at kasabay niyon, araw ng kalayaan. nakakaasar ang pakiramdam ko ngayon--kasi wala akong nararamdaman. marahil ay nababad na ako sa realidad ng kolehiyo, bagamat sinasabi ng theo prof naming ang kolehiyo ay lugar ng mga ideyal. nauupos na ang akin na parang kandila kagabi sa brownout. wala akong naiiisip na masabi para sa araw na ito, maliban sa ilang makasariling kalayaan na hindi ko pa nakakamit.
tulad na lamang ng sa katamaran. di pa rin ako naglalaba at di ko pa rin nalalabhan ang sample tshirt.
nariyan din ang matanglawin. ilang beses nang nagtext si bek tungkol sa renewal at malamang, hindi ako sumasagot. marami na rin sa inyong nagbabasa ng blog ko[asa] na ayaw ko nang bumalik doon. hindi ko lang talaga mapilit ang sarili ko para maging responsable(na hindi maaaring magpatuloy.pucha!kailangan kong maging responsable.). naaalala ko noon sabi ko masaya ako kasi gusto ko ang ginagawa ko. natuwa ako dahil wika ang una kong natalakay(bagamat wala pa sa 2% ng lumabas na artikulo ang isinulat ko noon,isama ba naman ako sa dalawang uh..big-timers.) at sumunod naman ang gang badoy article. yun talaga yung sobrang shet article para sakin e. pero di na nasundan, at pasama na nang pasama ang kinalabasan. sinabihan ako ni jescia na sa pagbabasa niya sa mga artikulo dun di niya mahanap yung koko sa mga nailimbag. ngayon hindi ko alam kung anong masisisi--ang kapangitan ng gawa at pangangailangang iedit nang todo-todo, ang kawalan ng puso ko sa mga ginawa ko, o ang pinakamasaklap na hindi na ako yung kakilala niyang koko.
ngayon hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin na di na 'ko babalik. o kung pa'no ako iiwas hanggang sa 'di na 'ko pwedeng bumalik pa. marahil ganu'n na nga. di na'ko magsasalita at hahayaang agnasin na naman ng panahon ang mga bagay-bagay at mangangatog na lamang sakaling bisitahin ako ng mga nagdaang multo. tulad ng dati.
maligayang bati, liberty hidalgo.
Thursday, June 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment