Thursday, August 28, 2008

When did we stop hoping?

Kanina kasi, nagsayang na naman ako ng oras. 12 pm hanggang 6 wala akong ginagawa. Sinubukan kong mag-aral ng Theo pero hindi ko natapos e. Medyo sensitive ako sa Theo at textliner. Nawawala kasi iyong dilaw kong textliner kaya humiram ako kay Luigi. Eh blue. Ayun, hirap na 'kong magbasa. Babaw ko, grabe.

Anyway, kanina dahil nga di ako umuwi agad, nakipagkwentuhan ako sa mga tao-tao tulad nina Bry, Kim at RP. Kailangan ko lang ikwento ito dahil matagal na akong di nakapagkkwento sa mga tao at masaya akong nagawa ko na iyon ngayon.

Pero walang konek iyon sa gusto kong isulat ngayon. (As usual.)

Dahil nga sa hapon na at di pa ako umuuwi, nakasama ko sina Bry sa paggawa nila ng Sci10 project. Magkakaroon sila ng debate tungkol sa pagprioritize ng Food over Biofuels. Hindi ko alam kung tama ang pakiramdam ko, pero ang lumalabas, mabuti talaga para a Pilipinas ang Biofuels.

At doon na nagsimula ang panghihinayang ko.

Or frustration, mas sakto.

Dahil bakit ganun? May mga bagay na talaga namang makabubuti sa nakararami pero di naman naipapatupad. May mga bagay na ang ganda, pero di makita ng ibang tao. May mga debate sa Senado, pero paikut-ikot lang sila. Kanina, naisip ko, sana may grades din ang mga opisyal sa gobyerno. Nakabase roon ang kanilang sweldo at may superstrictstandard para sa kagalingan ng isang opisyal. Sana meron nun, no? Sana nga.

Ayun mabalik tayo sa mga magagandang bagay. Naisip ko rin tuloy yung tipong bakit ang daming nawawalan ng pag-asa. Sobrang ganda ng mundo pag maayos na. Bakit may mga tumitigil sa pag-asa sa pangyayaring iyon? When did they stop hoping for such beautiful things? Nakakalungkot lang talaga e. Na para bang namumuhay nalang ang lahat para makalipas ang araw. Wala nang drive. Maski ako, wala na e. Nakakainis lang. Nakakainis lang na ang dami-dami sigurong magagandang bagay na nangyayari kung naniniwala lang sana tayo.

Parang fairy tale lang yan.

Nababasa natin.

Pero pakiramdam natin totoo. Nadadala sa tunay na buhay. Nagbabago tayo.

At sa bandang huli, hindi nalang siya asa libro.

*

lakas pala humirit ni Maan (maaasahan!)


No comments: