sa una inakala naming sobrang walang kwenta ang Sci10. oo siguro nga walang kwenta siya. siya ang E.S. ng sophomore year pero maswerte ako sa napuntahan kong klase. hindi ko alam kung anong tinatalakay ng ibang klase, ngunit sa aming paminsan-minsang pagkikita (dahil halos sindami na ng free cuts ang mga meeting; hindi naman kami nagrereklamo), tinatalakay namin ang mga desisyong dapat marahil tinatalakay ng mga nasa posisyon ng pamahalaan at pribadong sector. waste management, sanitation, iba't ibang teknolohiya at kung anu-ano ring kakaibang imbensyon.
ngayong araw napag-usapan ang bio-latrine...ang pag-ipon ng mga dumi ng tao para panggalingan ng enerhiya sa pagluluto at pang-araw-araw na kuryente. tinanong ng guro namin kung paano maipapatupad iyon sa pilipinas, halimbawa sa mga illegal settlements ng mga slum dwellers (isang euphemism(?) para sa squatter's area at mga squatter). pero naisalang ang issue na nanakawin na lamang ng mga slum dweller ang mga tubo, at iba pang bahagi ng sistemang iyon. paano nga mapapagana ang bio-latrine sa pilipinas? kung iisipin makabubuti iyon sa kanila (at sa atin na rin; napag-alaman kong tinatapon pala nila sa ibabaw ng tren na dumadaan ang mga plastic ng kanilang *ehem* mina) para sa sanitasyon at makababawas sa kanilang gastusin para sa enrhiya at nakahanap pa tayo ng sustainable alternativer energy source. kayo, ano sa tingin ninyo?
dahil sa tanong na ito, naalala ko ang mungkahi ko noon. na magtayo ng isang website kung saan pwedeng talakayin ng mga tao ang mga idea nila. mga mungkahi nilang sagot sa mga pang-araw-araw na problema. pwede ring doon din ilagay ng mga tao ang pang-araw-araw nilang problema. para sa kaalaman ng lahat; at baka gumana ang mga mungkahi nila. ika nga sa pelikulang Master of Disguise, "it's so crazy; it just might work". ang saya siguro noon, 'di ba?
real solutions address the real problem. they don't result to further problems.