Monday, July 21, 2008

Kaligayahan

Naalala ko mayroong nabanggit si Sir Egay sa klase noon ukol sa (o nabanggit niya talaga mismo) iyongs naisulat na tula ukol sa kaligayahan. Hindi ko na maalala kung saan tumungo ang mga linya ng nasabing tula, ngunit naaalala kong nabanggit nitong hindi naisusulat sa mga tula ang paksang kaligayahan. Kung hindi ako nagkakamali, sa isang malaking kabalintunaan, tinalakay pa nga ng nasabing tula ang kalungkutan.

Ngunit hindi iyon ang pakay ko ngayon. Pakay kong tanungin, sa inyong mga inaasahan kong nariyan na bumabasa, kung naisusulat nga ba ang kaligayahan? Para kasing ang hirap e...kanina, sa katunayan, sinubukan ko. Ngunit wala akong nagawa kundi isulat na nanlalamig ang mga paa at kamay ko. Iyon lamang. Pag masaya ako, malamig. At ngayon, malamig ang mga kamay at paa ko :) Kinikilig ako :) At hindi iyon tungkol (lamang?:> ) sa pag-ibig. \:D/

No comments: