Kanina lang kasi inupload ni Sir ang exemptions sa Theo finals, at sa awa ng Diyos, exempted ako. "Sa awa ng Diyos" dahil ibig sabihin noon ay may pag-asa pa ang grades ko sa Theo akala ko bababa ako sa C+ ngayong sem, pero hindi naman. At woohoo salamat po. Pero kaakibat ng exemption ay ang pagpasa ng isang essay na magiging pamalit ng Finals. (Wag niyo ko tanungin, ang labo talaga ng patakarang ito. :| ) Dalawa hanggang tatlong pahina lang naman, double-spaced na naglalaman ng sagot sa tanong na, "What is your personal response to the challenge presented by Catholic theology?" Ang hamon: Choose God, or deny Him. Madaling sabihin, pero mahirap gawin. At lalong mahirap gawan ng papel. Sa ngayon ay may ideya na ako. Ganito kasi ako gumawa ng papel, kailangan may unifying theme sa buong papel. Nadadala ko ang panunula maski sa mga sanaysay. Sa ngayon ay nasa kalahating papel na ako at intro pa lamang ang nagagawa ko. Hindi ko na alam pa'no pa ituloy. Ahay.
Sa hindi gaanong magandang balita, bigla nalang dumating sa'kin ang isang nakakairitang katotohanan. Nagmath finals kami kahapon at dahil ata sa sobrang saya kong nilabas ang isang tanong na sinasagutan namin noong kami'y nag-aaral ay na-careless ako. Ginamit kong conversion factor mula hours to seconds ay... 1 is to 60. SIXTY? ANG BOBO. Ganu'n kabilis ang isang oras ko. 60 seconds. AnakKaNgTinalupangTupa! :( Oh well. Itutuloy ko nalang uli ang Theo...

No comments:
Post a Comment