Wednesday, December 31, 2008

Histo # 2 at Day 1

Kinakailangan kong dito isulat ang journal entries para sa Histo upang masigurong hindi ako magpapakapormal sa mga pinagsasasabi ko. Ang mga nasa panaklong (ang may hindi alam kung ano ang panaklong, please alamin mo.) ay hindi ko isasama sa ipapasa ko, yesss may access kayo sa uncut version! Hahahaha sabaw. Tulad ng dati, may karapatan kang hindi ituloy ang pagbabasa dahil school-related 'to. haha

Okay. Supposedly, these are written shortly after the discussion. Di naman namin alam kaya eto, ngayon palang sinusulat. HAHA Siya nga pala, #2 ito dahil may mauuna pa dapat dito dahil supposedly nga chronological din ang mga entry pero dahil ito na ang una kong naisip, ito na rin ang uunahin kong simulan.

May nakagawian ang mga nagdedebate sa paghahanda nila sa kanilang mga talumpati. Mahilig silang tumingin sa lahat ng aspetong pwede silang atakihin kaya naman sa kanilang paggawa ng mga punto ay kinakalaban nila ang mga ito at sinusubukang depensahan ang kanilang punto at kakalabaning muli ang depensang iyon (sandali nahilo ata ako roon) hanggang sa makuntento na sila sa kanilang makukuha.

Bakit ko sinasabi ito? Dahil maya-maya'y ibabahagi ko ang maikling pagdedebate rin ng aking utak kagaya ng inilalarawan ko kanina.

Ngayong araw (hahahahaha) ay tinalakay sa klase ang kahalagahan ng kasaysayan. Sa'king pagkakaintindi, ang pinakapinupunto ng guro ay kailangan ng kasaysayan upang tayo'y maging maingat sa paggawa ng komento at hinuha sa ibang mga tao. Binigay na halimbawa ang talamak na kultura noon--o hanggang ngayon ba? ng mga Hapon na pagpapakamatay.

Dito na ako nagkaroon ng pagtatalu-talo sa sariling isipan. Sa totoo lang gusto ko nang itaas ang kamay ko noong ginamit ng guro ang pagpapakamatay bilang halimbawa dahil sabi niya hindi natin ppwedeng sabihing makasalanan ang pagpapakamatay ng mga Hapon kesyo Kristiyano tayo't may ganoong paniniwala. Bakit? Dahil kultura nila iyon, may mga sariling kadahilanan at pinag-uugatan ang kanilang tradisyon. Nararapat lang na respetuhin natin ang kanilang kultura. Ibababa ko na ang aking kamay, sige hindi ko na itataas ang kamay ko.

Pero sandali. Kultura rin natin ang maniwalang makasalanan ang gawaing iyon. Ibig sabihin, may kultura na tayong pahahahalagahan? Hindi naman yata maaari iyon. Itataas ko na ang aking kamay.

Buti nalang hindi ko naituloy. Ngayong sinusulat ko journal na ito, gusto ko sanang itanong. Sapat at maaari na bang pagpapaliwanag na ang paghusga ng kultura ay doon lamang sa mga nasasakupan nito? Halimbawa balikan natin ang pagpapakamatay. Mga Kristiyano lamang ba ang matatawag na makasalanan dahil sila lang din naman ang naniniwalang makasalanan ito? Hanggang saan aabot ang ganitong paniniwala? Dahil paano na lamang kung ang kultura nila ay nilalabag na ang pinaniniwalaan nating karapatang pantao? Anong linya ang naghahati sa'ting pagrespeto sa kultura at pagpapabaya sa kapwa?

*

Gusto ko lang linawin, hindi ako gaanong pabor sa pagtrato ng pagpapakamatay bilang isang kasalanan dahil alam naman nating sa Sikolohiya o pwede ring SA na maaaring hindi lang iyong taong iyon ang may kasalanan kundi ang pumapaligid o buong lipunan na rin.

**

Nabasa ko kasi sa blog ni Rap na ginagawa niya e naghahanap ng kasiyahan sa loob ng walong araw--sunud-sunod, walang palya. At dahil napag-usapan namin na may two steps na sa How to be Happy na ang sumusunod,

1. Choose to be happy, and
2. Find things that make you happy,

ni-tag ko na rin ang sarili ko. Kaya naman para sa unang walong araw ng taon ay maghahanap ako ng mga bagay na magpapasaya sa'kin.

Ngayong araw, at alam kong hindi pa ito tapos kaya mamaya titignan ko kung may maidadagdag ako, nagpasaya sa'kin ang:
  • Labindalawang oras ng tulog nang hindi sumasakit ang likod o ulo
  • Masarap na broiled chicken ni inay, ang tagal ko nang 'di nakakakain noon
  • Mashed potatoes
  • Nakatapos na ako ng isang journal para sa histo
  • May mga okay na pictures ng fireworks galing sa kagabi :D
  • Napanaginipan kita :D

Tuesday, December 30, 2008

How to Always Smile (Notes)

A repost of my Lit14 homework. Saw this yesterday, and I really liked what I did. So to cover up my uhm not so nice post, here goes nothing.

How to Always Smile (Notes)

2007. You lose your book in PreCalculus. The thought of your mom scolding you scared you. You didn’t tell her. You just look for the book subtly, making sure your mom won’t know you lost it. You cry at the idea of you leaving the book at the jeepney. You cry all night over the book. You realize, the next day, that your block mate brought it home with him.

The Human Security Act was released. You wonder what terrorism exactly they’re trying to hunt down. You think of the things you want to hunt down too.

Long Test 2 results came. You waited before all left the house, and you cried.

2006. You didn’t cry at school this year. All are surprised.

Eraserheads songs are once again played. You hum to the beat of Maskara.

2005. Your class forgot to turn off the electric fans. This is a big no-no. You hate it. You say you’re the one to blame.

2004. You met boys, for the first time. They do exist! You thought you didn’t care. But you cried about them, and you just can’t stop.

Scientists say they have cloned human embryos.

2003. Your teacher scolded you. You cried, of course. Your cousin spilled everything to your sister. She didn’t have to, but she did. Why did she do that? All you know is that you hated it.

2002. You can’t control the class. You wail. One bitchily said, “Iyakin kasi.” And you barked back, “Ano yun, ano yun? Sinong iyakin?”.

A new theory opposing the Big Bang is out.

2001. Erap was impeached. Everything seems chaotic.

You learn to crochet. The single chain, the double chain. But you can’t do the basic. You cry. Your grandma comes to your aid, and you’re humiliated. You don’t need any help. Cry again.

2000. You run for Assistant Rapporteur for the student council. You’re pretty confident you deserve to win. But your rival won because she was prettier. You didn’t cry, or at least in front of them. It was your first defeat.

1999. Henry Way Kendall dies.

You forgot to bring something home. Your mom scolds you. Your cousin, with his flabby tummy and sweaty armpits mock how you wipe your green, sticky snot. You hate his smelly feet, and you go inside your room. You cry that you’re crying. And you cry that you can’t stop crying. And the worst part is, you cry because you’re crying about crying.

It is endless.

1998. You read about an elephant, and you have to draw it. You’re too proud to trace the elephant, but you can’t draw. What must you do?

Cry.

1997. First day of classes. You don’t cry anymore. But you did, when your teacher asked, “O ano, iyakin ka pa ba?

1995. It’s your first time to go to school. New bag, new shoes, new everything. You cry out to your sister’s class everyday. Her teacher is annoyed. You’ll meet her someday. You bring orange juice for recess. It spills. You cry, you scream at the top of your lungs, “Juice ko! Juice koooooo!”.

1993. For some reason, your mom scolded you. Everything is just so blurry. All you can recall is that you cried and she said, “Kung hindi ka titigil diyan, bibigyan kita ng iiyakan mo.

You stopped.

And you mourned for the death of Kerry Von Erich, professional wrestler.

Alright, I'll tell you.

This is the first time I'm actually gonna use this spoiler- spoiler 'cause I don't want you reading a preview of my post and thinking ohmygod what did Koko just do. So I'm trying to remove the very least bit of spoilage. I'm spoiling the spoilers. Lemme say that again, just to be sure--I am spoiling the spoilers.

Alright, people, I'll say it now and I'll say it proud.

This morning,

I wet my bed.

No, I did not pee on it. But since 9am this morning I've been crying like a baby. There's no telling why, but I'm assuring you it's now over. I'm sorry for all the crap I gave you if ever you talked to me during my episode. I guess now I can choose the color yellow.

I don't want to be the Grinch who stole uhm New Year so yea.

Happy New Year guys.

and this takes a lot of strength to do, but :)

*

Imagine! Nine hours of crying. I hope I already emptied all the sorrows I needed to pour out. No more for 2009, eh?

See, colors can do a lot.

At this particular time you are feeling the results of extreme stress and you are seeking a 'way out' but you are pushing too hard. Obviously you need peace, tranquillity and contentment. Your temperament is such that you are hoping, unrealistically perhaps, that your desires will shortly be fulfilled (even if at this time you are not quite sure what those true aspirations may be!).

You are feeling very vulnerable at this time. Nothing seems to be going in the right direction - business wise, private-life wise, everything. You need some emotional security and an environment which could possibly provide fewer problems, but the way you are feeling you can't be bothered even to make the effort.

Conditions are rather confusing at this time. You would like to involved with a particular person or a particular situation butyou are holding back. You find it difficult to make a decision.

You are feeling helpless. The fact that you are unable to control events that are going on around you is subjecting you to considerable stress. This can, if not relieved, cause muscle spasms or hypertension. It would seem that you are, for whatever the reason, being subjected to intolerable pressures. The complete environment would appear to be hostile. It would also seem that you are being driven against your will. You feel - and perhaps quite rightly so - that unreasonable demands are made of you but more to the point you feel as if you are powerless to control the situation or protect yourself in any way. At this time you feel utterly helpless.

The tensions and stresses that you have experienced of late have been the result of trying to cope with conditions which are really beyond your capabilities. You feel completely inadequate to cope with the situation and you would like nothing better to escape from it all and to be able to relax in a problem and pressure free environment where you can do your thing.

*

Sakto.

I can never explain myself

Isang bagay lang ang alam kong gawin.
At sa mga panahong 'di ko yung magawa,
masama talaga ang resulta.
Putulan mo nga ng paa ang soccer player, sige nga.
Pwede pakiiwanan nalang ako. Pwede payagan niyo nalang akong maglock ng kwarto. Pwede? Pwede?

Hindi niyo pwedeng sabihin ang dapat kong gawin. Dahil hindi niyo naman na naiintindihan. Hindi ko mapapaliwanag pero pwede pabayaan niyo nalang muna ako. Tangina.

Monday, December 29, 2008

Out of Coverage

Ang mga tao, may sari-sariling signal na ipinadadala at may mga natatanging taong nakakatanggap lang ng signal na yon. Sila lang ang mga may radar kung may mali sa signal mo.

At ngayong gabi, wala ang mga taong 'yon. Asa'n na ba kayo.

May mga panahong kailangan mo ng kausap, pero maski nasa mall ka at pinalilibutan ka ng libu-libong tao, hindi ka naman pupulot lang ng kung sino di ba. Syempre kailangan mo yung makakaintindi sa'yo.

At ngayong gabi, wala ang mga taong 'yon. Asan na ba kayo.

Nananawagan

...ako sa'king mga musa. 'Di ako makagawa ng paper. :| 'Pag ako gumagawa ng paper madalas gusto ko nandoon lang ako sa isang lugar. Malamang, sa bahay ako gumagawa at ngayong lumipat na kami ng bahay, hindi ko pa nahahanap ang zone ko. Kalungkot. Nauubos na ang oras ko. Nakakalito kung ano'ng dapat maramdaman. Gusto ko nang matapos ang bakasyon para makita na uli ang mga tao sa school, ayoko pa dahil hindi pa ko handa, wala pa'kong nagagawa.

>:

Sunday, December 28, 2008

Munting pasasalamat para sa malalaking tao.

Marami akong gustong pasalamatan pero ito ang sampung tao o grupo ng tao na kailangan ko talagang pasalamatan para sa taong 2008. (Maliban, malamang, sa pamilya at sa Diyos dahil noon pa naman sila nariyan at talaga namang nagpapasalamat ako para roon maski minsan 'di halata. Okay fine, 'di lang minsan.)

Lunchmates. Roxy, Maki at Jour Dan (in alphabetical order) dahil maski sa simula ng taon e medyo 'di na gaano nagkakasama e ngayong patapos na ang taon e mas pinatibay pa ang ating pagsasama ng iba't ibang bersyon ng kasabawan at katatawanan. :D Salamat sa birthday present niyo sa'kin. Alam niyo namang unang beses kong magbirthday sa school kaya unang beses ding nakaalala ang maraming tao. Salamat sa balloons, salamat sa cake, salamat sa lahat. Salamat sa kabag sa katatawa at sa lahat-lahat na talaga. Isasali ko na rin pala rito si Pierre Co dahil sa paghatid mo sa'kin sa Project4 at sa pagsama sa lahat. Sa accounting tradition at sa lahat ng aral. Sa homework natin sa Psych at Sci10 sa lahat naaa!

HS Friends. Lalo na kay Nicki na dalawang beses ko nang naging p.e.mate at kay Jescia na maski madalas utang ang pinambubungad ko ay nakakausap ko pa rin nang masinsinan pag kailangan na talaga. Kay Therese na rin dahil pag may kailangan akong itsismis e ikaw ang una 'kong hinahanap AT salamat din pala sa sobrang sayang pagtambay din sa SecWalk.

Kev Pua. Dahil ikaw ang aking tambaymate sa SecWalk noong mga panahong pakiramdam ko wala akong kwenta nung first sem, dahil ikaw ang talagang nakakaappreciate ng mga joke ko, dahil pareho tayo ng balak gawin sa buhay, dahil parati kang nakangiti, dahil sa Ang Pusa Mo, dahil sa "Can you feel the magic? :>", dahil sa pagtiwala mo sa'kin at dahil pinagkakatiwalaan din kita.

Koko Fuel. Rap Diaz at Ace Gapuz. Dahil pinaalalahanan at patuloy na pinaaalalahanan niyo akong mangarap at magsulat.

RDL Mates. Chez Gokingyok, Mikko Alvarez, X Iglesias at Nicole Ang. Isang napakagandang experience ang RDL dahil sa inyo.

Jaime Lizada. Salamat sa paggawa ng ITM project natin, salamat sa paggawa ng Accounting project natin, salamat sa Sabaw Way of Life na tinuturo mo sa'kin, salamat sa malamig na tubig na lagi mong sinasaboy sa'kin.

CoE people. Dahil ang bait niyo sa'kin, lalo na kina JC, Jordan at MJ sa pagtiyaga sa pakikipagchat sa'kin pag nabuburyong na'ko at hanep na pagflood ng comment box ko. Simula nang maging contact ko kayo sa multi, may nagrereply na sa mga sinusulat ko. HAHAHA

T2 people. Lalong-lalo na kina Kim Garcia, Gine, Kev Jazmines at Bryan Salcedo. ITM days at hanggang ngayon namang talaga. JUN din! Miss ka na namin. (As if mababasa mo 'to. hahaha)

NSTP+Blue Christmas kiddos. Salamat sobra at mabait kayo sa'kin. Salamat at pinakilala niyo ako sa mundo ng mga bata. Salamat at for some reason kayo rin ang dahilan ko para mangarap.

Charles Tiu. Dahil pinapatawad mo akong pagka-weird ko sa lahat na ata ng aspeto ng buhay at dahil dumating ka sa buhay ko. ;)

Look here, mister.

Early first sem I kinda liked you. But then weird ka pala. Haha. And then came someone and let's just say I really really like him. After two sems you'd pop out of nowhere asking me out? guh. I hope this doesn't sound mean or anything, but

go away :(

Saturday, December 27, 2008

Dahil tapos na ang pagliligpit ng pinagkainan

..panahon na para mag-aral ako. Pero syempre 'di ko pa yan ginagawa at eto ako nagbblog na naman. HAHAHA Kaya naman naisipan kong gayahin ang pinost ni Teacher Pia :D Katamad nga lang mag-tag ng mga tao kaya sali nalang ang kung sinong gustong sumali ;)

Anim na bagay na malamang ay hindi niyo alam tungkol sa'kin::

1. Nagiging adik ang lips ko sa chapstick 'pag nalagyan na. Kaya kung napapansin mong hanep chappy na ng lips ni koko, wag mo nang isuggest ang chapstick. It'll be worse. haha

2. Binunutan na'ko ng ngipin for braces, pero never pa rin nakakabitan. HAHA talk about random. Is this too much information? :))

3. Nakakain na'ko ng...aso, kabayo, usa...at itlog ng langgam >:)

4. Napapanaginipan ko ang mga teachers kapag alam kong may kailangan akong gawin sa subject nila at 'di ko pa ginagawa at madalas pa, masama ang nangyayari sa panaginip kaya paggising, asahang gagawin ko na ang kailangang gawin. HAHA

5. Humihiling pa rin ako sa mga tala at sa mga plate numbers na may 111, 222, 333, 444, 555, 777, 888 at 999. :D Minsan pa nga'y naalala ko pa iyong isa pa naming pamahiin tungkol sa plate numbers na kapag nakita mo ang sum ng birthdate mo (halimbawa ako, dahil pinanganak ako sa ika-20, ang sum ay 2) sa plate numbers nang magkakasunod, e naalala ka ng crush mo! HEHE So kung 27th ka pinanganak, pag may nakita kang 999, naisip ka niya! yiiii hahaha

6. Kinahiligan ko nung bata akong sipsipin ang mga panyo ko. MASARAP E, ba't ba. HAHAHAHHA

Gustuhin ko mang ituloy pa'to, baka barilin na'ko ng mga mambabasa sa sobrang pagkabanidosa. hahaha at baka mapanaginipan ko pa si Sir Canilao (OMG may naisip akong pwedeng nightmare pero wag nalang. haha) mamayang gabi kaya magbabasa nalang ako ng SA. toodles :D

*

Bumalik ka lang nang ligtas, oks na'ko :)

Thursday, December 25, 2008

For Dyaime



ayan na. sabaw post. WEHHHHHHH ang corny ko :( hahahahahaha

Sana dalawa ang puso ko

I broke another promise. Here I am posting an entry before the end of the year. Haha


Kagabi tinanong ako ng kapatid ko bakit daw hindi nalang maraming puso ang ibinigay sa'tin ni God. Para raw kung binaril e pwede pang mabuhay muli. Napanood niya kasi iyong Batman Returns nung hapon, at sa mga 'di nakakaalam, ilang beses binaril si Catwoman at sinimot ang siyam niyang buhay. Bakit daw hindi pwedeng ganun na rin sa'tin. Kung sa ganu'ng konteksto, madali lang sagutin iyon bagamat mahirap tanggapin ang sagot: Isang beses lang tayo binigyan ng buhay kaya hindi kailanman natin 'to sayangin. Madali naman niyang naintindihan iyon kaya natulog na siya.

Pero kung kilala mo ako alam mong hindi ako titigil don. I tend to overthink stuff. At iyon na nga, naisip ko bakit nga ba iisa lang ang puso ng tao. Sa tingin ko, dahil sapat na ang isa. Iyon lang iyon. Kung kailangan ng dalawa e bibigyan naman Niya tayo ng dalawa. Wag mo 'kong tanungin kung bakit sa kidney e pwedeng mabuhay gamit ang isa lang. Siguro alam niyang ito ang malamang-lamang na sisirain ng tao sa pinakamadali at hindi halatang paraan. Pero gets? Binigyan niya tayo ng isang puso dahil sapat na iyon para gumana tayo.

Sapat na rin siguro iyon para sa iba pang gamit ng puso, kung titignan mo sa patalinhagang paraan. Sapat na ang isang puso dahil alam naman natin kung ga'no katindi iyan magmahal. Tapos naisip ko, pa'no kung may nagmay-ari na nito? Paano na? Sapat pa rin ba ang isa?

Dalawa lang naman iyan e: may nagmamay-ari na ng puso mo at may nagbigay na rin naman sa'yo ng kanila so mabubuhay ka. O di kaya nama'y may nagmamay-ari ng puso mo't walang balak palitan. Mahirap ito, pero sa dulo ng lahat, ikaw pa rin ang unang nagmay-ari ng puso mo at darating ang panahon na mababawi mo na ito. Mababawi mo na upang ibigay sa iba sa susunod na pasko, o sa Inggles, This year, to save me from tears, I'll give it to someone special~

Hahahaha wala lang :D Maganda gising ko e. haha

Tuesday, December 23, 2008

Kapisanan ng mga Malamig ang Pasko

A Christmas Post, at marahil para na rin sa katapusan ng taon. Salamat sa inyong pagsubaybay (sana) sa'king mga kabalbalan at kalokohan dito sa aking mumunting talaarawan. :)

Kapisanan ng mga Malamig ang Pasko

...o mas kilala bilang KMP. Naalala ko noon may Friendster group pa ang Kapisanang ito. Pasensya na sa matatamaan, kung ikaw man ang gumawa no'n. Haha.

Ang nasabing kupunan (yeees...parang sina Eugene sa Ghostfighter! haha) ay nagrereklamong malamig ang kanilang pasko--dahil sa alam naman nating lahat--kawalan ng taong pagbubuhusan ng init ng pagmamahal.

Hindi naman kailangang malamig ang pasko. (Malamig in that sense.) Kung may isang bagay akong natutunan sa taong ito, iyon ay ang buhay ay puno ng mga desisyon. Masasabi kong sa taong ito ko palang nakilala ang aking sarili sa paggawa ng mga desisyon. Nakita ko ang aking mga pinapahalagahan at ang mga bagay na handa kong bitawan. Hindi na'ko maglilitanya sa mga desisyong ginawa ko ngayon--parehong mga maipagmamamalaki at mga ibaon nalang natin sa limot pero bakit ko sinasabi 'to? Dahil ngayong taon--o kahit anumang taon--hindi malamig ang pasko ko. Hindi lang dahil sa nakahanap ako ng taong mamamahalin (in that sense ehehehehe) kundi dahil na rin sa pinili kong maging masaya.

Sa lahat ng hanapin mong "how to be happy" lists, ang unang-unang bagay na tutulong sa'yo para sumaya ay ang conscious choice mo to be happy. Ipakalat mo na ang init ng kasiyahan bago pa ito kumulo at maging poot na lamang. Pwede ko siguro ikumpara ang kasiyahan sa...feces--pagpasensyahan. Dapat regular na inilalabas. Minsan kailangang ikaw ang magkusang pumunta sa banyo. Kapag pinigilan, 'di komportable. Kapat matagal nang hindi inilalabas...masakit na.

HAHAHAHA ang gago ng analogy but gets?! SO merry christmas :D :D :D I love you :D :D :D

For the love of sales

So. I heard (read) that there's gonna be a Filipino version of Twilight. Know what? I've had enough. I'm betting my soul there's one hell of a talent pool out there they don't tap just cause they're scared they won't sell.

Monday, December 22, 2008

Dahil ayaw ko pang matulog :)

Sagot sa mga katanungang hindi ko pwede ipakita unless sagutan niyo rin ;) mga unang lumitaw sa isip ko to a...walang sisihan.haha

1. Wow...ang hirap nito a.
2. Jescia Aquilizan
3. ROVILSON FERNANDEZ =))
4. Jackie Yap
5. Patty Sy hahahahaha
6. Jour Dan Galvadoressss!!!
7. Yun kaklase ko sa ma19 na volleyball player?
8. Angela P. Anastacio!! sorry i ditched youu haha
9. Charles :>
10. WHU
11. Forgive me >.< Kev Pua
12. Pristine Fajardo
13.Reese Lansangan!
14.Roxy Enriquez. Para sa pareho.
15.Jour Dan Galvadores =))
16.Anton Bautista.haha
17. Jour Dan parin.
18.Yung guy sa couple #12 nung ballroom!!!
19.Of?
20.AKO! haha kapal. Gang Badoy
21.uhmmm ewan
22.Jescia
23. Sir Darwin =))
24.HONOES i don't know
25.haha wtf Marc Nelson
26.hahahaha Marc Nelson..asa. maski puno hindi ata e.haha
27.Jordan David
28. abama.
29.Tinatanong pa ba. haha
30. pasensyahan nalang. haha

Ayan para makatulog na tayo :D

Sunday, December 21, 2008

Dear Multiply

I guess it's true, what they say. You never appreciate what you have until you lose it. Multiply's effin up, and it's frustrateeeeng. Is it just my multiply? Tell me, tell me! haha

Oh wait I won't know if you replied cause the updates page is effed up. Or maybe you won't be able to read cause your updates page is effed up too!

Ayayay! hahaha I never really realized how much I've grown dependent on you, dear multiply! HAHA Pathetic Koko.

Pati pandesal pinatulan.

Kanina kasi may hinahanap ako sa kwarto ng magulang ko. Tapos nakita ko 'tong weird thing sa cabinet ng dad ko. Mukhang tinapay. hmm. Pero ba't naman iiwanang nakabukas dito sa cabinet...Mahawakan nga...Malambot! Medyo malagkit pero di lumilipat sa kamay yung lagkit. Inamoy ko...amoy matamis. At higit sa lahat, cuteee! Stress ball pala siya. hahaha


thanks ed for the title. haha




Saturday, December 20, 2008

God's speed

(Oo, ganyan ang balak kong baybay at hindi ako tanga, alam ko ang ibig sabihin ng Godspeed.)

Kaninang umaga ay nagsimba kami nang alas kwatro dahil iyon lamang ang meron dito sa viillage. Papungay-pungay pa kami nang dumating doon at dahil dinatnan ako e bad trip talaga. Aaminin ko, hindi ako nakinig sa kahit anong sinabi. Medyo may pagka-distorted ang pananampalataya ko pagdating sa mga misa--bumabalik lang ang diwa ko sa simbahan 'pag panahon na para magdasal mag-isa i.e. after communion. Aware naman akong mali ang ginagawa ko kaya kaninang umaga habang after communion nga ay nagdasal ako. Sabi ko,

Lord,
Pasensya na. Kung anu-ano pa iniisip ko kanina. Nauupos na naman ang aking kandila. Baka pwedeng pakisindihang muli.


Itinaas ko na ang aking ulo nang may nakita akong parang panyong lumilipad sa langit (seryoso.) Pagkatapos ay kinuyog ako ng kapatid ko.

Ate, shooting star!!!!

Hindi pala panyo ang nakita ko. Nasundan ko ang paggalaw ng "panyo" at nahabol ko pa ang bulalakaw. Natunaw ang puso ko, at muli ako'y yumuko.

Lord,
Ang bilis niyo. At para sa ipinadala niyo, I'm praying for all that I've always prayed for.

Sinong nagsabing hindi sumasagot ang Panginoon? Baka lang inaakala nating 'di siya sumagot. O di kaya'y inaakala nating panyong lumilipad-lipad lang ang pinadala niya.

Merry Christmas :)

*

May kakaiba na naman akong panaginip. Halu-halo pero ang pinakahuling bahagi ay photographer ako sa isang rally. At isang 'di ko inaasahang tao ang namumuno noong rally. Ang makahula, bibigyan ko ng regalo. Lalaki 'to at hindi artista. Kaibigan ko sa iian sa mga klase ko. hahaha

Friday, December 19, 2008

Pakipaliwanagan ako.

Nanonood kasi ako ng Asian Food Channel. Katulad ng ibang mga channel, nagpapalabas din sila ng mga patalastas. Isang lumabas at nakatawag pansin sa'kin ay ang heat resistant pan na binebenta nila. Ngayon, ang problema.

Hindi ko matanto ano ang ikinaganda ng lutuang hindi umiinit.

Pakipaliwanagan nga ako.

I think

it's stupid of me to

.

but i do

.

sad! :|

Thursday, December 18, 2008

Fruitcake :D

Because Christmas is so near, because Charles gave me the Eheads Reunion Concert cd (yey!), because this is my favorite Christmas song :)

*
by the Eraserhead
s

There's a fruitcake for everybody
There's a fruitcake for everyone
There are b-sides to every story
If you decide to have some fun

Take a bite
It's alright
There's some brandy and star margarine to make it bright
Take a bite
It's alright
A little lovin' and some fruit to bake
Life is a piece of cake

It's the season for being happy
But the reason is dead and gone
If the reason for being happy
Takes a backseat when the season's done

Just take a bite
It's alright
Taste the taste that sent all mothers giggling in sheer delight
Take a bite
It's alright
A little lovin and some fruit to bake
Life is a piece of cake

Everybody, everywhere people do you really care
Christmas time has once again arrived
Everybody, everywhere people do you really care
Christmas time has once again arrived

Mistletoe and a little snow
But we don't get it there at fruitcake heights
Mistletoe and a little snow
But we don't get it there at fruitcake heights

Stars are falling down from heaven
But it's nowhere near our town
Miracles are falling down from heaven
But it's nowhere near our town

There's a fruitcake in everybody
There's a fruitcake in everyone
There are b-sides to every story
If you decide to have some fun

Just take a bite
It's alright
Taste the taste that sent all mothers giggling in sheer delight
Take a bite
It's alright
A little lovin and some fruit to bake
Life is a piece of cake

Tuesday, December 16, 2008

Pedicab

O minsa'y kilala bilang padyak. Iyan lamang ang transportasyong available sa village na nilipatan namin. Bawal ang tricycle kasi maingay. Tama nga naman. Kani-kanina lang ay nasubukan kong sumakay rito (dahil ngayon lang din ako nagcommute pauwi; hindi siya sinsama ng iniisip ko pero ibang kwento na iyon). Una kong napansin ang lolong maghahatid sa'kin. Funky ang kanyang hair. Ayos, sabi ko. Sunod kong napansin ang upuan. Aba ayos, maluwag. At nang aking pag-upo, komportable. Ayos na ayos talaga. Nang sinimulan nang pumadyak ni lolo ay natuwa ako dahil banayad ang paggalaw nito. Sinamahan pa ng malamig na simoy ng Disyembre. Makakatulog na ata ako, ika ko. Dalawa kaming nakasakay sa pedicab. Dalawa kaming ihahatid ni lolo at sinasabi ko sa inyo, malayo ang street namin. (Nasa kadulu-duluhan.)

Nang lumaon, pasakit nang pasakit ang imahe ni lolo sa pagpadyak. May mga taong ang kalamnan sa binti, defined. Yung kay lolo, parang bato--ang salitang pumasok sa isip ko ay chiseled. Parang kwadrado na ang mga gilid ng muscle niya. Malamang dahil sa dami ng mga hinahatid niya sa mga kabahayan. 'Di nagtagal ang malambot na upuan ay hindi na komportable. Ang katahimikan ay nakakabingi, at ang hangin pakiramdam ko gumuguhit sa baga ni lolo. Tinignan ko ang mukha niya, at hindi ko na kinayanang magtagal pa--inilayo ko na ang aking tingin. Minsan ko lang hilingin na sana mas magaan pa'ko sa timbang ko ngayon. Parang gusto kong ako nalang pumadyak para sa kanya. Pero hindi ko ginawa.

At nakarating na nga kami sa tapat ng aming bahay. Sana lolo, sapat ang limang pisong dinagdag ko sa bayad. Maligayang pasko. Saludo ako sa'yo.

I *star* the nation.

koko_wytchocol8: may gusto ako ipost kaso di ko alam ano site man lang nila
isda_k: ?
isda_k: waht do you mean?
isda_k: :)
koko_wytchocol8: alam mo yung i *star* the nation
koko_wytchocol8: campaign?
koko_wytchocol8: nabasa ko lang kanina sa dyaryo
isda_k: hinde eh..
koko_wytchocol8: mula nung sabado
koko_wytchocol8: haha
isda_k: ano yun?
koko_wytchocol8: parang people must decide what specifically can they do for their country.
koko_wytchocol8: ayun haha
isda_k: oooooooohhh
isda_k: :)
koko_wytchocol8: e sakto siya dun sa naiisip ko earlier this afternoon
isda_k: which was? :)
koko_wytchocol8: parang naalala ko lang kasi yung sinulat ko nung hs
koko_wytchocol8: na okay lang na hindi ako ang tumupad sa mga pangarap ko para sa bayan ko
koko_wytchocol8: or sa bayan na'to
koko_wytchocol8: sapat na sa'kin ang malamang natupad yon
koko_wytchocol8: maski hindi sa'king mga kamay
koko_wytchocol8: tapos i was planning to write an open letter to that hero
koko_wytchocol8: thanking that person for making someone's dream come true
koko_wytchocol8: tas nabasa ko yun
koko_wytchocol8: what specifically will i do for this country/
koko_wytchocol8: *?
koko_wytchocol8: i will continue dreaming
koko_wytchocol8: and telling everyone of it
koko_wytchocol8: in hopes that someone will have the guts to do it
koko_wytchocol8: or the skills
koko_wytchocol8: or the luck
koko_wytchocol8: .kev?
isda_k: wait medyo inuulit ulit ko yung basa ko
isda_k: ahhh gets..
isda_k: cool.
isda_k: >:D<
isda_k: sino yung hero na yun?
koko_wytchocol8: ewan
koko_wytchocol8: di ko pa siya kilala
koko_wytchocol8: sana malapit na.

*

wala kasing oras na magsulat nang matino. sa break, pangako :)

Monday, December 15, 2008

May gusto akong isulat.

pero 'wag nalang. haha

Kanina pa kasi yung mga tao sinasabi, "may sasabihin dapat ako e...pero nakalimutan ko na." Kabitin naman uy!

Sunday, December 14, 2008

Guess who's back

...back again.

yun lang, thankyouverymuch. haha finally...no more lt's to deal with! :D

Thursday, December 11, 2008

Gonna be a good day~

I had a feeling today will turn out great, and it did. It really did. Eco test was, uhm unexpected. HAHA. Psych, we had fun turning this lady::
which way does she turn to you? Clockwise? Counter-clockwise? What is it? Haha When you see her turning clockwise, you generally are a right brainer. If you see her turning counter-clockwise, you generally are a left brainer. Cool, huh? But you can of course try to see her turning the other way, since you do have the other half, don't you? Haha It gets frustrating, but mind you, if you get to change her rotation on purpose, it feels oh-so-great. If you need a tip, try staring at the point where her foot and her shadow almost meets. Or if you're using your laptop try closing it for a while, clearing your head and try again. OR Pierre has a more ingenious idea which he got from a movie. Try blocking your left nostril to prevent oxygen from getting to your right brain, and vice versa. It's crazy and we don't know if it is actually true, BUT IT WORKS! haha

Okay that was too big a side story. Anyway, it also was a good day because hell week is finally overrrr. Haha I also realized I miss my family already. Nathan (with mom and my cousin) dropped by a while ago, and I missed him! :D And he's unusually nice now. But really, the big thing is that someone dropped by and checked how messy our house is. :>

Nagugutom na'ko...

Dahil mag-isa lang ako sa bahay ngayon, at kinuha na nila ang lahat--ref, lahat ng makakain, stove, cabinet at lahat lahat na maliban sa telebisyon, isang kama at ilang mabibigat na gamit, wala akong makain para sa almusal! Nagugutom na'ko. T_T Ayoko naman pumasok na para lang mag-almusal. Ayoko ring gumastos bumili sa kung saan. Gugutumin ko nalang sarili ko. :))

P.S.

Mas productive ako 'pag mag-isa lang ako sa bahay.

Tayo'y magsayawan

Dahil halos matapos na ang linggo ng puyatan. woohoo. Inaantok na'ko pero huling banat [para sa linggo] :: Eco! :)

Good luck sa mga paparating palang ang hell week :D


Tuesday, December 9, 2008

Kutsarita

Kutsarita, isang kwento tungkol. Dahil iyon lamang ang makakayanan kong ibigay sa inyong mga nagtitiyagang magbasa. HAHA May ganon?

Kasi 'di ba nga naiwan pa'ko dito sa project 4 dahil todo hell week ang linggong ito. So halos lahat na ng gamit andun sa kabila. Kasama na ang mga kubyertos. Kaya naman kaninang nagtimpla ako ng kape (na yung tubig e hiningi lang sa kapitbahay dahil nga lahat ng gamit andun na), ginamit ko yung kutsaritang kadiri...yung kutsaritang round yung spoon at square ang handle. KADIRI TALAGA. hahaha Ayokong ginagamit yung kutsaritang 'yon...ang pangit ng feel nung roundness nung teaspoon at squareness ng handle. HAHAHA paikot-ikot lang ako...

Tapos ang masama pa, dahil iba yung kutsarita, iba rin ang timpla ng kape ko :(

*

Ilang bagay na nagpapabilis ng pintig ng puso ko...
dalawang tasa ng kape sa isang araw,
at ikaw :>

Sunday, December 7, 2008

Resistant to change

We moveid into the new house this morning, and I must say it's waay better when it's done na. Haha. Although I'll still be staying in project 4 today until Friday or Saturday because it's hell week for me. Or maybe that's just my lame ass excuse. If there's one thing I discovered about myself in this move to a new house, it'd be that I find it difficult to adapt to change.

On a lighter but sadder note, my room isn't the yellow that I want it to be. Guh.

Wala lang

Your Universe
ni Rico Blanco

Tell me something
When the rain falls on your face
How do you quickly replace
It with
A golden summer smile?

Tell me something
When i'm feelin' tired and afraid
How do you know just what to say
To make
Everything alright?

Chorus:
I don't think that you even realize
The joy you make me feel when i'm inside
Your universe
You hold me like i'm the one who's precious
I hate to break it to you but its just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one

Tell me something
When i'm 'bout to lose control
How do you patiently hold
My hand
And gently calm me down?

Tell me something
When you sing and when you laugh
Why do i always photograph
My heart
Flyin way above the clouds?

*

Bad vibes.. sana matapos na'tong linggong 'to.

Saturday, December 6, 2008

Ah.

Aah!

AAHHH!

Yun lang. hehe. Gusto kong gumawa ng wishlist pero walang oras. Sa takbo ng mga pangyayari ngayon, sa susunod ng linggo pa ko makakapagpost nu'n. Sana may oras pa si Santa. hahaha. One hell week coming up!

Friday, December 5, 2008

Habang naghihintay

...mag-upload ng pictures from Angel's Apa's debut

Spheres of Influence (for lack of a better title or a fitting phrase in Filipino)

Ginusto kong tumakbo, abutin ang mga natatanaw ko at lampasan pa nga ang mga iyon. Ninais kong sumigaw, ipagkalat sa lahat ang aking pakay. Ngunit sa lawak ng lupain ay napagod din ako. Humulas ang aking pawis, at tumulo sa tigang na lupa. Sa sandaling inabot ng tubig-alat ang mga bitak-bitak na bato, ay tumubo ang isang halaman. Lumabas sa mga hiwa ang mga iyon at binalot ang aking mga paa.

Hindi na ako makatakbo.

Hindi ko na maipagsisigawan.

Umakyat ang mga ugat at hindi nagtagal, binalot na nito ang aking mga binti. Sa simula ako'y luntian hanggang nanuyo na ring paunti-unti ang mga kadena sa'king mga paa. Pinilit kong kumawala hanggang sa maubos ang aking lakas at sumuko na lamang.

Ngunit mabait ang tadhana.

'Pagkat ako'y tinubuan sa'king mga kamay ng pag-asa. Ako'y tinubuang muli ng luluntiang mga dahon. Binalot ng buhay ang aking katawan.

Ano'ng aking ginagawa? Ikinasasaya ang pagkabihag? Naalala ko ang mga lugar na ibig kong marating. Naisip ko ang mga tanawin, ang hanging humahalik sa'king pagtakbo. Binalot ng lugmo ang aking katawan.

Biglang umihip ang hangin. Hinagip ang aking dahon--ang aking pag-asa. Ngunit ano't ano pa, ginulat muli ako ng tadhana. Tinangay ng hangin ang aking dahon sa mga lugar na lampas sa'king tanaw. Dinala ito sa kanyang mga bisig at higit sa halik ang aking naranasan. Lumipad ito't hindi lamang ipinagsigawan ang nais ko. Hatid ng hangin ang aking dahon. Hatid ng hangin ang aking pag-asa. Hatid ng hangin ay ako.

*

Napanood niyo na ba ang Batang Kalakal ng Reporter's Notebook? Kung hindi pa, pakihanap. Mahalagang mapanood ng mamamayang Pilipino ito. Wala akong mahagilap na mga salita upang ipaliwanag ang aking naramdaman noong napanood ko iyon. Sabihin nalang nating,

nanginig ako sa kaiiyak dahil doon.

(...or maybe that's just me--iyakin. Pero di e.)

*

Totoo ba ang sinabi mo? Kung kakailanganing tapusin, tapusin na ngayon habang hindi pa malalim ang pagkakaugat.

Wednesday, December 3, 2008

Shalalala~

Masaya lang ako ngayon. Iyon lang naman :) Life will be stressful especially this coming week, but I am so fired-up for it.

Usapang tsinelas

Pangalan:Havaianas

Lugar na pinanggalingan:
São Paulo, Brazil

Pagbigkas:

ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG!-hAH- va- yaH-naZz!! (Filipino)


Materyal na ginamit:
Malupit na goma (High-quality rubber).

Presyo:
Hindi ko alam. Ganito na lang,
1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan


Mga nagsusuot:
Mga konyotik at mga mayaman.

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Masarap isuot.
- 'Shock-absorbent '
- Malambot ngunit matibay.
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
- Mainam na pang-japorms.
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan...
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.


Olats na mga katangian:

Mahal!
Mahal!
Mahal!

_____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ __


Pangalan:
Spartan

Lugar na Pinanggalingan:
Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:

spar-tan (American English)
is-par-tan (Filipino)


Materyal na ginamit:
Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo:
Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.


Mga nagsusuot:
Ako at ang masa! Nyahaha!

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Maaring ipampatay sa ipis.
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
- Pwedeng ipamalengke.
- Mainam gamitin sa tumbang-preso.
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan.
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang
gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay)...


Olats na mga katangian:

* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.

***

Galing kay Jour Dan pero malamang 'di rin siya gumawa nito. Wala lang.

Tuesday, December 2, 2008

Teh