Thursday, October 30, 2008

Beside the teacher's table

*finally, something to write about. kasi kayo e! mag update nga kayo ng mga multiply niyo! haha tell me about your oh-so-fabulous sembreaks. hahaha

If I look back on my high school days and will have to pin point those moments with the most valuable education, those moments will have to be when I sat beside the teacher's table.

Now, please, don't tell me I'm such a teacher's pet although I will have to admit I was something close sometimes.

Anyway, the memories beside the teacher's table are quite vivid, especially those with Miss Aniago. Whenever we have to rewrite certain essays, or write new ones, I'd get to spend time talking with this brilliant teacher. If I remember right we discussed El Fili and other novels further, her controversial love story with a seaman, and definitely some of my dreams.

I like sitting next to the teacher's table. I get to ask questions which aren't really necessary but are related to the topic--applications to life, more often than not. But really, it was more of getting to know the teachers, letting them reveal who they really are, when they don't have to stand up and follow what is set on the lesson plan, when they don't have to see what their students are doing, when they get to rest.

So why write about these experiences aside from the obvious fact that I am very very bored? I miss those days. In college, only two professors were stimulating enough to make me want to ask. Sir Nori of Fil12 and Sir Jimenez of Theo121. Although I never really got to ask Sir Jimenez cause he looks a lot scarier. haha.

Also, I was reminded of these experiences because our family's been praying the rosary for two nights now because Mary's statue is here for the rosary month. (My mom's been praying since the start of October.)

Anyway, praying the rosary reminded me of the feeling I've always felt in high school. See, we pray in the morning, before every meal, before every period and before we go home. We memorize every single prayer and had them engraved on our tongues. When we have to pray them, they just roll of our tongues. It kinda made me feel guilty cause we're not really meaning any of our words.

So beside the teachers table I asked our religion teacher then, Miss Malayas. Why pray? I feel that this isn't even praying. Should we still pray? I don't mean anything anyway.

She said, "Pray anyway".

Now maybe my question was weird. I think the only reasonable answer is to pray, meaning every single word. But what she said, "pray anyway" made me pray anyway until I realized how stupid my question was and how obvious the answer is.

Now I try to pray. In the real sense of the word.

*
Read twilight already, it's not the type of the book that I'd want to read again and again. Truth is, for me, it's the book that you read just cause.

Tuesday, October 28, 2008

uhm

i miss writing.

Tuesday, October 21, 2008

Le sigh.


And when the universe has finished exploding, all the stars will slow down, like a ball that has been thrown to the air, and they will come to a halt and they will begin to fall toward the center of the universe again. And then there will be nothing to stop us from seeing all the stars in the world because they will all be moving toward us, gradually faster and faster, and we will know that the world is going to end soon because when we look up into the sky at night there will be no darkness, just the blazing light of stars, all falling.

*

from The Curious Incident of the Dog in the Night-time by Mark Haddon. Am reading it again. Ah! I am emo.

Are you happy?

Nathan wrote this list on his pad paper::

Owen is nat happy.

Marie Jon is happy.

It was a list of his classmates, and whether they were happy or not. I was reminded of his usual question before, "Ate, are you happy?"

Right now, I'm just not that happy. Don't ask me why, I don't know either. >.<

Monday, October 20, 2008

Si Lord talaga o.

Kung anong hiningi mo, iyon ang ibibigay. Haha. Salamat po :D Will do better next sem. And all the other sems. Right? Right.

pedis specto

Sumayaw-sayaw ang ilaw sa'king mga mata...

parang treng dumaan

o mga alitaptap ba?

Hindi ko alam.

basta't sila'y sumasayaw

sa likod ng umaagos na grupo ng mga binting

naglalakad

paroo't parito.

Saan nga ba sila patungo?

Pakaliwa? Pakanan? Patungo sa akin?

At habang inaakala mong alam mo na:

"Pakaliwa ang agos ng mga nagmamadaling ito."

ay biglang may sisira ng agos.

"Hindi, hindi, pakanan!"

O di kaya'y titigil na lamang silang dumating,

mawawala,

lilinlangin akong hindi na sila nagmamadali.

At saka ko makikita ang nakasisilaw na ilaw

mabababad ang aking mga mata.

Lilinlangin akong hindi na sila darating

at saka ko makikita

sumasayaw-sayaw ang mga ilaw sa'king mga mata.

*

Grades will hopefully be up later midnight. I am scared. Gah. Guys, join expo tour. Please :(

Saturday, October 18, 2008

ipaliwanag mo sa akin.

Minsan, tinanong ako ng bulag:

"Ano ang dilaw? Ipaliwanag mo sa akin."

Ah...Madali lang ito. Dilaw. Dilaw ang kulay ng araw, ng mangga, ng saging na hinog...

at sa kalagitnaan ng aking pananalita, gitlang-gitla ako sa mukha ng bulag. Walang bahid ng, "Ah..Naiintindihan ko na." Nabatid ko ang aking kahangalan. Hindi pa niya ito nararanasan. Naghintay pa rin ang bulag at akin siyang tinitigan.

Hindi maaari. Hindi talaga maaari. Hindi hangga't iyong nararanasan.

Nawala ang kulay sa mukha ng bulag at lumakad papalayo. At niyong sandaling iyon ay isinigaw ko ang isang pahabol:

Ginoo, minsan ba'y ika'y naging masaya na?

"Oo naman, oo naman."

Kung gayon iyon ang dilaw. Gano'n ang dilaw.

*

Tulang isinulat ko para kay Therese Lansangan nang hingan kami ng isang alaala para sa kanya. Sa rami ng pinagsamahan, ang hirap ipaliwanag. Kaya eto nalang. Muli, maligayang bati ;)

Para kay Therese:: Kung mababasa mo man iyong sinulat ko sa canvas, at iba ang nakasulat dito, ito paniwalaan mo dahil pinahaba ko lang iyong sa canvas :)) At sakali mang magkaiba ang nakasulat dito at sa kopyang kinuha mo, pasensya na. Haha Inalala ko lang kasi to at hinugot sa utak, BAT MO KASI KINUHA KOPYA KO >:P haha

Friday, October 10, 2008

i've been really productive

this sembreak. haha

Tagged by Dyaime

The rules are: Remove one (1) question from below, and add in your personal question, make it a total of 20 questions, then tag eight (8) people in your list. List them out at the end of the post.

1. What if God was one of us?

---> I will have to agree with Jaime. We most probably will dismiss Him as a lunatic.

2. Who would you love to kill most and why?

--->mga daga,thankyouverymuch. haha

3. Have you ever shoplifted?

--->Nope :)

4. Where would you like to go to the most?

--->France din! Haha. But not necessarily Paris.

5. What is your guilty pleasure?

--->Doing something great and being appreciated for it.

6. When you encounter a sad moment, what do you do?

---> I cry. :D

7. If you win $1 million, what would you do?

--->I'd buy stuff for myself and invest it somewhere and when I get enough returns, I'll build a foundation,yey!

8.What makes you really happy?

---> random, simple stuff :D

9. List 3 good points of the person who tagged you.

Dyaime Lizada
a. Matalino, at may talino.
b. Sabaw kung sabaw!
c.Mga alaala :D

10. How do you cope with boredom?

---> I write, I read, I ym, I sleep, I eat.

11. What kind of person do you hate the most?

--->Mga walang paniniwala

12. After you graduate from university, where do you see yourself living?

--->In a condo somewhere in Manila :D

13. If you have one wish, what would you wish for?

---> Yung kaisa-isang wish na hinihiling ko sa lahat ng platenumbers at stars ever since high school.

14. Given a chance to join a reality show, which one would you join?

--->UHM. ANTM. ULUL. hahaha

15. What's your favourite TV show?

--->House

16. Would you go back in time if you were given the chance?

--->Hmmm. Ayoko, baka may maiba rin sa mga gusto kong nangyari.

17. What do you remember me most for?

--->Sabaw moments.

18. If you get to live someone else's life for a day, whose life would you want to live?

--->Some random politician.

19. When you die, what is it you'd like to be remembered for:

--->homoverus! Asa. hahaha

20. if you were to give a title to your Autobiography, what would it be?

--->Life is Random :)

Comics Section

Ako'y umupo sa aking trono--
ramdam ko ang lamig ng semento at dinig ko
ang katahimikan ng aking bulwagan.

Handa nang buksan
ang pinto ng aking kaharian,
at nang gawin nga'y
napuno na ng pagdadaldalan.

Mga salitang nag-aagawan
para sa'king atensyon
mga hinaing
mga bagong kwento.

Nasa kalagitnaan pa lamang ako'y
tatawagin na'ko ng isa.
Ang daming "importante"
ang daming pangyayari.

Kaya't sa ingay ng lahat ng ito'y
ako'y namaytay na lamang.
Binuklat ang aking pahayagan
at binasa na lamang ang katatawanan.

--

gets niyo naman, diba? :D Naglinis ako ng kwarto koooo. Am so proud of myselfff. haha. \:D/ Sobrang dami kong hindi alam sa mga pangyayari sa mundo sa nakaraang mga buwan. Di ko akalain may (mga) bagong pusa na naman pala kami! Nanganak nang hindi ko namamalayan. Hindi naman sila nakatira sa loob ng bahay at di rin namin sila inaalagaan pero nasa loob ng compound namin. HAH! Dumami na naman pala sila.

being myself again

Gusto ko lang sabihin na sobrang nostalgic ko pag naririnig ang kantang Mata ng Mojofly. Sobrang nadadala niya talaga ako sa panahon ng second year--nung nagtatahi pa ng skirt sa sewing room. Nasaan na nga ba iyong akin? :-? Miss ko na ang high school. Sana makadaan ako du'n minsan. Hay. Sembreak na at masaya lang akong natapos na ang sem. Hindi ako gaanong masaya sa mga pinaggagawa (o hindi ginawa) ngayong sem kaya't sobrang excited na'kong magsimula ng bago. HAHA. Sembreak palang next sem na agad ang iniisip e..Ayun naman. Ano pa ba? Hindi ko pa rin nabibili iyong gusto kong ice cream, wala kasing maliit na packaging. Inaantok na'ko pero ayoko pa matulog kasi ang tagal mo sabi mo BRB. Lagi mo nalang akong pinaghihintay. :( Pero ohwell. Ano pa ba? Hindi pa natatapos yung Breakfast at Tiffany's na dinadownload ko. Haha. Di ko pa kasi napapanood :) May Kikomachine 4 na nga pala ako. Yehey. Ang dami lang kasing naipong mga bagay-bagay nung hellweeks kaya ngayon ko lang sila inilalabas. At kahit sobrang daming naipon, ang hirap ilabas lahat. Constipated, ba. Haha. Isang linggo nalang birthday na ni Therese at hindi ko pa nagagawa ang kanyang napakademanding na 18something! hahaha. BIRTHDAY NI MISS LAGUD NGAYON HAPPY BIRTHDAY. Ayun. Wag nalang nating pag-usapan yung mga final test. :) trust in the Lord with all your heart; on your intelligence rely not. in all your ways be mindful of Him, and He will make straight your paths! :) Proverbs 3:5-6

wala lang. was just being random.

Wednesday, October 8, 2008

i actually like what i added last.

Jesus’ life is one hell of a life to replicate, no pun intended, but it sure is one hell of an achievement too to get close to the kind of life He lived. I cannot say anymore what I used to think was the case—tao lang ako; hindi ko kayang isabuhay ang buhay ni Kristo. Instead, now, it’s precisely because I am human that this act of replicating Jesus’ life and trying to bring life to others is a more blessed and beautiful experience—because Jesus was human when He did this, because I am human when I try to do this, because in spite of all the shortcomings in me, God’s grace is there to help me achieve my goal.

natapos din ang theo. accounting na! last na 'to! woohoo!

Tuesday, October 7, 2008

This is very challenging.

Kanina lang kasi inupload ni Sir ang exemptions sa Theo finals, at sa awa ng Diyos, exempted ako. "Sa awa ng Diyos" dahil ibig sabihin noon ay may pag-asa pa ang grades ko sa Theo akala ko bababa ako sa C+ ngayong sem, pero hindi naman. At woohoo salamat po. Pero kaakibat ng exemption ay ang pagpasa ng isang essay na magiging pamalit ng Finals. (Wag niyo ko tanungin, ang labo talaga ng patakarang ito. :| ) Dalawa hanggang tatlong pahina lang naman, double-spaced na naglalaman ng sagot sa tanong na, "What is your personal response to the challenge presented by Catholic theology?" Ang hamon: Choose God, or deny Him. Madaling sabihin, pero mahirap gawin. At lalong mahirap gawan ng papel. Sa ngayon ay may ideya na ako. Ganito kasi ako gumawa ng papel, kailangan may unifying theme sa buong papel. Nadadala ko ang panunula maski sa mga sanaysay. Sa ngayon ay nasa kalahating papel na ako at intro pa lamang ang nagagawa ko. Hindi ko na alam pa'no pa ituloy. Ahay.

Sa hindi gaanong magandang balita, bigla nalang dumating sa'kin ang isang nakakairitang katotohanan. Nagmath finals kami kahapon at dahil ata sa sobrang saya kong nilabas ang isang tanong na sinasagutan namin noong kami'y nag-aaral ay na-careless ako. Ginamit kong conversion factor mula hours to seconds ay... 1 is to 60. SIXTY? ANG BOBO. Ganu'n kabilis ang isang oras ko. 60 seconds. AnakKaNgTinalupangTupa! :( Oh well. Itutuloy ko nalang uli ang Theo...

Saturday, October 4, 2008

wth

naghihintay ako ng jeep para pumasok sa eskwela kanina nang may marinig akong sumutsot sa bandang kanan ko. napatingin ako, dahil medyo nakatunganga ako at nagising ako ng sutsot na iyon. pagtingin ko sa kanan ko ay may isang mamang nakatayo. siya lang naman andun pero di naman umimik nang gulatin ko siya ng aking paglingon. kaya di na rin ako umimik.

alam mo yung pakiramdam na pinapanood ka? ganun ang pakiramdam ko kanina.

biglang lumakad siya papunta sa aking direksiyon. wala naman akong paki, hanggang binagalan niya ang kanyang paglakad nang papalapit na sa'kin. akala ko magtatanong lang. naghahanda na'kong magmukhang hindi gaanong accommodating, hindi rin gaanong masungit.

pero ginulat niya ako!

tumigil siya sa harapan ko.

isang talampakang layo.

at tinitigan ako--nang masama.

minata mula ulo hanggang paa.

sobrang pumintig ang puso ko, parang tatakas na sa dibdib ko. unang beses kong kabahan sa kalsada. hindi naman nagtagal ang mama sa harapan ko. umalis din siya. hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa na i had a feeling bading siya when he walked away.

weird. super.

*

best explanation by charles::
isipin mo nalang ganito, naging guy siya nung nakita ka niya :p

HAHA.

p.s.

para kay rap:: hindi ito tula; tunay na pangyayari ang kung anong nakasulat sa taas. bagamat natutukso akong isulat ito patula, thus the semi-metric parts. :D

Friday, October 3, 2008

Para lang mapunan ang kawalan

ng laman ng aking talaarawan...

1) What is the hardest thing for you to say?
> That there's no more hope.

2) What do you want to receive on your birthday?
> Lots of surprises, and maturity.

3) Reach your hand out to the right. What do you touch?
> Notebook.

4) What time did you sleep last night?
> past 1 am already

5) What's the wallpaper on your computer?
> picture ko at ni ate nung maliit pa kami

6) What can you hear besides the computer?
> TV

7) What is your favorite line to say when bored?
> I make the popping sound with my lips :)) <<
8) When was the last time tears started to roll down your cheek?
> Errrr forgot.

9) The last person you were on the phone with?
> My cousin.

10) What makes you frustrated?
> Stuff. Generally acads.

11) What song you listening to?
> Wala ngayon

12) Current mood?
> so-so

13) Who will you turn to if you have a huge prob?
> Lord, Odi, Kev or Jescia.

14)What's your favorite song at the moment?
> Ang Pusa Mo! hahahahaha

15) What was the last song that kept ringing on your mind last night before you sleep?
> Sweet Soul Review :D

16) What was the best event that happened last year?
> Last year...got into college. :D

17) Where have you been today?
> School.

18) Last thing you ate?
> Polvoron.

19) Who are you with right now?
> Everyone.

21) Do you love sunsets?
> Yea

23) What are your wishes for your birthday?
> Maturity peace of mind responsibility passion friends happiness success

24) Who do you wanna be w/ on the day of your birthday?
> Friends.

25) Have you ever felt that you've been taken for granted?
> uhhuh

26) Things you regret?
> Marami, first thing that comes to mind would be those stupid choices for accounting...

27) Is there anything else you want to do besides answering this survey?
> sleep

28) Question/s you hate that they ask you?
> ba't di mo alam, ba't takot ka sa hayop, ba't ang iyakin mo.

29) Chocolate cake or brazo de mercedes?
> chocolate cake.

30) How do you feel right now?
> Sleepy. Stressed.

31) What's your plan next week?
> Kick those final exams' asses.

32) Missing someone?
> yep :)