Name 15 people.
Do not look at the questions below before naming them.
This is fun, try it.
Charles
Tete
Roxy
Odi
Jescia
Bry
Kim
Layos
Bam
Maki
Jourds
Nathan
Sir anton (cause he just went online! :]] )
Ate
Miko
=====================================================================
1. Who is number 3's crush? Roxy
- Marami e.
2. What do you think of number 6? Bry
- Naaamoy ko na o... HAHAHA
3. How old is number 1? Charles
- Ohno uhm... 19?
4. Is number 15 a class officer? Miko
- Back in HS. Ewan ko ngayon.
5. If you think of number 5, what's the first thing that comes to mind? Jescia
- High school moments,etc.
6. Do you have plans with number 4? Odi
- We are so gonna change the world!
7. How about number 7? Kim
- Graduate M.E. tatapusin natin 'to!
8. Does number 14 like anyone from your list? Ate
- Wala naman.
9.Name three things you have in common with number 10? Maki
- we used to like the same guys, t5 kami pareho, parehong sabaw.
10. Do you remember the first time you actually said "hi" to number 11? Jourds
- Orsem?
11. Have you ever been groupmates with number 13? Sir Anton
- HAHA No!
12. Have you ever had a fight with number 8? Layos
- No, but mataray daw ako sa kanya. (Kanino ba hindi?haha)
13. Do you chat often with number 9? Bam
- Hm. Relatively.
14. Are you and number 2 close friends? Tete
- Kinda?
15. Is number 1 good looking? Charles
- HAHAHAHA di e. HAHA joke lang ;)
16. What would you say if number 12 and 14 were dating? Nathan and Ate
- UHM INCEST???
17. What was your first impression of number 7? Kim
- Sikat!
18. Would it be a shock to you if number 11 asked number 3 out? JOURDAN & ROXY
- HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA DI KO TO SINADYA PROMISE.
19. Name one thing you admire about number 9? Bam
- Singer?
20. What do you like most about number 7? Kim
- Dancer. And super tawa lang kami nang tawa. :))
21. Is number 14 sporty? Ate
- Not really.
22. Have you ever eaten out with number 15? Miko
- Yea, ever since we were this small.
23. How long do you know number 9? Bam
- A little over a year?
24. Have you dated number 6? Bry
- Aynako may magagalit! :)) No :)
25. Is number 14 fat for you? Ate
- Ulul no. :))
26. Is number 11 a Heart throb? Jourds
- Well yea...marami naman nagkacrush diyan e. Si Roxy... :D
27. Is number 5 close to number 8? Jescia & Layos
- Nope
28. Did you like someone in the list?
- Yea
29. Does number 8 has a GF? Layos
- Haha wala pa, di pa raw siya ready!Srsly.
30. When did you last see number 10? Maki
- This morning.
31. Did number 1 steal something from you? Charles
- Hihirit ako pero wag nalang ;)
32. Does number 11 insult you? Jourds
- Pag gaguhan, oo.
33. Is there someone in the list you miss so much?
- Yea lahat ata yan.
34. Is number 15 a flirt? Miko
- Haha ewan
35. Who is taller, you or number 13? Sir Anton
- Siya
36. What comes to your mind about number 12? Nathan
- E-pis
37. What are your best moments with number 6? Bry
- Tawanan, bonding, etchos.
38. How about number 1? Charles
- :-?
39. Did number 7 say "i love you" to you? Kim
- Oo, crush ako niyan e! :))
40. What's your theme song with number 6? Bry
- UHHH Tong Hua? =))
41. What's your current relationship with number 10? Maki
- Friend
42. How about number 5? Jescia
- Cousin and friend
43. How does number 14 look like? Ate
- Di ko kamukha.
44. What do you do everytime you see number 12? Nathan
- Hug him or pagalitan. :))
45. In 5 or ten years, what will be the future of number 6? Bry
- UHM SOBRANG TANDA NA NIYA NUN. ahahah
46. Last person you texted in the list?
- Charles.
47.Does number 1 hates someone in the list? Charles
- Ex-lover niya? =))
48. How do you find number 7? Kim
- You just shout, G!!! haha corny. Talented.
49. Is number 13 Adventurous? Sir Anton
- Ewan. haha. ITM Adventure!
50. Is number 4 a trust worthy friend? Odi
- Simple lang sagot diyan. Yes.
Thursday, August 28, 2008
When did we stop hoping?
Kanina kasi, nagsayang na naman ako ng oras. 12 pm hanggang 6 wala akong ginagawa. Sinubukan kong mag-aral ng Theo pero hindi ko natapos e. Medyo sensitive ako sa Theo at textliner. Nawawala kasi iyong dilaw kong textliner kaya humiram ako kay Luigi. Eh blue. Ayun, hirap na 'kong magbasa. Babaw ko, grabe.
Anyway, kanina dahil nga di ako umuwi agad, nakipagkwentuhan ako sa mga tao-tao tulad nina Bry, Kim at RP. Kailangan ko lang ikwento ito dahil matagal na akong di nakapagkkwento sa mga tao at masaya akong nagawa ko na iyon ngayon.
Pero walang konek iyon sa gusto kong isulat ngayon. (As usual.)
Dahil nga sa hapon na at di pa ako umuuwi, nakasama ko sina Bry sa paggawa nila ng Sci10 project. Magkakaroon sila ng debate tungkol sa pagprioritize ng Food over Biofuels. Hindi ko alam kung tama ang pakiramdam ko, pero ang lumalabas, mabuti talaga para a Pilipinas ang Biofuels.
At doon na nagsimula ang panghihinayang ko.
Or frustration, mas sakto.
Dahil bakit ganun? May mga bagay na talaga namang makabubuti sa nakararami pero di naman naipapatupad. May mga bagay na ang ganda, pero di makita ng ibang tao. May mga debate sa Senado, pero paikut-ikot lang sila. Kanina, naisip ko, sana may grades din ang mga opisyal sa gobyerno. Nakabase roon ang kanilang sweldo at may superstrictstandard para sa kagalingan ng isang opisyal. Sana meron nun, no? Sana nga.
Ayun mabalik tayo sa mga magagandang bagay. Naisip ko rin tuloy yung tipong bakit ang daming nawawalan ng pag-asa. Sobrang ganda ng mundo pag maayos na. Bakit may mga tumitigil sa pag-asa sa pangyayaring iyon? When did they stop hoping for such beautiful things? Nakakalungkot lang talaga e. Na para bang namumuhay nalang ang lahat para makalipas ang araw. Wala nang drive. Maski ako, wala na e. Nakakainis lang. Nakakainis lang na ang dami-dami sigurong magagandang bagay na nangyayari kung naniniwala lang sana tayo.
Parang fairy tale lang yan.
Nababasa natin.
Pero pakiramdam natin totoo. Nadadala sa tunay na buhay. Nagbabago tayo.
At sa bandang huli, hindi nalang siya asa libro.
*
lakas pala humirit ni Maan (maaasahan!)

Wednesday, August 27, 2008
Ay grabe!
Dapat kasi, may RDL kami ngayon kaya past 4.30 ako uuwi. Kaso di natuloy so dapat uuwi na ako ng 12.30, ang tapos ng aking klase. E ayoko talagang umuuwi sa tanghali. So sabi ko kaninang tanghali, pagkatapos kumain, magsisilbi ako ng service hours ko. Pero nagccrave ako sa sisig kaya nagSisig Hooray muna kami. Tapos dahil namiss ko ang paglunch kasama ang mga tao e di napasarap ang kain at kwentuhan. Natapos na kami ng mga 2.30 at ayoko nang magserve kasi ang bitin. HAHA. Palusot na naman ako sa katamaran ko. So ang ginawa ko na lamang ay pinaphotocopy iyong mga readings para sa Theo. Nagpunta ako sa SecWalk para magbasa kasi doon, hindi ako aantukin. Oo, doon ako madalas nag-aaral. :)) Tapos dumating si Leevan, at tinamad na'ko mag-aral at nakipagkwentuhan na lamang. Sa ngayon e mga tatlo't kalahating oras na ang nasasayang ko. Di pa rin ako umuuwi. Umabot ng 4.30 at di parin ako umuuwi. Dumating na ang mga tao at ayun, napauwi na rin nila ako sa wakas. Hahaha. Pero sandali, may nakalimutan ako! Iyong CD para sa P.E. pretest bukas. Kailangan iburn! D: So ayun...kabobohan. At kailangan 45 minutes of AEROBICS MUSIC. Dude, ayoko ngang mag-edit-edit pa para gumawa ng medley. At 45 minutes? Hello kamusta naman. So ang binalak ko, nagdownload na lamang ako ng medley off Limewire. Meron naman so yey! Kailangan ko lang iloop. E ang kaso... di ako marunong nu'n. Wala ata akong pang-edit ng audio? Or bobo lang talaga ako. Hahaha. Ang tanging naisip koay iloop ito at irecord! Woohoo! So ngayon, nakalipas na ang 28 minutes of PURE AEROBICS MUSIC. Grabe. Haha. Sobrang sabaw na. Tuwing uubo pa ako, kailangan kong pigilan. Hahahaha. Hay. Ang sabaw nitong sinulat ko. Hahaha
Okay sa totoo lang, kaya ayokong umuwi kasi umaasa akong makita ka. At akalain mong andun ka pa pala talaga. Sayang.

