Wednesday, August 27, 2008

Ay grabe!

Dapat kasi, may RDL kami ngayon kaya past 4.30 ako uuwi. Kaso di natuloy so dapat uuwi na ako ng 12.30, ang tapos ng aking klase. E ayoko talagang umuuwi sa tanghali. So sabi ko kaninang tanghali, pagkatapos kumain, magsisilbi ako ng service hours ko. Pero nagccrave ako sa sisig kaya nagSisig Hooray muna kami. Tapos dahil namiss ko ang paglunch kasama ang mga tao e di napasarap ang kain at kwentuhan. Natapos na kami ng mga 2.30 at ayoko nang magserve kasi ang bitin. HAHA. Palusot na naman ako sa katamaran ko. So ang ginawa ko na lamang ay pinaphotocopy iyong mga readings para sa Theo. Nagpunta ako sa SecWalk para magbasa kasi doon, hindi ako aantukin. Oo, doon ako madalas nag-aaral. :)) Tapos dumating si Leevan, at tinamad na'ko mag-aral at nakipagkwentuhan na lamang. Sa ngayon e mga tatlo't kalahating oras na ang nasasayang ko. Di pa rin ako umuuwi. Umabot ng 4.30 at di parin ako umuuwi. Dumating na ang mga tao at ayun, napauwi na rin nila ako sa wakas. Hahaha. Pero sandali, may nakalimutan ako! Iyong CD para sa P.E. pretest bukas. Kailangan iburn! D: So ayun...kabobohan. At kailangan 45 minutes of AEROBICS MUSIC. Dude, ayoko ngang mag-edit-edit pa para gumawa ng medley. At 45 minutes? Hello kamusta naman. So ang binalak ko, nagdownload na lamang ako ng medley off Limewire. Meron naman so yey! Kailangan ko lang iloop. E ang kaso... di ako marunong nu'n. Wala ata akong pang-edit ng audio? Or bobo lang talaga ako. Hahaha. Ang tanging naisip koay iloop ito at irecord! Woohoo! So ngayon, nakalipas na ang 28 minutes of PURE AEROBICS MUSIC. Grabe. Haha. Sobrang sabaw na. Tuwing uubo pa ako, kailangan kong pigilan. Hahahaha. Hay. Ang sabaw nitong sinulat ko. Hahaha


Okay sa totoo lang, kaya ayokong umuwi kasi umaasa akong makita ka. At akalain mong andun ka pa pala talaga. Sayang.

No comments: