tinulugan ko lang ang sona ngayong taon. sobrang lumulutang na kasi ang utak ko kaya't di ko na nakayanan pang panoorin si gloria. taun-taon ko iyon pinapanood, dahil na rin sa gusto kong makarinig ng mga magagandang bagay. mga proyektong ang ganda sana kapag ipinatupad. sana nakikinig din iyong mga hindi naka-gloria. sakaling di niya tuparin ang kanyang mga pangako, sigurado akong mayroon doong mapupulot na dapat nilang tuparin sakaling malagay sila sa pwesto. pupuna-puna sila, pag sila naman ang naroon wala rin magawa.
ayon. naisip ko lang, ang hirap maging pangulo. wala akong kakayanang suriin nang mabuti ang kanyang pamamahala, ngunit umaasa akong ginagawa niya ang kanyang makakaya.
may tanong ako. kung ang pangulo e kurakot pero maraming nagawa, magrereklamo pa kaya ang tao?
napag-usapan na lang din ang pagiging pangulo, naungkat kanina sa isang usapan ang pagiging officer ko. oo, officer. sa apat na taon ko sa mataas na paaralan, naboto ako bilang officer. naboto pa nga ako maski absent (HAHA YABANG). pero sa apat na taon na iyon, wala akong nagawa kundi sumigaw kapag maingay, mag-assign ng mga tao para iba't ibang event, kunin ang mga seatwork kapag wala ang guro, umiyak kapag napagalitan at umiyak pa muli. kumbaga sa college, beadle lang ako. iba iyon sa pamumuno. naging mediatrix lang ako ng batas at mga awtoridad (HAHA AWTORIDAD). masaklap para sakin ang katotohanang iyon. gusto ko matutong mamuno. gusto ko. at hindi ako nagdadrama, nanghihinayang lang kasi ako.
*completely unrelated title.

No comments:
Post a Comment