Monday, September 29, 2008

HELL-O

Regarding the Yu shirt. Here's the design. From L-R:: front design, back, zoomed image.

We're gonna charge you Php150 for printing. The downside's that you will have to provide for your own plain white shirt. So yea. Spread the word. Will be accepting tshirts till Thursday.

ito lang.

fuck oversleeping.

Sunday, September 28, 2008

Unloading

Stuff I just have to tell you before I become busy again for finals week.

School's been really stressful, despite the fact that I only have 4 subjects @ 15 units. I haven't been getting grades with flying colors, and I'm feeling the pressure from last sem's outcome. But recently, the guidance counselor enlightened me. (Yes! Routine guidance interviews actually help. This is the first time, though. haha) See, I told him about the pressure of last sem nga and how I'm not meeting the expectations I set up myself. He said, it's not really about the grades; it's about the education. Minsan naintindihan mo naman ang lesson, nablangko ka nga lang sa test which is so true for THEO ORALS. Anyway, this reminded me of how I've always quoted someone(HAHA di ko maalala sino), "I have never let my schooling interfere with my education" but I just can't help being conscious about those stupid letters. haha anyway...

On a lighter note, Holy students should take note that we went to Gateway kanina (after weeks of spending weekends doing school work!) and I finally got to ask our contact sa Rustan's Gateway and the rumors aren't true. She does not work there. I saw someone who looks a lot like her, though. At baka iyon ang nakita nung unang "nakakita".

Made a mind-list of what I want to do::
*buy all the books and clothes that I want
*build a big library
*build a school
*spend some time alone in a decent coffee shop
*spend some time alone under the stars
*run along the beach early in the morning


!!ang conyo po ng aking sinulat. pasensya.

Saturday, September 27, 2008

Nainggit lang ako

Let's do this twitter style.

*Ngayong umaga kasi iyong P.E. culminating sa school. At siyempre, main event ang fun run ng mga nagrrunning at physical fitness. Nainggit ako, gusto kong tumakbo ulit. :-<

*Parang family day lang kanina e. :)) Sumama si Nathan at Niels sa school. Hahaha. Para namang napakahirap ng gagawin ko. [Bench Aero] Ika nga ng tatay ko, "Nagbuhat ka lang ng bench e!" :))

*Napakatamad ng araw na ito. Or ng buong weekend na ito. Nakakainis.

*Freedom Writers made me cry. T_T

*Dalawang bagay ang masarap gawin:: Pangarapin ang isang buhay, at buhayin ang isang pangarap. :)


Friday, September 26, 2008

OPEN FOR BIDDING

Hi. See, we have this terror subject that is Accounting. And being the true-blue Filipinos that we are, we'd like to have a good laugh on our Accounting final long test. The idea of printing shirts for this fateful day has been brought up and the only problem right now really is the design. So now I am calling out to all the artists out there to come up with a design with the text, "I love Yu". Also, if you could, in any way squeeze into your design anything Accounting, it'd be gladly appreciated.

So why do this? Why bother do this when you have shitloads of schoolwork to do? Well, I can't promise you much, but maybe we can give you some kind of commission for every shirt that we sell? We're no big company. So I'm just banking on the goodness of your artistic hearts. Haha. Our finals will be on October 10 so hopefully we have the design by next week.

Generally, the design has to be a print on the shirt itself only--no more designs for the sleeves,etc. People are saying we just do the I <3 NY nalang, but lagi nalang ganun. :( So yea. Please. Anyone? :)

Thursday, September 25, 2008

surprise, surprise!

minsan, may mga bagay na sobrang natatangay ka nalang. kanina for some weird reason naalala ko yung ipinasa ko sa bagwis part ng matanglawin. ipinasa ko kasi bago ako umalis iyong makapangyarihan (na makikita blog ding ito...pakihanap nalang, katamad ilink e). naalala ko lang siya. sabi ko shet, nakakahiya kasi di pa nila nilalabas, naalala ko yung email nila na "iisa palang ang nagpapasa,guys" (at ako iyon!) at nagkaroon ako ng pakiramdam na "guys iisa palang nagpapasa, at hindi siya pwedeng ilagay sa isyu" so parang ang sama ng pakiramdam ko. tapos nakita ko naglabas na pala ng bagong isyu ang matanglawin. tapos binabasa ko yong comics, wala lang. lakad-lakad. nagpapaka-loner uli sa secwalk. tas binasa ko yong mga editorial, browse browse. tas gumawa ako ng journal entry para sa nstp. tas nakipagdaldalan kay kev. tas nilaro yung matanglawin, ginugusot, ginugulong, ganon. tas nabuksan ko dun sa bart ng bagwis. tas andun siya. napasigaw nalang ako sa secwalk. at natouch. at naiyak. salamt po! ahay.

surprise, surprise


Friday, September 19, 2008

Rodic's Itlog

Kahapon kasi sa caf kami kumain ng tanghalian matapos ang ilang beses na pagkain namin ni Kim sa Manang's para makatipid. Dahil dito natakam ako sa Rodic's Tapsilog. Tapsilog--tapa, sinangag at itlog. Pinakilala sakin ni Nicki iyong itlog sa Rodic's na hindi pa gaanong luto yung yolk. Ganun iyong gusto kong itlog kasama ng aking tapa at sinangag. Pero nung bumili ako, may nakahanda na; may nakaprito't naghihintay na. Kaya naman hindi na ako nagpaluto pa ng iba. Nang dumating si Bry, tapsilog din ang pagkain niya at iyong itlog ng kanya ay iyong gusto ko. Narito ang sumunod na usapan:

K: Wow yung hindi luto gaano iyong itlog nung sayo
B: E kasi hiningi ko. Dapat humingi ka rin.
K: E meron nang nakahanda e.
B: Pero karapatan mo iyon!
K: *nag-isip.* E nakakaawa e! Naghihintay siya roon, tas iiwan ko lang.
B: "It also has feeling y'know!"
K: Oo, isipin mo iyong sisiw na namatay dahil do'n. Tas iiwan ko lang? Tas itatapon lang at the end of the day dahil sa mga tulad mong namimili ng itlog? How could you, Bry? How could youuu?
~tumuloy pa ang usapang ukol sa itlog at ang buhay. emo na yon e.~

Haha sabaw.

*

Sabay kaming umiyak ng langit. Gusto ko ng chicharon. Bumili ka nalang ng mannequin at halaman. QUALITY TIME.

Repost.

Nakatikim ka na ba ng coke na sobrang lamig? Yung tipong kahit walang yelo e ayos na? Yung tipong mismong bote yung nagyeyelo? Yung tipong humahagod sa lalamunan at masakit sa ilong pag dumighay ka? Ako oo, at iyon ang pinakamalapit na bagay na nagawa ko sa paglalasing. Masakit uminom ng coke na sobrang lamig. Parang tinutusok ang dila mo, ngalangala at lalamunan. Mararamdaman mo ring puputok na ang iyong tiyan sa hangin.

Ang pag-inom ng coke ang pinakamalapit na bagay na nagawa ko sa pag-ibig.

Masarap, kahit masakit. Gusto mo pa ring inumin kahit na alam mong mangingiwi ka sa bawat lagok. Sa katunayan isang lagok nga lang ang kaya ko sa bawat pag-inom.

Masarap ang coke na sobrang lamig.

Masakit ang coke na sobrang lamig.

Pero pag naratnan mo na ang ilalim ng baso, aabutin mo pa rin ang bote at pupunan ito.

*
Third time I posted this. First time I mean it.

Saturday, September 13, 2008

uhh

gusto ko sanang makausap ka. gusto ko sanang kwentuhan mo ako sa buhay mo. what makes you happy? anong paborito mong ulam? ilang nunal meron ka sa kamay? anong kinatatakutan? pangarap sa buhay? kinababadtrip-an? jokes na pinagtatawanan? anong ritwal sa umaga ang ginagawa sa banyo? do you like the stars? paboritong kulay? what is love? who's your crush?t oo many to mention ba ang ilalagay mo sa favorite songs part sa autograph book? kilala mo ba si pepe smith? gusto mo ba magkapares ang kubyertos pag kumakain? ano? ganun sana ang gusto kong malaman. hindi yung...

Friday, September 12, 2008

Wow bago 'to ah!

Habang ako'y naliligo, sa tuwing maglalagay ako ng shampoo sa kamay, nabubuo ang mga bula. (Kasi paubos na iyong shampoo.) At hinihipan ko sila papalayo upang hindi ko maputok sa aking mga kamay. At dahil napakawalan ko na sila sa aking mga kamay hinihipan ko sila papataas nang hindi tumama at pumutok sa sahig.Ngunit maski mapanatili ko silang asa himpapawid, puputok at puputok pa rin sila. Kanina, dumating ang thought na ito sa aking isipan. Napa-haiku akong habang naliligo!

Oh the stuff I do while taking a bath.

*
saving a bubble--
something fragile and pretty,
something that's futile?



Thursday, September 11, 2008

wala pang pamagat,

ginagawa ko lamang ito dahil wala na'kong maisip para sa theo.

Setyember 12, 2008
0524 HOURS

Tila nangiinsulto pang lalabas
at kukubli
lalabas
at
kukubli

Ang manipis na linyang naghihiwalay sa
kawalan
at
kabalbalan

Lalabas at kukubli pa rin ang linya
habang ako'y nakatanga
at bibilis
nang bibilis
na tila kumukurap na ang aking mga mata

Nang malaglag na ang ulo
at magising

Tatlong minutong nakalipas
at mang-iinsulto pa rin
ang linyang

lalabas
at
kukubli

Nathan Files #3

Sobrang sabaw na namin ni Ate rito sa kwarto dahil ilang araw na kaming nakararanas ng hell, lalo na siya. Alam mo'ng sukdulan na ang stress (school-related) pag wala nang sense ang bawat pangungusap mo at naiirita ka na sa mere presence of someone inside the room. Kaya tuwing pumapasok sina Nathan at Niels sa kwarto, maski mauupo lang, pinaaalis namin. Buksan lang ang pinto ng kung sino, sisigaw na kami ng labas(maski si daddy na pala yun.).At ganu'n nga ang ginawa ni Ate kani-kanina lang.

Nagtatantrums na halos si Ate, kasama ang pagsipa at paggulo ng buhok.

Ate::Nathaaaaan. Umalis ka na nga, nasstress na nga ako eeeh!

Nathan::Ano ang stress?

Ahay. Just needed a break from Theo. Reached a page already,yey!

Tuesday, September 9, 2008

I am far from being reasonable.

Last night, I was crying like hell, cursing in every other sentence and ranting to all the people I talk to. What's worse is that I don't have any particular reason for feeling angsty. Hormones, maybe?

Tonight, or should I say, today, I'm super happy naman. When I'm happy I talk to nine people in YM. Hahaha. And I clap my hands out of nowhere. Haha. But still no reason behind this all. Haha. Anyway...


*

I wanna know you more. Will you allow me to?

Monday, September 8, 2008

Ako, ngayon, ito lang.

...naman ang gusto ko--


kapayapaan ng isipan,


maging mature na ako,


umupo sa gitna ng field mag-isa at sumigaw nang sumigaw nang sumigaw at manahimik nang manahimik nang manahimik


at kumain ng ice cream with someone.


:-<



Sunday, September 7, 2008

Ang pinakamagandang regalo

Kanina sa misa, mga seminarista ang nagsilbi kasama ng pari. At bago matapos ang misa, nagkaroon ng isang sharing mula sa isa sa mga seminarista ukol sa napili niyang bokasyon. Akala ko vocation sunday ngayon, hindi pala.

Anyway...

Sabi ni Jigs, ang namahagi ng kanyang karanasan, may isang saint daw na nagsabing ang pinakamagandang regalo sa magulang ay ang magkaroon ng anak na piniling maging pari o madre.

Sa tingin ko, hindi. Sa katunayan, masyadong specific at generalizing ang statement. Generalizing dahil hindi naman lahat ng magiging pari o madre ay makapagsisilbi nang maayos at mabuti. Specific dahil masyado namang nakatuon sa iisang bokasyon. Marami namang ibang bokasyon a..

Single-blessedness. (paborito ko kasi naaalala ko si Ms. Aniago :]])

Ang pinakapunto lang naman ay kung ano ang ipinagsilbi mo sa buhay mo. Kanina, sabi ko...magmamadre ba ako? Joking aside, naisip ko yun kanina. At hindi lang talaga siya para sa akin. Mas gusto kong pagsilbihan ang Diyos sa labas ng kung anong kongregasyon :D

Ang sabaw ng post. :)) Nabeat ko ang aking record sa expert minesweeper \:D/ 150seconds! woohoo. Long live the geekery.

Tuesday, September 2, 2008

Hi.

Ako si Koko.

Alam kong wala kang paki kung sino ako.

Kamukha ko lang ang lahat ng nakasalamuha mong nilalang noon.

Wala lang kakaiba.

Katulad ko rin sila.

Pero isa lang masasabi ko sayo.

Iba ako.

Mas takot pa ata ako sayo

Kaysa ikaw sa'kin.

So para di na tayo mahirapan

Baka pwedeng wag ka nang magpakita sa'kin.

Pwede naman tayong mamuhay sa sarili nating mundo

Nang hindi nagpapansinan,diba?

So kung pwede wag ka na magpakita sa'kin.

EVER.

*

para sa dagang pumasok sa loob ng kwarto ko.

TANGINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

Kasama ng mga dakila

Marami sa atin, mahaba ang listahan ng mga pangarap at hindi ko ihihiwalay ang sarili ko sa karamihang iyon. Nais kong magtayo ng isang paaralan, bahagyang maibsan ang kahirapan ng Pilipinas, matutong tumugtog ng cello, minsan pang magtanghal sa harap ng mga tao, makapagpalimbag ng libro, maging bilyonaryo, mamatay nang may kabuluhan at marami pang iba. Sabi sa inyo, mahaba e.

At pahahabain ko pa iyan sapagkat kamakailan lamang ay nakilala ko ang isang bagong pangarap.

Sa klase namin sa teyolohiya ay pinag-uusapan si Kristo at mayroong isang tanong doon na talaga namang natamaan ako.

Ika nito, (di ko mahanap yung mismong tanong nakakairita) mas gugustuhin ko raw bang mabuhay sa panahon ni Kristo. Sa pinakaunang pagkakataon sa buhay ko, ilang beses idiniin na minsan, naging tao si Kristo--mahahawakan, makakausap, makikita, nababasa, naiinitan, pinagpapawisan, at lahat-lahat ng kung anumang pinagdaraanan ko ngayon.

Habang iniisip ang mga ito, bigla na lamang dumating sa akin ang isang pakiramdam. Hindi ko maipaliliwanag nang husto, ngunit naimagine kong nakita ko si Kristo. Tipong kilala mo talaga siya ay tunay siya--laman at dugo. Isa lang masasabi ko sa inyo, sobrang sarap nung pakiramdam. Parang malamig na tubig na ibinuhos sa iyo kapag nanlalagkit ka na sa SecWalk. Ganu'n kasarap.

At bago pa lumayo ako nang sobra-sobra sa nais kong isulat, e ibalik na natin sa pakay talaga. Dahil nga sa naramdaman kong iyon, nainggit tuloy ako sa mga taong nakasama ang mga dakila. Isipin mo nalang, hindi mo lang binabasa ang kasaysayan...

kasama ka sa kasaysayan.

O kung hindi man, kasama mo ang kasaysayan. At hindi ba't parang ang sarap ng pakiramdam na iyon? Kaya noon ay nakilala ko ang bago kong pangarap at ito'y sana'y makasama ko ang isa sa mga dakila. Sana makasama ako sa o makasama ko ang kasaysayan.

Tipong, pwede kang mamatay nang masabi mong, "Nabuhay ako sa parehong panahon sa isang taong tunay na namuhay."

At wala na sigurong mas sasarap pa roon.

Or so I thought.

Hanggang sa napagtanto kong, mas masarap pala kung lahat ng kakilala mo ay dakila.

Lahat namuhay nang tunay.

Homo verus.

Lahat, kasama ang sarili ko.