Napadaan na ba kayo sa may Katipunan, malapit sa may sakayan ng U.P. jeep sa ilalim ng tulay? Hindi, hindi iyong tulay panao kundi tulay pangkotse. Iyong malapit sa Aurora at madilim? Basta iyong malapit sa Gate 1 ng Ateneo. Nakita niyo ba si Kuya Itim lately? Kasi nung minsang dumaan ako, wala siya e. Si Kuya Itim iyong taong grasang pinangalanan ko bilang Kuya Itim sa mga kadahilanang hindi ko na kailangang ipaliwanag. Noong minsang naglakad ako papasok wala siya at ang mga sako niyang silong kapag umuulan, maging ang mga supot ng pinaglalagyan ng kung anumang tinatrato niya bilang kayamanan at ari-arian. Wala, maliban na lamang sa kulay niyang dumikit na sa posteng kinasasandalan.
Ngayon hindi ko alam kung nag-c.r. break lang siya noon. Kung gayon nga, aba'y katuwa-tuwa naman siyang umaalis pa upang sumagot sa tawag ng kalikasan!
Maaari rin namang isipin na nagsawa na siya sa kinalulugaran niya. Balita ko sa mga dugong Atenista mula pa noon, doon na talaga siya nakatira, bagamat hindi ko alam kung tamang tawagin iyon bilang "tirahan". Marahil, para sa kanya, isa nga iyong tirahan.
Mas masarap sigurong isiping mayroong naglakas-loob na kupkupin siya. Sa gayong paraan, mag-iiba ang kanyang pananaw at kahulugan sa salitang, "tirahan". Gusto ko 'tong gawin talaga, pero ang mga pagkakataon ay hindi ako pinahihintulutang gawin iyon. Alam naman natin kung anong mga reaksiyon ang makukuha ko, at maaari ring hindi ko mapanindigan ang kung anumang ginawa ko.
Kung ang pinakamasaklap na sitwasyon naman ang iisipin, maaaring nawala na lamang siyang bigla at ang tanging natira sa kanya ay ang maitim na alikabok sa poste. Marahil ay mas posible pa nga ito kaysa sa naunang haka ko, dahil hindi naman ito nalalayo sa estado ni Kuya Itim sa ating kamalayan--isang bungkos ng alikabok, iyon, at wala nang iba.

No comments:
Post a Comment