Tuesday, August 26, 2008
Don't Leave
Please don't leave;
I have learned to lie my life with you in it.
Please don't leave,
and stop giving me stupid reasons
to justify your stupid act.
Please don't leave;
life has been crazy, I don't know if I'd manage without you.
So please.
Don't leave.

--para sa kasambahay naming aalis daw kasi aalis na yung pinsan niya (na asa manila rin) haha! accounting LT2 was hard. The hard that makes you want to just stop and give up. And not mope around about it because you just know--it's beyond ur capacity. Haha. Bawi next time :) I still don't have the drive for school. Someone give it back to me. Thanks.
ang selosa ko pala. D:
ang selosa ko pala. D:
Sunday, August 24, 2008
panakip-butas
sa aking blog. ;) Araw ng Kagitingan ngayon at may naiiisip na'kong isulat pero kulang pa ng substance. Kaya eto nalang muna.
ANSWER THESE QUESTIONS AS HONESTLY AS YOU CAN.
12. What do you do when your heart is broken?
* Cry.
13. Are you a good friend?
* I don't think so.
14. What is your hobby?
* (sabi honestly daw so) writing, taking accidentally matinong pictures, ym, and... other geekeries :)
16. Do you wear contact lenses?
* No
17. What is your favorite c0l0r?
* Sa ngayon, yellow. Oh and the color of my dress for Mia's debut. haha
18. Have you ever lost your phone?
* No
19. Who do you miss the most?
* Sa totoo lang, Jill and Charles and Jescia sana kaso nakabond na kita nung Friday ;) and Jour Dan too.
20. Will you ever admit to your crush that you like him/her?
* Sure.

1. Are you happy?
* Hm. Relatively.
2.Who are you chatting with right now?
* Charles
3. What's the last thing you bought?
* Hazelnut Latte
4. Who were the last people you hung out with?
* Accounting groups study mates. Pierre, Roxy, Kev, RP
5. Have you ever broken a promise?
* Yea.
6. Have you ever fallen in love with a friend?
* Yes?
7. What are you most excited about?
* Sembreak!
8. What do you usually do when you're bored?
* Write something.
9 . Who was the last person to text u?
* Charles
10. Who was the last person you gave a testimonial?
* Sa Friendster? Sino pang gumagamit ng Friendster? Show of hands!
11. Do you talk to yourself?
* A lot.
12. What do you do when your heart is broken?
* Cry.
13. Are you a good friend?
* I don't think so.
14. What is your hobby?
* (sabi honestly daw so) writing, taking accidentally matinong pictures, ym, and... other geekeries :)
16. Do you wear contact lenses?
* No
17. What is your favorite c0l0r?
* Sa ngayon, yellow. Oh and the color of my dress for Mia's debut. haha
18. Have you ever lost your phone?
* No
19. Who do you miss the most?
* Sa totoo lang, Jill and Charles and Jescia sana kaso nakabond na kita nung Friday ;) and Jour Dan too.
20. Will you ever admit to your crush that you like him/her?
* Sure.
Saturday, August 23, 2008
Panuorin
Makulimlim ang araw na ito. Katatapos lamang ng ulan at nariyan ka nagtatago sa ilalim ng iyong cocoon--isang malaking plastic na umitim na rin kasama ka. Minsan iniisip ko nga, anong klaseng paruparo ang lalabas sa ilalim niyon. Ikaw ba'y magkakaro'n ng malalapad na pakpak na may mga bintanang tinatagusan ng ilaw tulad ng nakikita ko sa mga larawan ng mga simbahan? O magiging isang itim at malungkot na imahe na hindi nalalayo sa iyong pinagmulan?
*
Ngayong papasok ako at naglalakad ay madadaanan na naman kita. Mukhang araw-araw na ito dahil ipinagbawal na nila ang mga tricycle sa Katipunan. Nakita kitang nagkakamot ng kili-kili. Ang puti mo pala noon.
*
Wala ka ngayon; kinabahan ako. Sabi nila, baka lumipat ka lang. Sana nga.
*
Lumipat ka nga lang. At ipinaalam mo nga sa'king buhay na buhay ka't naroon--sa pamamagitan ng isang tahol, isang ubo.
*
Kakaiba ang araw ngayon. Nakaharap ka sa iyong pader at kinikiskis ang bawat bahagi ng katawan. Tila nililinis ang sarili--nang may pandidiri--mula sa dumi ng mundong hindi mo nais kagalawan.
*
Gabi na at daraan muli ako sa iyo. Ito na ata ang pinakagabing pag-uwi ko. Ano kaya itsura mo kung natutulog? Natutulog ka kaya? Paano?
Bakit nga ba ang sarap mong panoorin?
Ito ang mga tanong na nagpapaingay sa madilim na gabing ito nang palitan ito ng,
"Ano iyon?"
Mabilis akong nahatak paatras sa may leeg. Payong ata ang ginamit. Natawa pa ako sa kaibahan ng kagamitan.
Pero hindi na ito nakakatawa.
Nasasakal ako,
"Sino ka?"
Isa pang Kuya Itim? Hindi maaari. Ilang hakbang pa bago ang iyong lungga. Bihira ka kung tumayo. Ibang kuya ito. Ngunit itim din siya. At walang anumang tumatakbo sa'king isipan hanggang sa itulak na ako sa pader. Nauntog ako at nakita kita nang mapabalikwas ako sa kaliwa upang iwasan ang lumalapit niyang mukha.
At habang pinupunit niya ang aking mga damit ay nayuyurak ang aking damdamin.
Hindi mo ba nakikita ang apoy sa aking mga mata?
Hindi ko maintindihan ang lamig ng sa iyo.
Sabay.
Sabay nayuyurak ang aking mga damit
at damdamin
pagkat pinanonood kitang
panoorin ako.
-----
jealous of the game that is dota.

Thursday, August 21, 2008
Wanna help?
Walang magawa?
Feeling matulungin?
Marunong managalog?
May kaunting kaalaman sa mga Negrito?
Then you're the perfect person for the job.
Gawan mo naman ng homework kapaitd ko,o.
Tinatamad na'ko e.
Simple lang.
Tula tungkol sa mga kapatid nating Negrito.
Maski 3 stanzas lang.
Please.
Naiirita na ko.

Wednesday, August 20, 2008
you dropped it.
like a tree would do to an old leaf;
and an irresponsible mom to a nasty diaper.
you shamelessly dropped it
like the bird on the tree above my car.
you dropped it,
and i scramble for it.

Someone gave Kuya Itim some food today. Yea, maybe they have good intentions. But dropping it? Like it's some excess you can always live without? (Well, yea, you can.) And you even laughed after you did it.
Sorry. Bad trip. I may actually be the one who's falling harder.
On a lighter note, I have this really weird thing going on with God. HAHA. I asked Him to give me some signs. Yes, I know it's not right to do that. Which is partly the reason why I didn't really ask for the signs. Basta I thought of the signs
If InputBox = "white" and x = "no" Then
MsgBox= "Something"
End If
But I figure I'd be very scared of Something and so I really didn't ask God.
But both of the conditions were met. Does this mean Something?
le sigh. I am weird.

Pakipaalalahanan ako.
Tungkol sa mga bagay na alam ko noon tulad ng panunula, pagsusulat, pagmamahal sa wika, at higit sa lahat...ang pinakanakagugulumihanang tanong::
Bakit aerobics ang kinuha kong p.e.?
:|
Bakit aerobics ang kinuha kong p.e.?
:|
Tuesday, August 19, 2008
ate,ate!
nagmamadaling pumasok si nathan sa kwarto.
at isinara ang pinto.
"ate,ate! *says something in his own version of english which translates to keep the door closed*"
"o bakit, meron na naman?"
"na?"
"mmouse?"
"no! starts with an e!"
*knowing nathan...*
"E-pis?"
"yes!"
=))

*knowing nathan..."

Saturday, August 16, 2008
ohno
as i fill my ears
with noise
to keep me silent,
we passed by
this edifice--
mighty and polished.
the thought came too quickly
and it said,
i want to be there.
*
there = house of representatives
with noise
to keep me silent,
we passed by
this edifice--
mighty and polished.
the thought came too quickly
and it said,
i want to be there.
*
there = house of representatives
Thursday, August 14, 2008
totoo ba?
bawal na raw ang tricycle sa katipunan?
ibinalita sa akin ni bry na bawal na raw ang mga tricycle sa katipunan. wala akong paki sa mga commuters. commuter rin ako. at kaya kong maglakad. o pwede ring magjeep papuntang gate ng ateneo. pero ang inaalala ko e iyong mga manong. bagamat ayon kay bry ay lalagyan daw ng terminal sa gate 2.5 at 3 para sa mga papasok sa ateneo, sobrang mababawasan ang maliit nang kinikita ng mga tricycle drivers.
isipin mo nalang, kung ikaw commuter at nagtitipid ka rin dahil sa hirap ng buhay, kung nilakad mo na iyong distansiyang iyon o di kaya sumakay na ng jeep, sasakay ka pa ba ng tricycle? hindi na, uy! sobrang oh no sa mga manong ng trike...
naririnig ko na ang boses ng manong ng nasakyan kong tricycle noong nabangga at sumabit sa kotse.
nangininig at para bang iiyak na.
at ngayon,
hindi lang iisa.
lahat na sila.
WTH IS HAPPENING IN KATIPUNAAAAAAAAAAAAN.
sana'y pabulaanan ito ng sinuman. sige na. sabihin niyong hindi ito totoo!

Tuesday, August 12, 2008
lunod
dahan dahang namuo ang mga bula
sa aking ilong
at sa gaan nila,
sila'y lumutang
at nawala rin.
kumindat ako nang dalawang beses.
binabasa ang basa na.
sumisikip ang lalamunan
at hindi makapasok ang hangin.
kumindat muli
lumunok
at saka
iniahon
ang ulo.
*
Why are you downcast, my soul; why do you groan within me? Wait for God, whom I shall praise again, my savior and my God.
--Psalms 42:6

Monday, August 11, 2008
eh sorry
bakit daw kasali ako,
e basic lang naman ako.
e sorry naman!
i failed the first two lt's e.
sumbatan ko kayo ng grades ko e.
pakita ko sa inyong may ibubuga ako.
>:P
e basic lang naman ako.
e sorry naman!
i failed the first two lt's e.
sumbatan ko kayo ng grades ko e.
pakita ko sa inyong may ibubuga ako.
>:P
Sunday, August 10, 2008
i am stalling.
kahapon, pinakuha ni itay kay nathan iyong tsinelas niya.
sabi ni nathan,
"daddy...ba't ang tamad niyo?"
hahaha
sabi ni nathan,
"daddy...ba't ang tamad niyo?"
hahaha
Friday, August 8, 2008
sa pagiging asa gitna
kamakailan lamang, ilang beses nasubukan ang aking mga prinsipyo. at napag-alaman kong hindi pa sapat ang aking katatagan sa mga prinsipyong iyon. at hindi naman sa nalulungkot ako at namumuhi sa nasabing katotohanan, ngunit nakababagabag na isipan na madalas, nananatili ako sa gitna.
minsan, kinakausap ako ng isang kaibigang itago nalang natin sa ngalang, "daddy". napunta kami sa usapang mahuhuli kapag gumarahe sa hindi dapat paggarahean. ang sabi niya, nakapaghanda na raw siya ng isasagot sakaling mahuli siya. sabi ko sa isip ko, ganu'n na ba iyon? pinaghahandaan ang pagsisinungaling? at sa pagsisinungaling na iyon e may makukuha rin naman akong benepisyo (at malamang, sa kabaliktaran ay perwisyo) kaya't tumahimik na lamang ako at hindi na umalma.
gayon din ang nangyari minsang kami ay kumakain ng hapunan bilang pamilya. pinabili ang aming kasambahay ng coke sa malapit na tindahan. nang ibalik niya ang sukli, napansin naming sobra ng bente. at sinabi pa ng isang tao na itago nalang natin sa ngalang, "haligi" na wag na raw ibalik dahil kasalanan na rin lang ng tindahan iyon. umalma ako sa pamamagitan ng isang malalim na buntung-hininga. tanging si ate ang nakapansin at nakaintindi. pagkatapos niyon, tuloy ang pagkain.
ngayong umaga habang papasok ay sumabit ang tricycle na aking sinasakyan sa isang kotse. hindi ko alam kung dulot lamang ng mga pangyayari na ako'y natahimik lamang, o dulot ng takot na magkagulo pa lalo sakaling sabihin kong mali nga naman ang nagmamaneho ng kotse. sumabit na nga, tinuloy pa niya kaya nakaladkad iyong tricycle. nonetheless, i kept quiet.
minsan sinabi ni patricia evangelista na ang pananatili sa gitna ay isang insulto sa mga naaapi, dahil nga naman hinahayaan mo lamang na ituloy ng mga nang-aapi ang ginagawa nila. ilang beses na akong natahimik. at hindi pa rin sapat ang lakas ng aking bulong upang ipagsigawan sa lahat.
*
good news:tapos na ang math midterms. not as bad as i thought. binalik na accounting. and God does wonders! :D
bad news: projects nalang...accounting and theo. at sa tuwing iniisip ko sila...nanghihina ako. kinakabahan ako! D:

Wednesday, August 6, 2008
lahat ng alam ko ngayon
disclaimer::nabanggit ko rito na sisimulan ko ang isang "line" of blog entry tungkol sa mga bagay-bagay sa akin. at ayos lang siguro sa akin na matawag na banidosa, pagkat madalas na rin namang natawag na haven of vanities ang mga blog ng mga tao, dahil tungkol saan pa nga ba ang mga journal entry kundi sa taong nagsusulat rin nito? oo, minsan tungkol iyon sa iba pang paksa--sa mundong umiinog, sa mga taong sikat at iba pa, pero hahantong at hahantong pa rin iyon sa kung paano nakita ng manunulat ang lahat ng iyon. basahin mo naman hanggang dulo :)
kanina napasayaw ako sa rasong hindi ko na maalala. haha. yung joke na sayaw. tas sabi ni pierre, "pinagpractise-an mo yan, ano?" sabi ko, oo. pinag-aralan ko. [ginawa ko kasi yung scissors? na ginagawa sa paa.] sabi ko, pati to pinag-aralan ko::
haha. pati ang paggalaw ng tenga. pati yung salit-salit na pagtaas ng kilay. lahat pinag-aralan kong gawin. lahat ng alam ko ngayon, pinag-aralan ko. at siguro isang mahalagang bagay ang malalantad ukol sa'kin dahil sa pahayag na ito. na ang kaalaman ay isang napakahalagang bagay sa'kin.
sa katunayan, ito lang ata ang alam kong gawin.
ang kawalan ng kaalaman ay aking kinatatakutan. kaya kinakabisado ko ang mga numero ng mga tao. para maehersisyo ang utak ko. para mabawasan ang risk ng alzheimer's. di ko alam anong gagawin ko pag nawala ang utak(aspect na gumagana for nonphysical activities i.e. sports,etc) ko.
ito lang ang meron ako. :))
*how about now? :">*

Tuesday, August 5, 2008
let me feed your ego
ehem. :))
1. Reply and I will write something I like about you.
2. I will then tell what song reminds me of you.
3. If I were to apply an o'clock to you, I'll tell you what it would be.
4. I will try to name a single word that best describes you.
5. I'll tell you the most memorable moment I've had with you.
6. I will tell you what color you remind me of.
7. Put this in your journal. OR NOT.
from tete. haha. cause i'm bored :( and i refuse to continue answering the case in accounting and read in advance about differentials. iinom ng baileys ang mga tao dito sa bahay ngayon dahil birthday ng aming kasambahay (yes, meron na kami after 3 YEARS OF HUGAS PLATO-ING!). so anong iinumin ko, coke? :))
*sobrang tagtuyot ako ngayon.
...sa pagkamalikhain. :(

