kamakailan lamang, ilang beses nasubukan ang aking mga prinsipyo. at napag-alaman kong hindi pa sapat ang aking katatagan sa mga prinsipyong iyon. at hindi naman sa nalulungkot ako at namumuhi sa nasabing katotohanan, ngunit nakababagabag na isipan na madalas, nananatili ako sa gitna.
minsan, kinakausap ako ng isang kaibigang itago nalang natin sa ngalang, "daddy". napunta kami sa usapang mahuhuli kapag gumarahe sa hindi dapat paggarahean. ang sabi niya, nakapaghanda na raw siya ng isasagot sakaling mahuli siya. sabi ko sa isip ko, ganu'n na ba iyon? pinaghahandaan ang pagsisinungaling? at sa pagsisinungaling na iyon e may makukuha rin naman akong benepisyo (at malamang, sa kabaliktaran ay perwisyo) kaya't tumahimik na lamang ako at hindi na umalma.
gayon din ang nangyari minsang kami ay kumakain ng hapunan bilang pamilya. pinabili ang aming kasambahay ng coke sa malapit na tindahan. nang ibalik niya ang sukli, napansin naming sobra ng bente. at sinabi pa ng isang tao na itago nalang natin sa ngalang, "haligi" na wag na raw ibalik dahil kasalanan na rin lang ng tindahan iyon. umalma ako sa pamamagitan ng isang malalim na buntung-hininga. tanging si ate ang nakapansin at nakaintindi. pagkatapos niyon, tuloy ang pagkain.
ngayong umaga habang papasok ay sumabit ang tricycle na aking sinasakyan sa isang kotse. hindi ko alam kung dulot lamang ng mga pangyayari na ako'y natahimik lamang, o dulot ng takot na magkagulo pa lalo sakaling sabihin kong mali nga naman ang nagmamaneho ng kotse. sumabit na nga, tinuloy pa niya kaya nakaladkad iyong tricycle. nonetheless, i kept quiet.
minsan sinabi ni patricia evangelista na ang pananatili sa gitna ay isang insulto sa mga naaapi, dahil nga naman hinahayaan mo lamang na ituloy ng mga nang-aapi ang ginagawa nila. ilang beses na akong natahimik. at hindi pa rin sapat ang lakas ng aking bulong upang ipagsigawan sa lahat.
*
good news:tapos na ang math midterms. not as bad as i thought. binalik na accounting. and God does wonders! :D
bad news: projects nalang...accounting and theo. at sa tuwing iniisip ko sila...nanghihina ako. kinakabahan ako! D:
Friday, August 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment