disclaimer::nabanggit ko sa naunang blog entry na sisimulan ko ang isang "line" of blog entry tungkol sa mga bagay-bagay sa akin. at ayos lang siguro sa akin na matawag na banidosa, pagkat madalas na rin namang natawag na haven of vanities ang mga blog ng mga tao, dahil tungkol saan pa nga ba ang mga journal entry kundi sa taong nagsusulat rin nito? oo, minsan tungkol iyon sa iba pang paksa--sa mundong umiinog, sa mga taong sikat at iba pa, pero hahantong at hahantong pa rin iyon sa kung paano nakita ng manunulat ang lahat ng iyon. basahin mo naman hanggang dulo :)
2. umiiyak ako pag kailangan kong gumawa ng anything artsy manually.
pinili ko itong unahin dahil kamakailan lamang ay naranasan ko muli ito. kinailangan naming gumawa ng name tags para sa mga tutee ng NSTP. at dahil nga alam ko na kung anong mangyayari, pinakiusapan ko ang ate ko na gawin ang mga nametag para sa'kin. binigyan ko siya ng idea ng kung anong gusto ko. simple lang naman e. yung patong-patong na papel na paliit nang paliit ang size. parang ganito:: (ayan talagang may sample)
pero wala akong ink para gawin nalang sa computer at walang matinong materials dito sa bahay kaya walang nangyari, pangit nung papel na ginamit niya kaya kinailangan ko siyang pigilan sa ginagawa niya.
at nagsimula na.
umiiyak na'ko kasi naiiinis ako na walang papel at wala akong magawa at walang maisip para sa kanya. sabi ko bilog na lang. ayun, sige bilog nalang. kaso nawawala ang compass.
kaya iniyakan ko lalo.
kasi pagkagupit niya, di sila perfect circles (assuming they exist, that is). basta yun sobrang iniiyakan ko. tas nakakainis pa lalo kasi reklamo ako nang reklamo sa bilog niyang di diretso.
naalala ko tuloy ang pinakamaaga kong alaala ng pag-iyak dahil sa sining. (may ganun. :| )
may takdang babasahin kami noon sa grade school tungkol sa isang elepante. naalala ko pa ang libro. it's either likha or katha. basta iyon. tapos kung hindi ako nagkakamali, may problema rin ang bata sa kwento sa pagguhit. bilang follow-up sa aming babasahin, kailangan naming gumuhit ng elepante. alam mo ba kung gaano kahirap gumuhit ng elepante? grabe. umiiyak na ako. pero ayoko kasing bakatin (i-trace. natutunan namin ito sa mga LTS tutees namin) iyong elepante. masyado akong mayabang upang tanggapin ang katotohanan na kailangan kong bakatin ang elepante.
pero wala na akong magagawa, kaysa ipaguhit ko ang tatay ko na siyang mas nakapanliliit pa kaysa bakatin na lamang iyong larawan at kaysa naman wala akong takdang-aralin na mas masama sa nauna pang dalawa.
kaya ayun, binakat ko ang elepante at may marka pa sa ilalim ng aking bond paper na binakat ko nga ang elepante dahil lumipat ang tinta ng aklat sa likod ng papel at pati na rin sa'kin. dahil simula rin noon nagkatanda na rin ako na hanggang pagbabakat lang ang kaya kong gawin sa visual arts.

No comments:
Post a Comment