Saturday, August 2, 2008
bakatin mo ang elepante
disclaimer::nabanggit ko sa naunang blog entry na sisimulan ko ang isang "line" of blog entry tungkol sa mga bagay-bagay sa akin. at ayos lang siguro sa akin na matawag na banidosa, pagkat madalas na rin namang natawag na haven of vanities ang mga blog ng mga tao, dahil tungkol saan pa nga ba ang mga journal entry kundi sa taong nagsusulat rin nito? oo, minsan tungkol iyon sa iba pang paksa--sa mundong umiinog, sa mga taong sikat at iba pa, pero hahantong at hahantong pa rin iyon sa kung paano nakita ng manunulat ang lahat ng iyon. basahin mo naman hanggang dulo :)
2. umiiyak ako pag kailangan kong gumawa ng anything artsy manually.
pinili ko itong unahin dahil kamakailan lamang ay naranasan ko muli ito. kinailangan naming gumawa ng name tags para sa mga tutee ng NSTP. at dahil nga alam ko na kung anong mangyayari, pinakiusapan ko ang ate ko na gawin ang mga nametag para sa'kin. binigyan ko siya ng idea ng kung anong gusto ko. simple lang naman e. yung patong-patong na papel na paliit nang paliit ang size. parang ganito:: (ayan talagang may sample)
pero wala akong ink para gawin nalang sa computer at walang matinong materials dito sa bahay kaya walang nangyari, pangit nung papel na ginamit niya kaya kinailangan ko siyang pigilan sa ginagawa niya.
at nagsimula na.
umiiyak na'ko kasi naiiinis ako na walang papel at wala akong magawa at walang maisip para sa kanya. sabi ko bilog na lang. ayun, sige bilog nalang. kaso nawawala ang compass.
kaya iniyakan ko lalo.
kasi pagkagupit niya, di sila perfect circles (assuming they exist, that is). basta yun sobrang iniiyakan ko. tas nakakainis pa lalo kasi reklamo ako nang reklamo sa bilog niyang di diretso.
naalala ko tuloy ang pinakamaaga kong alaala ng pag-iyak dahil sa sining. (may ganun. :| )
may takdang babasahin kami noon sa grade school tungkol sa isang elepante. naalala ko pa ang libro. it's either likha or katha. basta iyon. tapos kung hindi ako nagkakamali, may problema rin ang bata sa kwento sa pagguhit. bilang follow-up sa aming babasahin, kailangan naming gumuhit ng elepante. alam mo ba kung gaano kahirap gumuhit ng elepante? grabe. umiiyak na ako. pero ayoko kasing bakatin (i-trace. natutunan namin ito sa mga LTS tutees namin) iyong elepante. masyado akong mayabang upang tanggapin ang katotohanan na kailangan kong bakatin ang elepante.
pero wala na akong magagawa, kaysa ipaguhit ko ang tatay ko na siyang mas nakapanliliit pa kaysa bakatin na lamang iyong larawan at kaysa naman wala akong takdang-aralin na mas masama sa nauna pang dalawa.
kaya ayun, binakat ko ang elepante at may marka pa sa ilalim ng aking bond paper na binakat ko nga ang elepante dahil lumipat ang tinta ng aklat sa likod ng papel at pati na rin sa'kin. dahil simula rin noon nagkatanda na rin ako na hanggang pagbabakat lang ang kaya kong gawin sa visual arts.

because i love being random
and i have been trying to write something for this blog these past few days (and failed) i share with you some random stuff about me. whu. so vain. :)) maybe i'll write about them sometime.
1. di ako marunong mag-bike.
2. umiiyak ako pag kailangan kong gumawa ng anything artsy manually.
3. kung may choice ako, round-ended teaspoons lang ang gagamitin ko :)
4. meron akong labing-isang nunal sa kanang braso. (dati 7 lang.)
5. meron akong kakaibang talento. kaya kong pagalawin ang kanang tenga, pagulungin ang dila patagilid (both sides!), pakulutin ang dila, itaas ang parehong kilay nang salit-salit.
6. walang tunog ang tawa ko.
7. takot ako sa bola.
8. takot ako sa hayop.
9. wala akong alam sa larang ng pamapalakasan.
10. tinatrato ko ang minesweeper bilang pahinga.
sige magkakaroon ako ng bagong "line" (parang damit) of blog entries. may pahabol pa pala,
11. mahilig akong magsimula ng mga bagay at hindi sila tapusin tulad ng kaligayahan "line" of blog entries ko, hindi ko na natuloy at baka di ko rin matuloy itong random "line".
ang random nakakairita.

Subscribe to:
Posts (Atom)