng regalo. Nasstress na'ko. Cause really, I want to give you something special on your birthday. (We, actually--your lunchmates.) But unfortunately, we couldn't stick to our plans of collecting zomfg tickets to redeem that big stuffed toy in powerstation cause Jourdan got grounded during sembreak, and we both know that was really unfortunate. SO, Jourdan looked for big stuffed toys nalang, he found this really big Winnie the Pooh, but it's worth SEVEN EFFIN THOUSAND FIVE HUNDRED and we just can't afford that. HAHA So there. HAHA Will show you this after your birthday. I wonder what we'll give you. Haha.

Oh wait.

Jourdan thought of something. What if we give you that lifesize Chris Tiu cardboard in the Olympic Village in Trinoma? I will have to check on that this weekend... Do I have the guts to ask? HAHA For you, tsong! HAHA

*

I WILL DEFINITELY SLIT YOUR THROAT IF ROXY GETS TO READ THIS BEFORE HER BIRTHDAY.

Wednesday, November 19, 2008

Balita ko

Gagawing full-length movie ang concert ng Eraserheads. Kailangan kong mapanood 'yun. Please lang. Maski ito na ang unang sineng panonoorin ko nang mag-isa! :)

Magpost naman kayo. haha

Lalo ka na Therese. Miss ko nang magbasa ng sinusulat mo :>

Tuesday, November 18, 2008

Today was a great day.

Unang-una dahil sa magandang kalangitan kaninang lumabas ako para pumasok sa paaralan. Alam niyo yun, yung kitang-kita ang bughaw at ang puting sumasayaw pa para lang pansinin mo pang lalo. Dagdag pa riyan, walang kailangang basahin para sa SA bukas kaya magkakaroon ako ng oras upang magbasa, magsulat, matulog o mag-aral pa nga! Hahaha. Nakasama ko pa ang isang kaibigang matagal ko nang 'di nakikita. Pero sa tingin ko, ang pinakaugat nito ay ang pagpili kong magiging isang magandang araw ito. Nung nakita ko iyong mga ulap, sabi ko, Today will be a great day. Ngayong araw pinili kong maging masaya, at masaya ako nga'y naging.

*

Balak daw nilang dagdagan ang mga taon para sa pag-aaral. Isa para sa Kindergarten, isa para sa mababang paaralan (grade 7). Kung iisipin natin 'yan sa konteksto ng eco..is the marginal cost less than the marginal benefit? Kung ang sagot diyan ay oo, sa tingin ko dapat ngang ipatupad ito PERO ayusin naman muna nila ang sistemang sa ngayon ay iniimplementa. Ang pagdagdag ng mga taon sa pag-aaral ay nangangahulugang dadagdagan nila ang mga silid-aralan na siyang ngayon pa nga lang ay kulang na kulang na. Isama mo pa ang dagdag na gastos sa pagssuweldo sa mga guro. E sa ngayon pa nga lang e ngumingiwi na ang mga kulang-ding guro. Ayusin niyo muna bago gumawa ng bagong problema!

Happy, shalalala. hahaha sabaw :|

Palakpakan!

Natapos ko na ang aking mga papel, at ang inaakala kong mas madaling gawin (Psych) ang siya pang nagpahirap sa'kin. Pero tama na ang usapang iyan dahil natapos na rin bagamat alam kong low quality ang papel ko sa Psych :( Dahil nga tapos na ako sa mga papel para sa gabi, at hindi pa naman oras para ako'y magbasa-basa ng mga aralin, I blog. hahaha Nais ko lang ipaalam sa lahat na hindi ko natatanggap agad ang inyong mga mensahe (SMS). Natatanggap ko sila anim na oras matapos niyong ipadala o 'di kaya'y hindi ko talaga sila natatanggap. Kaya't kung napakahalaga namang talaga ng inyong sasabihin, mangyaring pakitawagan na lamang ako...o patawarin sakaling 'di ko kayo nareply-an. Yun lang, salamat! :)

Iba na ang senate president. Ano kayang mangyayari? Nairita si Gloria. Sa isang dasal na alam naman nating lahat e dinarasal niya! Woohoo.

Saturday, November 15, 2008

Scoffs.

You know, when I am annoyed, I usually shut up. And I think of all the things that I can say to that person. I call that collection of very logical arguments and hurtful words Mindscripts. I've prepared 21283875651801 for a certain person, a few for my parents, and one for you. YES YOU. haha even though we're not close. Not at all.

But don't worry, I never use those scripts ;)

oh wait mas bagay ata sa'yo ang /:) .

/:) /:) /:)

hahaha nakasulat na ako ng tatlong blog post ngayong araw na'to. Oh. I stall.

Init sa init

Nagulat na lamang ako

na ang tubig-alat

na siyang sumusunog sa balat

ng aking mukha

ang siyang tumupok

sa'king apoy.

Friday, November 14, 2008

Rusty

Maraming mga bagay na rusty na'ko.

*pangangarap

*paggising nang maaga

*pagiging masayahin

*pagluluto
--Nasunog ko ang niluto ko kanina para sa hapunan. Kadiri. Alam mo yung minsan kung ikaw nagluto tas di masarap parang ikaw ang uubos ng lahat? Ngayon hindi. Ako mismo isusuka ko iyon e. Twas really unfortunate. Burnt milk. And tongue. Ulk.

Sa kabilang dako, nagsayang na naman kami ng oras sa NSTP. Pinagdedebatehan ko pa kung anong mas masaklap, itong araw, o yung INAF day. HAHAHA. Pero 'di na ata ako makapaghintay para sa Sophomores' Day wtf.

Oo nga pala, napanaginipan ko si Winnie the Pooh. :D

Thursday, November 13, 2008

Kamusta?

Kamusta ka, tao? Ano ang iyong ginagawa? Naalala ko lang, noong sa harap ng libreng oras, ika'y nagtaka: ng kung anong pwedeng magawa. Gayon pa rin naman ngayon. Pero sa tingin mo, ang pag-upo sa harap ng isang kahon buong araw habang naghihintay na mamula ang mata sa lahat ng mga ilaw at imaheng dumaraan, ang pagpindut-pindot sa kung anumang laruan, ang pagpapataba't pagpapagaang-muli ay singhalaga ng pagtataka ng sa kung saan nanggaling ang mundo, ng pagbuo ng bagong sining, ng pagtuklas sa mga bagong bagay? Sayang ka, tao. Sayang ang oras mo.

Interesante

Unang linggo ng pasukan at interesante naman ang mga pangyayari. Alam mong interesante ang isang klase kung may nahuhuli akong mga linya na tulad ng mga ito::

Isang segundong reyalidad - Hi16, tungkol sa mga larawan

Bawat segundo, kinakain ng nakaraan - Hi16 pa rin

7 million and the lives of 3. Does it equate? - SA21, tungkol sa mga namatay sa nangyaring nakawan sa loob ng U.P. campus

Nakalimutan ko na ang iba, akay Roxy kasi ang aking universal notebook. Mahalaga ring banggiting may binabalak akong sunding schedule sa'king pag-aaral at iba pa. Karapat-dapat nga sigurong taguri sa sem na ito ang Nerd Sem, na siyang ni-coin ni Jaime.

Kung mayroong isang bagay na ilang beses ko nang ibinubulong sa'king sarili, iyon na siguro ang pangangailangang magdesisyon. Sa lahat ng bagay. Kung may gusto ka, kailangan mong gumawa ng paraan para roon. Kung gusto mong bumuti ang lagay mo sa acads, aba tumuwid ka rin. Kung gusto mong dumating sa takdang oras sa klase, aba tumayo ka na riyan.

*

Napipigtas na ang tali. Kailangan mong gumawa ng paraan. Pero 'wag kang mag-alala. Isa na rin to sa mga bagay na pinagdesisyunan ko. Kailangan mo lang akong papaalalahanan kung bakit ko iyon pinili. Kung bakit kita pinili.

Wednesday, November 12, 2008

Hello?

*Brain, please function.

*Globe, stop effin up.

*Ateneans, what part exactly of CLAYGO do you not understand?

*Accounting, I am so not in thinking-mood yet.

*People, I am bored. or weird.

Sunday, November 9, 2008

How come?

Umiyak ang langit--
umiyak nang parang walang bukas,
umiyak hanggang sa mapiga ang huling patak na parang telang pinihit nang may sampung beses higit sa dapat at kaya, na parang ang mga mata nito'y tumatangis na rin, nagmamakaawa na.

Bumuhos ang ulan--
bumuhos nang parang nabiyak ang lupa sa ilalim ng aking mga paa,
bumuhos hanggang sa nadurog ang mga dahon at lahat ng nabubuhay.

Inakala kong habambuhay ko nang di makikita ang iyong ganda,
inakalang magkakaroon ng mga butas ang makinis mong marmol na mukha.

Ngunit nagkamali ako.

Sa lakas ng buhos ng ula'y
nahugasan ang lahat ng makamundong paninira sa iyong mala-diyos na katauhan.

Sa lakas ng iyak ng langit
ay kuminang ang iyong ganda.
Sa sobrang ganda tila ay naintindihan ko na kung bakit kailangang lumuha ng langit.

At sa isang saglit doon,
inakala ko na ring mga mata ko
ang siya palang lumuluha.

*

Because I (thought I) saw someone who looked like he cried all night. Or had an allergic reaction. It reminded me of how hard I cry sometimes. It reminded me of some people I know who look so beautiful when they cry :) Semi-written in the Gesu. haha

Friday, November 7, 2008

Today is Friday.

And the last one before we go back to school.

I'm fine with the idea of school, being the geek that I am ;) Plus (panga)Rap reminded me why I go to school. He made the idea of having to go through another sem of Accounting sound bearable.So yea, sembreak's about to end, and it is the time we (Jaime and I) decide what the soundtrack of our sembreaks are. HAHA. He came up with this brilliant, brilliant idea to put our players on shuffle to let fate decide (since we can't). So...my dear eefod gave me...

I Just Called to Say I Love You by Stevie Wonder. AHAHA

and he got...

Close to You by The Carpenters.

WTF. Haha

As for my first sem, it'd definitely be...

Ang Pusa Mo by Pedicab HAHA

and for the second sem,

Supermassive Blackhole by Muse

because it has that I'm-back-and-I'm-so-gonna-kick-your-ass feel. HAHA. Let's get it on!! Wooohoo.

What's the soundtrack of your sembreak? Of your life? :-?

P.S.

Even if I really don't mind going back to school, I want to finish reading some books. HAHA :D

Wednesday, November 5, 2008

Title.

wala akong maisip na title. ikaw,meron?

*

Humigop ako ng kaunting hangin
kinolekta ang lahat ng makakaya--
umakyat ang mga balikat,
may papikit-pikit pa
at saka sila pinakawalan
sa isang buntung-hininga.

Sa tingin ko
ngayon alam ko na
kung bakit wag raw gaanong mangalumbaba.

At pumalatak,
bumuntung-hininga
nang parang walang bukas
pagkat sa'king pagkawala
ay nalaman ang isang katotohanan:

Ang kapalaran ng isang buntung-hininga
ay ang umakyat sa kalangitan
at itulak ang mga ulap.

Kung gayon.

Sa tingin ko di ko kayang isiping
ako ang siyang dahilan
ng bagyong sumira
sa bubong ng aming kapitbahay.

Tuesday, November 4, 2008

Inggit.

Matinding inggit ang nararamdaman ko ngayon. Ang swete ng mga 'kano. Sana may ganu'n din tayo rito. Naalala niyo kung paanong gusto kong mabuhay sa panahon ng mga dakila? Sana matupad kay Obama. Titignan natin, titignan natin.

Sana maging may kwenta rin mga politiko natin
Sana may dignidad din ang mga politiko natin tulad ni McCain
Sana sana sana!!!

Eto mga dapat basahin.
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20081105-170285/Dramatic

at (ngayon ko lang nalaman to. haha sana may ganito rin tayo)

http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20081105-170283/Direct-democracy

ahay.

Naisip ko lang a.

Sobrang sabaw na ako hahahahaha at di makatulog. Ayan tuloy. Hahahaha. Parang okay na'ko sa tulang 'to. hahahahhaa. distorted haiku::



Kung di ka makatulog,
bakit mo idaramay
ang mga tupa?

Natapon na e.

Natabig ko ang baso sa mesa
at tila nagulat ang lahat.

Parang joke ang itsura nila,
slow-mo,
Nooooooooo

Sisiksik kasi ang tubig sa salamin
at kakailanganin kong
isiksik ang tissue sa ilalim para lang mapunasan.

Ang hirap nu'n ano?
Kailangang patulisin ang papel,
panipisin, patigasin,
para kumasya sa manipis na pagitan
ng salamin at kahoy.

Ang hassle nga naman
kung bubuhatin pa yung buong salamin
tas mauudlot ang kainan.
Tas di pa naman commercial.

Pero natapon na e.
Iintayin pa bang maglakamat yung narra.

Dalawa lang iyan e,
pupunasan mo o
hahayaang mamuti ang kahoy.

Gayunpaman,
natapon na e.

*

This is me writing something for the sake of writing :| Come on. Please just one decent poem before I go back to school. Guuuuuuuh.

Hello World

Ilang beses na nung buong sembreak na buksan 'tong blog sa multi.. at laging sinasara rin. Kasi wala akong masulat. Nakakalungkot. Ang daming dumarating pero wala, hindi ako makasulat nang matino. Parang ngayon. Kshhhhh.


Gusto ko ng magandang notebook pangjournal...Buy me one,will ya? :D

Sunday, November 2, 2008

sched.

yun lang, thankyouverymuch. wala nakong mabasang libro...back to being emo.