Wednesday, August 6, 2008

lahat ng alam ko ngayon

disclaimer::nabanggit ko rito na sisimulan ko ang isang "line" of blog entry tungkol sa mga bagay-bagay sa akin. at ayos lang siguro sa akin na matawag na banidosa, pagkat madalas na rin namang natawag na haven of vanities ang mga blog ng mga tao, dahil tungkol saan pa nga ba ang mga journal entry kundi sa taong nagsusulat rin nito? oo, minsan tungkol iyon sa iba pang paksa--sa mundong umiinog, sa mga taong sikat at iba pa, pero hahantong at hahantong pa rin iyon sa kung paano nakita ng manunulat ang lahat ng iyon. basahin mo naman hanggang dulo :)

kanina napasayaw ako sa rasong hindi ko na maalala. haha. yung joke na sayaw. tas sabi ni pierre, "pinagpractise-an mo yan, ano?" sabi ko, oo. pinag-aralan ko. [ginawa ko kasi yung scissors? na ginagawa sa paa.] sabi ko, pati to pinag-aralan ko::

haha. pati ang paggalaw ng tenga. pati yung salit-salit na pagtaas ng kilay. lahat pinag-aralan kong gawin. lahat ng alam ko ngayon, pinag-aralan ko. at siguro isang mahalagang bagay ang malalantad ukol sa'kin dahil sa pahayag na ito. na ang kaalaman ay isang napakahalagang bagay sa'kin.

sa katunayan, ito lang ata ang alam kong gawin.

ang kawalan ng kaalaman ay aking kinatatakutan. kaya kinakabisado ko ang mga numero ng mga tao. para maehersisyo ang utak ko. para mabawasan ang risk ng alzheimer's. di ko alam anong gagawin ko pag nawala ang utak(aspect na gumagana for nonphysical activities i.e. sports,etc) ko.

ito lang ang meron ako. :))




*how about now? :">*


No comments: