Marami sa atin, mahaba ang listahan ng mga pangarap at hindi ko ihihiwalay ang sarili ko sa karamihang iyon. Nais kong magtayo ng isang paaralan, bahagyang maibsan ang kahirapan ng Pilipinas, matutong tumugtog ng cello, minsan pang magtanghal sa harap ng mga tao, makapagpalimbag ng libro, maging bilyonaryo, mamatay nang may kabuluhan at marami pang iba. Sabi sa inyo, mahaba e.
At pahahabain ko pa iyan sapagkat kamakailan lamang ay nakilala ko ang isang bagong pangarap.
Sa klase namin sa teyolohiya ay pinag-uusapan si Kristo at mayroong isang tanong doon na talaga namang natamaan ako.
Ika nito, (di ko mahanap yung mismong tanong nakakairita) mas gugustuhin ko raw bang mabuhay sa panahon ni Kristo. Sa pinakaunang pagkakataon sa buhay ko, ilang beses idiniin na minsan, naging tao si Kristo--mahahawakan, makakausap, makikita, nababasa, naiinitan, pinagpapawisan, at lahat-lahat ng kung anumang pinagdaraanan ko ngayon.
Habang iniisip ang mga ito, bigla na lamang dumating sa akin ang isang pakiramdam. Hindi ko maipaliliwanag nang husto, ngunit naimagine kong nakita ko si Kristo. Tipong kilala mo talaga siya ay tunay siya--laman at dugo. Isa lang masasabi ko sa inyo, sobrang sarap nung pakiramdam. Parang malamig na tubig na ibinuhos sa iyo kapag nanlalagkit ka na sa SecWalk. Ganu'n kasarap.
At bago pa lumayo ako nang sobra-sobra sa nais kong isulat, e ibalik na natin sa pakay talaga. Dahil nga sa naramdaman kong iyon, nainggit tuloy ako sa mga taong nakasama ang mga dakila. Isipin mo nalang, hindi mo lang binabasa ang kasaysayan...
kasama ka sa kasaysayan.
O kung hindi man, kasama mo ang kasaysayan. At hindi ba't parang ang sarap ng pakiramdam na iyon? Kaya noon ay nakilala ko ang bago kong pangarap at ito'y sana'y makasama ko ang isa sa mga dakila. Sana makasama ako sa o makasama ko ang kasaysayan.
Tipong, pwede kang mamatay nang masabi mong, "Nabuhay ako sa parehong panahon sa isang taong tunay na namuhay."
At wala na sigurong mas sasarap pa roon.
Or so I thought.
Hanggang sa napagtanto kong, mas masarap pala kung lahat ng kakilala mo ay dakila.
Lahat namuhay nang tunay.
Homo verus.
Lahat, kasama ang sarili ko.

No comments:
Post a Comment