sige na, koko. ikaw nalang ang babaeng di naglalaro, o.
madalas na sambit ng mga kaklase ko sa tuwing naroon na naman kami sa bahay ni Nonoy (haha) at ng malamang karamihan sa kalalakihan--ang Paradigm.
tanging ang pagtulog lamang sa sofa nila noong bago pa ito at pag-aaral para sa paparating na lit long test ang nakita kong gamit ng lugar na iyon. natulog na rin pala ako sa may desk. iyon lang. hindi ko noon maintindihan kung bakit lahat sila nakadikit ang mga mata habang pumapatay ng mga kalaban, na mabubuhay lang din naman muli.
noon.
hindi naman ako nag-dodota, hindi naman. pero ngayon naranasan ko na ang pakiramdam ng "isang game lang". ilang araw na'kong nagsasayang ng oras sa harap ng laptop para magminesweeper. iyong 99 mines, okay. haha. sa mga di marunong, subukan niyo. masaya. pampabilis din siguro ng reasoning to...simpleng deductive reasoning pero may kahalo ring kaswertehan. bilang pa lamang ng daliri ang mga beses na nanalo ako rito. sandali...mga 10 o higit pa, basta hindi ko kakailanganin ang kamay ng iba pang tao sa pagbibilang (iyon ay matapos ko nang magamit ang mga daliri ng paa ko). ngayon kapapanalo ko pa lamang ng isang game. at hindi ko pa nababasa ang para sa klase bukas. hay. mag-aaral ako mamaya, pagkatapos maghapunan. pero ngayon,
isang game lang.

No comments:
Post a Comment